CHAPTER 19: “Pumayag kang maging bodyguard niya?! Nababaliw ka na bang talaga?!” Iyon ang tanging naging reaskyon ni Owen matapos sabihin sa kanya ni Shaika ang lahat ng naging pag-uusap nila ni Zeldris nang gabing iwan niya ang dalawa dahil sa kagustuhan ng dalagang itanong sa mayor ang bagay na gusto niyang malaman. Napayuko na lang si Sinister matapos marinig ang naging reaksyon ng kausap. Alam niya naman na posible talagang hindi nito tanggapin kung ano ang naging desisyon niya, pero pinili niya pa ring gawin at sabihin ito dahil sa pakiramdam na may utang na loob siya rito kahit pa binalak niya itong patayin noong una. Nasa rooftop ang dalawa at dito nila napiling mag-usap dahil walang ibang umaakyat dito kundi si Shaika lang. Ligtas din kung dadalhin niya rito si Owen dahil siya

