CHAPTER 29: Isang mayaman at importanteng tao ang makakasama nina Shaika at Owen, kaya natural lang na kailangan nilang magsuot ng damit na bagay sa kung saang lugar sila kakain. Si Zeldris ang namili ng restaurant na pupuntahan nila ngayon gabi, sa pananamit pa lang na inirekomenda ng binata ay alam na ng dalawa na mamahaling lugar ang kanilang pupuntahan. Parehong pormal ang suot ng dalawa, pero nagterno sila sa kulay na itim dahil ayaw ni Shaika na magsuot ng ibang kulay maliban sa kulay na iyon. Ni minsan, hindi niya pa nasubukan na magsuot ng ibang kulay na damit… dahil pakiramdam niya, kakain ito ng malaking atensyon sa mga taong makakakita sa kanya sa labas o loob man ng Dark Hotel. Mula sa labas ng kanilang hotel ay isang itim na kotse ang sumundo sa kanila. Bago sumakay ang dal

