CHAPTER 32: Isang sugat sa kanang braso ang natamo ni Owen bago sila tuluyang makalatalon sa tubig. Kung hindi niya siguro kasama si Shaika ay maaring napatay nga siya sa restaurant na iyon. Hindi naman siya masisisi ng dalaga na maging ganoon ang reaksyon niya dahil nga matalik na kaibigan niya mismo ang tumutok ng baril sa kanya. At alam niya na kung siya man ang nasa kalagayan nito ay ganoon din ang magiging reaskyon niya. Walang ibang napagpilian si Shaika na lugar kung saan niya maaring dalhin ang binata kundi sa bahay niya lang. Dahil sa nangyari, alam niyang hindi ligtas ang Dark Hotel na puntahan nila ngayon. Kaya kahit ayaw niya ay iniuwi niya na lang ito sa bahay niya, kahit sa sala lang naman niya ito pinahiga. Ginamot na niya ang sugat sa braso ni Owen, may malay ito at mula

