CHAPTER 45: Walang ibang maaring puntahan si Shaika kundi ang opisina lang ni Zeldris, ngayong pansalamantala siyang hindi makakapunta sa Dark Hotel ay gusto na lang niyang aliwin ang sarili sa pagtatrabaho bilang bodyguard ng mayor. Wala man siyang gagawin dito kundi ang tumunganga at maghintay kung uutusan siya ng binata ay mas gugustuhin na niya ito kaysa maubos ang oras niya sa bahay niya maghapon at mag-isip ng kung ano-ano. Ilang araw na ang lumipas matapos nilang makausap si Thunder, at hanggang ngayon ay umaasa siyang darating ang pagkakataon na tatawag ito sa kanya o hindi kaya kay Owen para magbalita ng kakaiba o ng nalaman niyang nangyayari sa loob ng Dark Hotel na maaring makatulong sa kanila na solusyunan ang problema nila. Kaya lang, tila wala pa talaga siyang dapat asahan

