Chapter 89

2719 Words

CHAPTER 89: Alam ni Shaika na walang ideya si Herlene sa mga nangyari nitong nakaraang araw kaya madali lang sa kanya na sabihin na kaya nilang talunin si Maestro. Ngunit inihanda na rin niya ang sarili niya na aminin ang lahat sa kaibigan niya para maintindihan nito ang kanilang sitwasyon. Hindi niya naman kailangang sabihin ang lahat, ngunit karapatan ng kaibigan niya na malaman kung ano na ang lagay niya. Magkaharap silang dalawa habang parehong nakaupo sa kanyang kama. Ang totoo ay naiilang pa si Shaika dahil sa tagal ng pagkakaibigan nila ay ngayon niya lang pinapasok si Herlene sa loob ng kanyang kwarto. Hindi niya akalain na ganoon ang mararamdaman niya kahit na bago pa niya ito gawin ay nagawa niya naman nang patulugin si Owen sa sala niya. “May banta na si Maestro sa buhay ko,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD