Chapter 22

1764 Words

CHAPTER 22: Isa siguro sa bagay na matatawag mong pinakamasakit na maari mong maranasan sa buong buhay mo ay ang malaman mo na ang kaibigan mo ay nagbago na ng pakikitungko sa ‘yo o hindi na siya ang dating kaibigan na nakilala mo. Hindi kailanman naisip ni Sinister na darating ang araw na pagdududahan niya si Viper na maaring ito ang traydor sa kanilang organisasyon. Kahit anong tanggi niya, hindi niya magawang maibaling sa iba ang sisi tungkol sa mga nangyari sa kanila nitong mga nakaraang araw. Una pa lang, kakaiba ang ginawa nitong pagbibigay kay Zeldris ng impormasyon tungkol sa kanya, hindi niya alam kung binanggit din ba nito kung ano ang kapasidad niya o kung nasama ba sa alam ng mayor ang tungkol sa mga kahinaan niya. Pero sapat na ang ginawa nitong pagrerekomenda sa kanya para

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD