CHAPTER 58: Tila may dilang anghel si Herlene; matapos niyang hanapin ang dalaga ay isang malakas na tunog ng pagbukas sa pinto ng bahay ang gumulat sa kanilang dalawa ni Nardo. Sa pintong iyon lumabas sina Shaika at Owen na parehong may hawak na baril. At hindi na niya kailangan pang itanong kung ano ang ginagawa ng dalawang ito rito, dahil halata naman niya sa ngiti ni Shaika ang sagot. Gumanti siya ng ngiti sa dalaga kahit pa gusto niyang itanong kung paano ito nakarating dito. “Ngayon, hindi na ako nag-iisa, Nardo,” nakangising sambit ni Herlene nang muli siyang humarap sa lalaki. Halos hindi maipinta ang mukha ni Nardo nang makita ang dalawang taong bagong dating. Hindi niya kilala ang mga ito, pero dahil kasamahan siya ni Herlene ay alam na agad niyang gaya ito ng dalaga na mga as

