CHAPTER 20: Napaawang na lang ang bibig ni Sinister nang marinig ang tanong na iyon. Hindi niya alam kung paano niya lilinisin ang pangalan ng kaibigan niya o kung kailangan niya ba talaga itong depensahan sa binata. Tila ba nahihirapan siyang i-proseso sa utak niya ang tanong kaya’t hindi niya agad malaman ang dapat na sagot. “Hindi ako sigurado, pero sa pagkakatanda ko ay wala akong binanggit kay Herlene tungkol sa pagpapalit namin ni Three sa misyon na papatayin,” aniya. Napalunok si Sinister matapos niyang sabihin iyon, ang totoo ay sigurado siya sa tanong at alam niya naman talaga kung ano ang sagot sa tanong ni Owen. Ngunit ang hindi niya alam ay kung dapat ba niyang sagutin ng tama ang tanong na iyon. Ayaw niyang maging sinungaling, ngunit ayaw niya rin namang sagutin ang tingin

