CHAPTER 60: Hindi alam ni Herlene kung saan niya nahugot ang lakas ng loob para sadyain ang kaibigan niyang mayor sa opisina nito at aminin ang buong katotohanan. Sa oras na mabigyan siya ng permiso ni Zeldris na sabihin kung ano kailangan niya ay hindi na siya nag-aksaya pa ng oras, dire-diretso na niyang inamin ang matagal na niyang tinatago sa binata. Ang unang bagay na inasahan niyang maging reaskyon ng binata ay gulat o galit. Mula kanina pang umaga ay kinukumbinsi niya ang kanyang sarili na walang alam ang kaibigan niya na isa siyang assassin… na hindi rin nito alam na siya mismo ang pumatay sa kuya nito. Pero iba sa inaasahan niya ang naging sagot at reaskyon ni Zeldris. “Herlene, kaya mo bang maging isang secretary ko?” tanong nito. Agad na kumunot ang noo ng dalaga, blangko la

