CHAPTER 27: Isang araw na naman ang natapos na kasama ni Shaika si Zeldris. Pabagsak siyang bumagsak sa kanyang kama na may halong inis dahil maghapon niya na namang nakita ang kinaiinisan niyang ngiti ng binata. Mula nang maging boduguard siya nito ay hindi niya inalis ang mata niya sa binatang mayor, iyon ay hindi dahil sa gusto niyang panindigan ang trabahong ibinigay nito sa kanya. Kundi para makilatis nang husto ang kilos nito at kung ano ang ugali talaga nito. Pero kahit ilang maghanpon na ang inubos niya para lang makilatis ito ay wala siyang ibang nakitang pag-uugali ng lalaki kundi ang malambot at palangiti nitong ugali. Hindi niya alam kung isang pagpapanggap lang ba iyon ng binata, pero duda siya sa bagay na iyon… dahil kung oobserbahan ito ng matagal ay tila normal na niyang

