CHAPTER 28: Noong unang beses na nakilala ni Owen si Shaika ay wala itong ibang nakita sa kilos ng dalaga kundi ang bagay na tanging ginagawa lang nito kundi ang pumatay. Nakita niya kung paano nagalit ang dalaga sa binatang mayor at sa kanya dahil sa nangyaring pagkakaroon nila ng hindi pagkakaintindihan. Akala niya nang magharap silang muli, magkakapatayan talaga silang dalawa at hindi na niya maaayos kung ano ang naging problema nila tungkol sa misyon. Pero ngayon, hindi lang sila nagkaayos na dalawa… masasabi niyang nakabuo na sila ng magandang samahan at pagkakaibigan dahil sa pagkakaroon ng iisang dahilan at iisang misyon. Kaya lang, hindi niya rin inasahan na darating din pala ang pagkakataon na may mahihiya siyang naging malapit silang dalawa ng dalaga. “Balita ko ay palagi raw

