Chapter 43

1802 Words

CHAPTER 43: Nagpalitan ng tingjn sina Shaika at Owen dahil pareho silang nag-aalala kung paano ba nila sisimulan ang kanilang sadya kay Thunder. Kilala ni Owen ang kaibigan niya na mainipin at gusto na kung may bagay kang gustong sabihin ay huwag mo na dapat pang patagalin kung gusto mo rin namang sabihin. Habang si Shaika naman ay walang balak makisali sa gagawin nilang pag-uusap, sadyang ayaw lang din niyang mag-aksaya ng oras dito dahil sa nakikita niyang sitwasyon ng lalaking kaharap nila. Halatang madami itong ginagawa at kailangan din niyang mag-asikaso ng kanyang mga anak, wala siyang oras na makipagbiruan sa kanila. “Alam ko na hanggang ngayon ay iniisip mo pa rin ang bagay na nangyari sa atin sa restaurant, at maaring gusto mo pa ring ituloy ang nasimulan mo nang gawin doon. Pe

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD