CHAPTER 26: Lunes hanggang biyernes ang naging kasunduan nina Zeldris at Shaika sa trabaho niya bilang bodyguard nito. Hindi naman hirap ang dalaga sa ibinigay na trabaho sa kanya ng mayor, dahil ang kailangan lang naman niyang gawin ay masiguro na walang kahit na sinong hindi kilalang tao ang makakalapit sa binata sa tuwing lalabas ito ng kanyang opisina. Mula nang naging bodyguard ni Zeldris si Shaika, aminado ang binata na naging mas kampante na siyang lumabas ngayon. Bukod sa alam niyang hindi siya sasaktan ng dalaga o ng organisasyon, wala ring magtatangkang lumapit sa kanya dahil sa pagkakaalam niya ay kilala ang dalaga bilang anak ng Supremo—ang babaeng walang awang pumatay ng masasamang politiko. Alam naman ni Zeldris na mataas ang posibilidad na alam na rin ng mga kasama niya o

