CHAPTER 1
"Let's go out when you're back, okay?" sagot ng kaibigan ko sa kabilang linya.
Bumuntong hininga ako bago ko siya sinagot. "Next month, Babe." I answered.
Parang pakiramdam ko ay na kakulong ako dahil sa loob ng ilang taon ay hindi ko nahayaan ang sarili ko na lumabas kasama 'yung mga kaibigan ko kung gusto ko.
I'm turning 20 years old, pero naka depende pa rin ako sa tatay kong Congressman na kahit isang beses ay hindi man lang ako tinanong kong anong gusto ko.
He always dictated me on what I am doing, kailangan lagi akong naka sunod sa kanya, para akong aso na pinapakain at susunod sa amo niya para lang makakain ulit. I am tired, pero tatay ko siya kaya paano ako bibitaw.
Nakakatakas lang ako kapag may nag aaral ako dahil may sarili naman akong condo at wala akong Bodyguards na naka bantay, pero kapag dito natagalan lang ako ng ilang oras ay tatawag na agad ang tatay ko para pauwiin ako.
Hindi ko naman pinangarap na magiging ganito ang buhay, pero paano kung pinanganak na akong ganito na ang estado ng buhay ko may magagawa pa ba ako.
Tinitingnan ko ang wallpaper sa cellphone habang ngumiti mag isa dahil sa mukha ng crush ko. Dalawang buwan ko na siyang naging crush simula noong nakita ko siyang nag pe-perform sa TV noong nakaraang buwan. Isa siya sa mga guitarist at vocalist ng bandang Eclipse ang isang sikat na banda na mayroong limang myembro kasama siya.
Siya nalang ang nag papasaya sa akin, siya nalang ang nag bibigay ng saya kapag malungkot ako dito sa bahay.
Kinuha ko ang mamahaling bag na bigay pa sa akin ni Auntie, asawa ng papa ko. Pupunta ako ng Mall para mamasyal dahil naiinip ako dahil sa wala akong magawa dito sa loob ng kwarto.
Lumabas ako at naabutan ko si ate Myrna na nag lilinis sa bintana, isa siya sa mga katulong dito sa bahay. Isa siya sa mga nag sisilbing nanay ko dito, dahil sabi ni papa nawala daw ang nanay ko noong ipinanganak ako kaya kahit isang beses ay hindi ko man lang nakita ang mukha niya.
She's half American daw kaya kita sa itsura ko ang resulta galing sa nanay ko. Lumaki ako na naging spoil sa mga bagay na kailangan ko, pero kabaliktaran naman 'yun sa oras na binigay sa akin ni papa dahil hindi kami halos nag uusap ng kahit isang araw man lang.
During weekend lang siya may mahabang oras pero kahit na ganun ay hindi din kami halos nag uusap dahil nag papahinga siya sa kwarto.
"Aalis ka ba, Za?" boses ni ate Myrna ang narinig ko mula sa bintana kung saan siya nag lilinis.
"Opo ate, may bibilhin lang sa labas." sagot ko sa kanya sabay naman siyang tumango kaya nag patuloy ako sa paglalakad palabas.
Sumakay ako ng taxi para pumunta ng mall. Naabutan ko pa ang gwardya sa gate na iba ang tingin sa akin, tiyak na isusumbong na naman ako nito kay papa.
"Keep the change po, manong!" sabi ko sabay lumabas ng taxi pagkadating ko malapit sa mall.
Namili ako ng mga damit, kahit na madami naman akong damit sa bahay. Gusto ko lang talaga mag shopping dahil naiinip na ako sa kwarto na walang ginagawa. Isang buwan na ako sa bahay simula noong sem-break, at 'di pa ako pinapayan ni papa na puntahan ang mga kaibigan ko.
Dalawang taon, dalawang taon pa matatapos na ang pagiging congressman ni papa. At sana naman hindi na siya tatakbo pa dahil gusto ko ka din ng normal na buhay. Hindi 'yung palaging nasa panganib ang buhay namin kahit saan kami pupunta.
Hindi pa naman ako nakikilala ng mga tao ang mukha ko ng buo pero may mga nakakakilala din sa akin minsan sa daan kapag lumabas ako, dahil nga palagi akong nasa syudad at malayo sa taga San Rafael kaya alam lang nila ang pangalan ko pero hindi ako nila nakikilala sa mukha. Mas okay na rin 'yun para iwas sa mga katanungan, pero kahit ganun pa man ay over protective si papa kapag andito ako sa bahay niya dahil baka daw anong mangyari sa akin kapag lumabas ako mag-isa.
Nag tingin-tingin ako sa mga mamahaling bag na nasa loob ng estante, parang gusto ko ding bumili ulit ng bago pero sa susunod na lang siguro kapag nagsimula na ang pasok.
Lumabas ako ng Mall at nag lakad para mag hanap ng malapit na coffee shop, tumingin-tingin ako sa daan nang may nakita aking batang babae na naka upo at kumakain siya ng tinapay, sa palagay ko ay nasa sampung taong gulang na siya base sa tangkad niya. Medyo madumi ang itsura ng bata at ang damit niya ay butas-butas ito kaya nilapitan ko siya.
Ngumiti ako sa kanya bago umupo para magka pantay kami. "Hi! Anong pangalan mo?"
Hindi nag salita ang bata at naka tutok lang siya na hindi gumalaw, pati ang kamay niya na may hawak na tinapay na ngayon ay nasa bibig niya ay hindi niya kinuha.
Ngumiti ako ulit dahil baka akalain niyang kidnapper ako. "Ako si ate, Venice. Pwede ka bang maka usap?"
Tumango siya bago niya kunin ang kamay niya na galing sa bibig niya. Nang mapansin ko iyon ay agad kong nilakihan ang ngiti ko at tinanong siya. "Anong pangalan mo?"
Ang mata niya ay hindi nawala sa akin hanggang sa nagsalita siya. "Grace," tipid niyang sagot.
"Bakit mag isa ka lang dito, nasaan ang mga magulang mo?"
Sinubukan kong dahan-dahanin mag salita para hindi niya ako ayawan. "Umalis." sagot niya.
"Grace, gusto mo bang palitan ang damit mo para maging maganda ulit at tsaka ibibili rin kita ng pagkain."
Gusto kong mag karoon ng mga kapatid kaya malapit ako sa mga bata, dahil nga maaga namatay 'yung nanay ko ay hindi ko naranasan na mag karoon kahit isa. At kahit pa man nag asawa ulit si papa ay hindi din sila pinalad na mapag-bigyan.
Ngumiti siya sa akin at kita ko ang pag kasabik ng mga mata niya kaya agad ko siyang sinabihan na papasok kami sa loob ng Mall.
"Tara pasok tayo?"
Tumango agad siya bago ako ngumiti at hinawakan ang kamay niya at bumalik sa loob. ayaw pa sana kaming papasukin ng guard dahil madumi ang damit ng bata pero sinabihan ko na ibibili ko siya ng damit kaya pumayag siya.
"Anong gusto mong kulay? Gree, Pink, Blue, or Violet?" Tanong ko tsaka itinaas ang mga damit na napili ko.
Agad niyang itinuro ang kulay Pink na damit, may drawing itong clouds at rainbow sa gitna na may malalaking ribbon sa gilid kaya siguro napili niya ito. Binili ko nalang din ang ibang kulay para may pamalit siya kapag nadumihan na.
Pagkatapos niyang bihisan ay lumabas kami para kumain sa Jollibee, mas nakita kong masayahin ang bata nung nakasama ko siyang kumain dahil naging mas madaldal siya sa akin. Kwenento niya ang paborito niyang laruan kaya nag promise ako ibibili ko siya. Napag desisyonan kong dalhin siya sa laruan ng mga bata, pagdating namin doon ay tumalon talon siya sa tuwa nang sumakay siya sa malaking teddy bear.
Hindi ko na namalayan na madilim na pala nang lumabas kami sa Mall, halos dalawang oras ulit ako sa loob kaya pag labas ko ay umilaw na ang mga street lights.
"Saan ka na ngayon?"
"Dito lang, hintayin ko ang kapatid ko."
Gusto ko sana siyang dalhin sa bahay pero hindi naman 'yun pwede, naawa ako sa kanya dahil sa mura niyang edad ay pa lakad lakad lang siya sa daan nag hihintay kung may mag bibigay ba. Kung nag provide lang sana ang gobyerno ng mag aalaga para sa mga street children ay wala na sana ang ganito sa daan. Kahit pa ilang beses ko din naka usap si papa para dito ay hindi naman siya nakikinig at lagi lang niyang sinasabi na a-actionan lang daw niya, pero wala naman.
Iniwan ko siya sa dati niyang kinatatayuan at binigay ko sa kanya ang paper bags na laman doon ay ang mga damit niya, binigyan ko din siya ng kaunting pera para sa mga kapatid niya bago ako nag paalam.
Nang makarating ako sa bahay ay pagkapasok ko palang ay alam ko nang andito na si papa, umuwi na siya dahil nakita ko ang mga sasakyan na naka parada sa labas ng gate at mga bodyguards na naka tayo sa labas.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob para hindi mahalata na lumabas ako. Ayoko na makita niyang umuwi na naman ako ng gabi na at walang kasamang bodyguard.
Nang maka pasok ako sa kwarto ay naka hinga agad ako ng maluwag, nilagay ko ang mga binili ko sa kama at nag bihis bago bumaba para kumain. As expected, kahit na andito na si papa ay hindi ko parin siya makaka-sama sa hapunan dahil lagi siyang nasa kwarto at naabutan ko lang si Auntie na nag handa ng hapunan kaya naupo ako.
"Bakit matagal kang bumaba, Za." tanong niya sa akin pagka upo ko kaya inangat ko ang tingin sa kanya.
Medyo mabait naman 'to sa akin kahit papaano kaya lang mahigpit din kapag si papa na ang susundin niya, hindi ko din siya malapitan kapag may problema o kaya may gusto akong hilingin na pabor.
"May tinapos lang po akong sinusulat para sa next school year, Auntie." Of course hindi 'yun totoo. Wala nga akong pakialam sa pag aaral ko dahil hindi ko naman gusto ang kursong pinakuha nila sa akin.
Gustong-gusto ko talagang mag tayu ng business coffee shop dahil mahilig ako sa kape. Pero noong bata pa ako ay pinangarap ko ding maging doctor pero alam kong imposible dahil mukhang mahirap. Political Science ang kinuha kong kurso dahil 'yon ang gusto ni papa. Pero wala akong pakialam kung babagsak ako dahil hindi naman ako ang nag babayad ng tuition ko kundi sila.
"It's good to know na nag re-review ka na kahit sa susunod na buwan pa 'yun. Keep it up."
"Thank you, Auntie."
Pinag patuloy ko ang aking pagkain at pagkatapos ay pumasok ulit sa kwarto ko para ayusin ang mga binili kong damit. Humiga ako sa kama at nag scroll-scroll sa feed para makita ang mukha ng taong nag papasaya sa akin ngayon.
"Zahara Venice C. Cruz! Sounds good, right?" Tumili ako nang binanggit ko paulit-ulit ang pinag dugtong kong pangalan at apilyedo niya.