Lumaki ang mata ko matapos makita ang likuran niya pero naisip ko ano naman ang gagawin niya dito, and of course kapag crush mo, basta-basta mo nalang makikita sa kahit sinong taong makaka-salamuha mo kahit na hindi naman talaga siya 'yun.
Bumalik ako sa loob matapos ang ilang minuto, kinuha ko ang cellphone ko at nanood ng t****k dahil wala akong magawa. Naalala ko na tinag ko pa si Khaliel nung nakaraang araw sa i********: pero hindi niya nakita ang story ko.
'Yung mga mukha ko andito pa din sa t****k nag kalat dahil sa ginawa ko noong andun pa ako sa San Rafael. "Ganda mo." komento ko sa sarili.
Nang lunes ay maaga akong pumasok dahil maaga akong nagising, wala pang ibang tao sa room dahil ako medyo maaga pa. Sinaksak ko ang airpods sa taenga ko bago pinakinggan ang kanta nila. Maya-maya pa ay nag datingan na ang mga tao kaya kinuha ko ang naka saksak na airpods. "Hello Venice!" bati ng isa kong classmate.
"Hi," tanging sagot ko.
"Hoy! Vinice 'yung crush mo makita ko kahapon sa Mall bumili ng sapatos." nagulat ako sa biglang pag tapik ni Chris sa akin bago siya tumabi sa akin.
Tumingin ako sa kanya dahil sa intresado sa kwento niya tungkol kay Khaliel. "Weh... totoo?"
Sinigurado ko dahil baka joke niya na naman 'to gaya ng lagi niyang chat sa akin na palagi daw niyang nakita malapit sa building kung saan ako nakatira. Umasa tuloy ako na siya 'yung mga nakikita ko tuwing umuuwi ako sa unit galing sa gimikan.
"Ewan ko sa'yo kung hindi ka maniniwala. Anyway, mahal 'yung ticket kaya kalahati lang 'yung ibibigay ko sa'yo, ikaw na ang mag dagdag." Ngumiti siya sa akin bago may kinuha sa bag niya na agad niyang inabot sa akin. "Ito na, mader thank you!"
Pera iyon na nilagay niya sa palad ko kaya agad akong tumili nang makita iyon. "Wow true ba? Ikaw talaga 'yung bibili? Akala ko joke lang 'yun!"
Ngumisi siya sa akin bago niya inalis ang kamay niya galing sa akin. "Yes, gurl true 'to. Late birthday gift ko na sa'yo 'yan dahil hindi ako naka pag bigay sa'yo ng regalo nung birthday mo."
Hindi nawala ang ngiti ko bago ko tinago ang pera na bigay niya sa bag ko. "Sige pero samahan mo ako ha manood?"
Umiwas siya ng tingin bago umayos ng upo. "Ano wala na nga akong pera bibili na naman ako para sa sarili ko." tinuro niya ang sarili.
"Ako na okay. Basta thank you pa rin kahit ibibili ko din naman 'to ng ticket mo." linakihan ko siya ng mata bago umayos ng upo at inayos ang suot ko nang dumating si Mikka. "Hi Babe!" bati ko sa kanya.
"Hello! Good morning!" tumakbo siya papunta sa akin bago tumabi. "Ano na 'yung chicka?"
"May chicka ba?" tumingin tingin si Chris sa mag kabilang pwesto bago tumawa. "Nako kung alam mo lang gaano ka patay na patay si Venice sa crush niya, kahit saang sulok nalang nakikita niya 'yung lalaki."
"Ano ba tumahimik na nga kayo baka marinig tayo." pag awat ko kay Chris dahil humarang na siya sa paningin ko dahil naka harap siya kay Mikka."
Matapos ang klase ay umuwi ako sa condo para mag ayos, may lakad kami mamaya kaya kailangan kong maging maganda ulit.
Hindi na tumawag si Auntie para kumustahin ako, hindi nga din sila bumati sa akin nung birthday ko. Nasanay nalang ako dahil kahit nga ako ay hindi ako excited tuwing birthday ko sila pa kaya.
"Hi." may lumapit sa aking lalaki na mukhang may itsura naman.
Sa bar ulit ang punta namin nang gabi na, gusto ko ulit na mag saya matapos ang mahabang diskusyon kanina sa paaralan. Ayoko naman na limitahan ang sarili ko dahil minsan lang nga ako ganito.
"Hello." tipid kong sagot.
Sumasayaw ako habang hawak ang baso na may alak sa kamay, ang lalaki ay tiningnan ako mula ulo hanggang sa paa bago siya ngumiti sa akin at agad na nilagay ang dalawang kamay sa bewang ko.
Chris and Shane are also dancing, hindi lang din naman kalayuan ang pwesto nila sa akin. Pinabayaan ko siyang hawakan ako bago ko ininom ang natitirang alak na nasa kamay ko. "Ganda mo naman, what's your name?" nilapit niya ang mukha niya sa akin nang tinanong niya ako.
Naamoy ko ang alak na galing sa kanya, mukhang may itsura siya at mayaman base sa itsura niya. Naka suot siya ng black polo shirt and a cotton short, halos mag kasing tangkad lang din kami nito dahil mag kapantay lang kami.
Tiningnan ko ang mukha niya at ngumiti, kahit may itsura siya ay hindi ko pa rin siya type. Nilagay ko ang dalawang kamay sa leeg niya para hindi ako matumba kung nagkataon. "Mary," I whisper.
Ayokong ibigay ang pangalan ko dahil baka hahanapin nila ako, hindi naman pwede na ma isyu ako dahil kung nagkataon ay patay ako sa tatay ko.
"Mary." ulit niya. "I love your name, bagay sa itsura mo." Nakita ko ang pag ngiti niya at umiwas ng tingin habang patuloy pa rin sa pag sayaw.
Sumasayaw lang ako sa strangers na mukhang may itsura pero hindi ako nag papahalik sa kanila dahil nandidiri ako. "Really, ikaw naman anong pangalan mo?"
"Ryan." sagot niya.
Naging malapit ang mukha niya sa akin, akmang hahalik siya sa akin pero lumingon ako sa kanya bago ko kinuha ang kamay ko sa balikat niya at umalis. "Hey!" hinawakan niya ang palapulsuhan ko pero binawi ko iyon kaya hindi siya naka palag.
"Hindi kita type." sabi ko bago umalis at pumunta sa pwesto ng mga kaibigan ko.
Akala niya siguro madadaan niya ako sa ganun, ibahin niya ako dahil hindi ako basta pumapayag na ganun nalang.
Hinanap ko si Chris na sumasayaw sa gilid at hinatak ko siya para maupo. "Chris! Upo tayo."
Shane is dancing with the girls kaya pinabayaan ko lang siya, lalapit din naman siya kapag napagod na kakasayaw. "Lagyan mo." inabot ko sa kanya ang basong walang laman bago niya lagyan ng alak.
"Bakit parang galit ka naman?" pinag krus niya ang mga paa niya at sumandal sa kina uupuan.
I rolled my eyes on him. "That guy," tinuro ko ang lalaki kanina na ngayon ay kausap na ni Shane na tumingin sa pwesto namin.
"Why? Anong ginawa sa'yo?" tumaas ang kilay niya sabay tumingin sa lalaki, nakita ko ang pag laki ng mata niya dito bago binalik sa akin ang tingin.
"Wala. Sinubukan niya akong halikan, akala niya siguro type ko siya, duh!" Nilagay ko ang baso sa maliit na lamesa at pinag krus ang braso ko.
Tumawa siya while clapping his hands, tiningnan ko lang siya bago ko inabot ulit ang baso. "Type ka niya? Sayang 'yun baka mag ka love life ka na 'di mo pa pinatulan."
Hindi siya tumigil sa kakatawa kaya binato ko siya ng tissue. "Eh ikaw nalang kaya mukhang type mo naman 'yun."
Nag inoman kaming dalawa hanggang sa lumapit si Shane sa pwesto namin kaya umusog ako para maka upo siya. "Hi gurls?"
Hinarap ko siya bago ko binalik ang tingin sa lalaki kanina na ngayon ay may ibang babae nang kasayaw, mukhang kilala niya 'yung lalaki dahil kausap niya kanina. "Kilala mo 'yun Shaning?"
Kumunot ang noo niya sabay tumingin sa itinuro kong lalaki. "Sino?"
"'Yung pangit na 'yon?"
"Ah si Ryan? Now ko lang din siya nakilala, why?"
Bumuntong hininga ako bago ko inabot ang baso sa kanya. "Nevermind."
Nag dagdag si Shane ng inumin kaya napadami na naman kami na halos hindi na ako nakatayu nang sinabi nilang umuwi na kami. "Hatid mo na ako Chris!" sigaw ko sa kanya nang tulungan niya akong itayo.
Nahihilo ako habang lumakad palabas, hinawakan ni Chris ang braso ko at ang isang kamay niya ay hawak ang bag ko. Hindi ko na makita si Shane nang pumasok ako sa sasakyan kaya tinanong ko si Chris tungkol doon.
"Where is Shane?" tanong ko habang naka pikit ang mata ko dahil sa hilo.
"Umuwi na. Sige na ipasok mo na 'yung paa mo, ang bigat mo naman..."
Tinulungan niya akong ipasok ang paa ko at nang naayos na ay kaagad akong humiga sa loob. Hinintay ko siyang maka sakay bago ko pinikit ulit ang mga mata ko dahil sa hilo. Nagising lang ako nang nasa labas na kami ng building ko dahil niyugyog ako ni Chris para magising.
"Gising na Venice..." sabi niya bago ko siya masilayan ang mukha niya kaya bumangon ako ng dahan-dahan.
Tinulungan niya ako hanggang sa maka abot kami ng lobby, bago niya ako dinala sa tapat ng elevator ay pinatigil ko muna siya. "Stop! Iuwi mo ako Chris."
"Andito ka na nga, ito na anong oras na oh may gagawin pa ako bukas kaya uuwi na ako." sabi niya bago binigay sa akin ang bag ko.
"Ayokong makita ulit si Khaliel sa elevator, Chris. Baka pag pasok ko andyan na naman siya tatawanan niya lang ako dahil lasing ako." Pinilit kong e balance ang katawan ko dahil sa bigat.
"Nahihiya ako sa kanya baka ayaw niya sa akin dahil lagi nalang niya akong nakikitang lasing, ayokong pumasok dyan!" itinuro ko ang pinto ng elevator.
Narinig ko ang pag tawa ni Chris sa akin bago niya pinindot ang elevator at bumukas iyon. "Go na, sis. Anu-ano nalang ang naiisip mo wala namang tao dito oh sige na kasi..." tinulak niya ako papunta sa loob bago ko nakita na sumirado ang pinto.
Nang nasa loob ay natakot ako dahil wala akong kasama, hinanap ko sa bawat sulok ng elevator kung andun ba ulit si Khaliel pero wala akong makita. Nang bumukas ay kaagad akong lumabas doon bago ko hinanap ang number ng unit ko.
Malinaw pa naman 'yung isip ko para mahanap 'yung number, kumapit ako sa pintuan para tingan kung iyon ang number ko pero iba ang naka lagay. Nakita ko ang pag bukas ng katabing pinto kaya napatingin ako doon, lumiit ang mata ko nang makita ang lalaking lumabas doon.
Andyan na naman siya.
"Bakit ka andyan?" tinaas ko ang ulo ko para makita siya nang malinaw.
Tiningnan niya lang ako at hindi siya gumalaw, bukas pa din ang pinto niya at hindi pa siya naka labas doon. Nakita ko ang mata niyang nakatingin lang sa akin bago siya humakbang at sinarado ang pinto.
Tumalikod siya papunta sa pinto ng elevator at bago pa siya pipindot sana ay tumakbo ako papunta sa kanya. "Wait! Wait!"
Nakita ko ang pag lingon niya sa akin bago siya humarap nang malapit na ako sa kanya. "Ikaw ba talaga 'yan?"
Umawang ang bibig niya na hindi nag salita, pinag krus niya ang braso niya at tumaas ang kilay na hinarap ako. "You're drunk again?"
Ngumisi ako sa kanya. "Oo, ayaw mo ba na makita ako?"
He sighed before he faced me. "Sinabi ko na sa'yo na alagaan mo 'yung sarili mo, Miss para hindi mo na ako makita."
Sumandal ako sa gilid ng elevator bago ako sumagot sa kanya, tiningnan niya lang ako habang inayos ko ang buhok ko na napunta sa mata ko.
"Okay." sagot ko sa kanya bago ko pinag krus ang braso ko habang ngumiti siya ng bahagya.
Talaga bang bawat umuwi ako dito ay makikita ko siya at makakausap pa. Kapag umuwi naman ako dito nang hindi lasing wala naman siya. Nakita ko ang pag taas niya ng suot niyang salamin bago niya ako nilapitan at lumapit ang mukha niya sa akin.
"Makulit ka talaga? Pumasok ka na dun para maka tulog ka na."
Tinuro niya ang pinto tabi ng pinto kung saan siya lumabas kaya tumingin ako doon. Lumapit ako sa pintuan at tiningnan ang numero bago ko nilagay ang passwords. Hindi tama ang pagkalagay ko ng passcode ko kaya bumalik ang tingin ko elevator kung saan siya naka pwesto pero wala na siya doon nang liningon ko.
Hinanap ko ang susi sa bag dahil hindi ko mabuksan sa passcode ang pintuan, kaya nang bumukas na ito ay kaagad akong pumasok. Sinarado ko ang pinto nang lumingon ako ulit doon at hindi ko pala nasarado. Naramdaman ko na nasusuka ako kaya nag mamadali akong pumasok sa loob ng banyo at sumuka doon.
Hinubad ko ang lahat ng damit ko bago humiga dahil parang sobrang init ng buong katawan ko, hindi ako mapakali kaya pumasok ulit ako sa banyo at naligo. Parang nawala bigla 'yung pagka hilo ko kaya lumabas ako bago pinatuyo ang katawan at bumalik sa kama. Napadami yata ako ngayon.