Chapter 18

1824 Words

CHAPTER 18: Sa pag-alis ni Owen, ilang segundong katahimikan muna ang namayani sa pagitan nina Zeldris, Sinister, at ng mga tauhan ng mayor. Isa lang naman ang laman ng isip ng dalaga at hindi niya na palalampasin ang pagkakataon na ito na makaharap at makausap ang mayor. Agad niya itong nilingon. “Gusto kitang makausap ng sarilinan,” aniya. Nasa tingin nito ang determinasyon na gusto niyang makuha kung ano man ang kailangan niya. Napabuntong hininga si Zeldris habang naiisip ang mga bagay na narinig niyang sinabi ni Owen kanina tungkol kay Sinister. Tila siya nga ang tipo ng taong gustong makuha ano man ang gusto niya sa ano mang paraan. Pero wala namang kaso iyon sa binata, mas gugustuhin niya pang makausap ito kaysa magkaroon muli ng kaguluhan sa pagitan ng dalaga at ng mga tauhan ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD