CHAPTER 31: Hindi lumalabas ng Dark Hotel si Shaika na wala siyang dalang armas. Kahit nakasuot siya ng pormal na damit at kahit palda lang ito ay hindi naman mahirap para sa kanya ang itago sa kanyang hita ang kanyang armas. Maswerte na lang din na walang anomang guwardiya sa restaurant na nagkakapkap sa mga kumakain dito bago ito pumasok. Kaya lang. naging rason na rin iyon para makapasok ang isang lalaking iyon na may balak pumatay sa kanila. Habang nagkakagulo ang mga tao at nagkakanya-kanya ng takbo dahil sa nangyaring pamamaril ng kung sino, nanatili lang si Shaika sa ilalim ng mesang pinagtataguan niya. Mula sa kanyang pwesto ay kitang-kita niya kung paano magsitalon ang ilan sa tubig makalayo lang sa lugar, at ang ibang tao naman ay nag-uunahan na makatawid sa tulay. Naging dahil

