CHAPTER 21: Simple lang naman ang naisip na plano ni Owen: ipaalam sa Supremo ang ginawa ni Sinister na pagtanggap sa alok ni Zeldris na maging bodyguard niya. Sa paraang ito ay hindi na nilang kailangang problemahin pa kung may makakapagsumbong pa sa nakakataas tungkol sa ginawa niyang iyon, ang kailangan na lang gawin ni Sinister ay ipaliwanag ang rason bakit siya nauwi sa desisyong iyon. Inamin ng dalaga sa kanyang ama ang ginawa ni Zeldtris na pag-alok sa kanya bilang isa sa kanyang mga bodyguard. Pero bukod sa bagay na iyon ay wala nang ibang inamin si Sinister, ang sunod niyang sinabi ay nagkasundo na nga sila ni Owen na magkasama nilang patutumbahin ang mayor sa pamamagitan ng sarili niyang palabas. Isang nakakadudang bagay kung iisipin ang naging desisyon ni Sinister, pero wala

