Chapter 59

1813 Words

CHAPTER 59: Kahit saang anggulo tingnan ni Herlene ang sinabi ni Owen sa kanya ay hindi niya talaga ito makita na magandang desisyon. Dahil bago pa man niya planuhin ang paglipol sa mga kasamahan ni Zacarias ay iniisip niya na ang parehong bagay na iyon. Alam niya naman una pa lang na si Zeldris na ang susi sa problema niya, kapag sa kanya mismo nanggaling ang katotohanan ay tiyak na wala na rin siyang pangamba at hindi na rin magiging hadlang sa landas niya ang mga politikong kasamahan ng namatay nitong kapatid. Ang kaso lang, wala nga siyang lakas ng loob na aminin sa binata ang totoo. Maging ang kanyang totoong pagkatao ay hindi niya kayang sabihin sa kaibigan niya. Dahil alam niya na kung siya man ang lalagay sa posisyon ni Zeldris ay tiyak na magiging sukdulan ang galit nito sa kany

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD