CHAPTER 100: Sa kabila ng mas matinding banta sa buhay ni Shaika, wala siyang ibang pagpipilian kundi ang pumasok sa trabaho niya bilang bodyguard ni Zeldris. Patuloy lang ang plano nila na kalabanin sina Samantha nang patago, pero dahil sina Carlo at Dave naman ang inutusan nilang gumawa nito, kailangan niya munang gampanan ang papel niya sa buhay ng mayor—bilang hakbang na rin sa balak niyang gawin. Umaga palang ay pansin na ng dalaga na hindi maganda ang timpla ng mukha ng mga empleyado sa loob ng munisipyo. Habang naglalakad siya na animo’y walang napapansin o walang pakialam, ramdam niya na naman ang tingin ng karamihan sa kanya. Sanay naman na siyang makatanggap ng mga ganitong uri ng tingin mula sa marami, ngunit ang hindi niya maintindihan ay kung bakit tila iba ang uri ng tingin

