CHAPTER 15

2165 Words
Nagising ako dahil sa tama ng ilaw sa akin, hindi ko pala nasarado ang kurtina kagabi dahil sa kilig. Inaalala ko na naman ang nangyari kagabi, akalain mo na kasama ko siya na sinalubong ang bagong taon. Iniisip ko tuloy na crush niya din ako dahil doon, kung hindi bakit niya naman pipiliin niya akong makasama sa bahay niya. Pero shempre imagination ko lang 'yon! Gusto ko ulit maging masaya sa bagong taon, no worries, no problem. Gusto kong maging malaya lang sa mga bagay na gusto kong gawin, gusto kong I explore pa ang buhay ko at hanapin pa ang mag papasaya sa akin. Nag timpla ako ng kape at dumiretso sa veranda para tumingin sa paligid, at shempre baka andun siya 'diba pang dagdag good morning na din! Tumingin ako sa kabilang veranda pero hindi ko siya nakita, baka naman tulog pa siya o kaya naman nag papahinga dahil may sakit siya kagabi. Bumalik lang din ako sa loob nang mag alas nuwebe na dahil naubos ko ang kape at nag iisip na din ako kung anong gagawin. "Hello! Happy New Year, Shane!" sigaw ko nang tumawag siya. "Happy New Year, Venice. I miss you already," matamlay ang boses niya kaya nagtaka naman ako doon, ngayon nga lang siya tumawag sa akin tapos parang hindi naman siya masaya. "Kumusta ka na?" "I'm okay, Venice na miss ko na nga lumabas." "May problema ka ba, Shane? Bakit parang iba 'yung boses mo? Ang dami mo nang utang na kwento sa akin ah!" Natahimik siya bigla bago ko narinig ang pag buntong hininga niya. "Wala naman, maayos ako at medyo may ubo lang kaunti kaya nag papahinga." "Pagaling ka, Shane! Labas tayo sa susunod ah?" sabi ko. Nag kwentuhan pa kami nang ilang minuto bago siya nag paalam dahil masakit daw ang lalamunan niya. Nakatulog ako matapos 'yun at nagising nalang ako na hapon na kaya nanood ako ng tv. Kinain ko ang niluto ko kagabi dahil baka ma panis, hindi ko pa din naubos kaya binalik ko nalang ulit. Hinintay ko na tumawag si Auntie para batiin ako pero hindi, busy lang siguro sila sa bahay kaya kinalimutan nila akong batiin o baka galit si papa dahil hindi ako umuwi. Wala akong ginawa hanggang mag gabi na kaya kumain ulit ako, maaga lang akong natulog dahil para mag pahinga para bukas. Balik na naman ako sa paaralan bukas kaya kailangan ko ng maraming tulog ngayon. "Happy New Year!" sigaw ni Chris sa akin pag pasok ko. Maaga siya ngayon at dalawa pa sila dito sa classroom ng isa kong classmate. Umupo ako sa tabi niya at humarap matapos kong ilagay ang bag ko. "Naka usap ko si Shane kahapon." pag simula ko. Lumaki ang mata niya sa akin bago siya umayos ng upo. "Oh anong sabi?" "Wala. May sakit daw siya, ubo kaya nag papahinga." "'Yun lang?" tumaas ang kilay niya. Tumango ako sa kanya bago nag datingan ang classmates ko kaya natahimik kami, dumating na din si Mikka pero hindi na kami nag kwentuhan pa dahil pumasok na din ang unang subject. Birthday ni Chris sa susunod na linggo kaya nagyaya siya na lumabas daw kami pag labas namin, sabi ko dapat kasama si Shane kapag lumabas kami para kompleto. Nang pumasok ako sa elevator ay tumingin ako sa pwesto kung saan ko siya madalas makita, napatawa nalang ako nang maalala ang mga pinag gagawa ko sa kanya kapag lasing ako. Kapag lalabas kami ay ayoko nang mag lasing dahil nakakahiya na kapag naabutan na naman ako ni Khaliel na umuwing lasing, kung iinom man ako ay dapat sapat lang. Nang makalabas ako sa elevator at napatingin ako sa pintuan niya. Okay na kaya siya ngayon? Pumasok ako sa unit ko at hinubad ang sapatos bago ko kinuha ang phone ko at pumunta sa social media nila kung may gig ba sila ngayon. Nakita ko ang post nila na maayos na si Khaliel, may gig pa sila sa byernes sa isang mall at kasama na siya doon. Naisip kong pumunta, pero may gagawin kaming project niyan kaya sa susunod nalang. May iba pa naman silang mall na pupunta kaya dun nalang siguro ako pupunta kapag tapos na ang project namin. Nang naka ayos ay nag pop up sa akin ang notification na story ni Khaliel kaya tiningnan ko 'yun. Isa 'yung selfie picture nilang lima sa rehearsal na naka collage, ang isa ay ang kanyang solo selfie na naka nguso kaya sinaved ko. Nag reply ako sa story niya baka sakaling mag reply siya sa akin dahil feeling close naman ako sa kanya. zhravenice_corvero Pogi mo dyan:( Nilagay ko ang cellphone sa gilid ng tv bago ako pumunta sa kusina para kumain. Matapos kong mag luto ay lumabas ako ng kusina para kunin ang cellphone ko bago ako bumalik at kumain. Tiningnan ko ang messages ko kung nag reply siya pero hindi niya pa seneen kaya nag patuloy nalang ako sa pagkain. Ilang minuto pa ay umilaw ang cellphone ko kaya tumingin ako doon bago pinulot. Nag react siya ng heart sa message ko kaya napangiti ako, nakita ko na typing pa siya kaya hinintay ko kung ano ang tinype niya. khaliel_cruz :( Akala ko naman ano 'yung tinype niya dahil sobrang tagal pero 'yun lang pala. Uminom ako ng tubig bago nag type para sa reply. zhravenice_corvero Ang tagal mo ha, akala ko confession message na. Sa tagal mo mag type, sana naisip mo rin na type mo na ako. Nang mag send 'yun ay agad kong naisip na parang ang corny ng reply ko sa kanya, parang bata kaya nag mamadali akong I unsend 'yun habang hindi pa siya nag reply sa akin. khaliel_cruz Sent a photos. Ilang minuto pa nag send siya sa akin ng picture, buti nga hindi niya nakita 'yung message ko sa kanya dahil na unsend ko na bago niya makita. Tiningnan ko ang litrato na senend niya at isa 'yung picture ng mga instrument para sa rehearsal nila, at ang isa ay selfie picture niya na naka suot ng itim na sombrero. Napangiti ako dahil sa kilig, siya pa mismo ang nag send sa akin ng mga picture niya kaya dahil sa kilig ay nilagay ko muna ang cellphone ko sa lamesa. zhravenice_corvero Gwapo naman! Sent a photos. Pero mas gwapo ka kapag katabi mo ako, tingnan mo 'to. Senend ko sa kanya ang pictures naming dalawa, napangiti ako bago ko inubos ang pagkain at nag mamadali na pumunta sa sala at umupo sa sofa habang hinintay siyang mag reply. Ilang minuto pa ay hindi na siya nag online pa, nakasimangot ako na buksan ang tv dahil sa inis na hindi siya nag reply. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa pinanood kong pelikula kaya nang magising ay una kong kinuha ang cellphone ko bago pinatay ang tv. Tumingin ako sa orasan at alas tres na pala, hindi ko man lang namalayan na inaantok na ako kanina habang nag hihintay sa reply niya. Tiningnan ko ulit ang pangalan niya naka sakaling nag reply siya pero seneen niya lang 'yun kaya tumayo ako na malungkot. Paasa talaga! zhravenice_corvero Anong oras off mo? mikkanikka123 Five pa, why? zhravenice_corvero Punta ako. Nag bihis ako para pumunta kay Mikka, wala din naman akong gagawin kung andito lang ako sa loob mag kukulong. Nag bihis ako ng maong short at violet crop top bago pumunta sa coffee shop kung saan siya nag ta-trabaho. Nang makarating ako ay naabutan ko si Chris na naka upo sa bakanteng upuan, hindi ko alam na andito pala siya ha. "Wow, naman!" umupo ako sa harapan niya bago ngumiti. "Hindi ka nag chat na pupunta ka dito ha?" Lumaki ang ngiti niya sa akin at sumandal sa upuan, "Hindi mo naman sinabi na pupunta ka dito! May binili lang ako kaya na padaan, ikaw ba?" seryoso niyang sabi na parang kinabahan siya. "Bored ako sa condo, at isa pa gusto ko ng caramel iced kaya libre mo 'ko." tumawa ako. Tumawa siya at may kinuha sa bag niya, nakita ko si Mikka na palapit sa pwesto namin bago ngumiti. "Anong gusto niyo?" "Parehas lang, si Chris ang mag babayad." turo ko kay Chris. "Hoy, bruha wala akong sinabi na ganun ha. May pinabili si Shane," yumuko siya bago tumingin kay Mikka at sinabi ang order. Nagtaka ako sa inasta niya, parang may alam sila na hindi ko alam pero ayoko nalang mag tanong dahil gusto ko na sila ang nagsabi sa akin. Napatingin ako sa ilaw ng cellphone ko dahil sa notification, Khaliel name was on the screen kaya nag mamadali akong pinulot 'yon buti nalang at nag uusap sila kaya hindi napansin. khaliel_cruz Maganda nga:( Napangiti ako sa sinabi niya pero agad na nawala 'yun dahil nang inangat ko ang ulo ko ay nakita ko ang dalawa kong kaibigan na nakatingin sa akin. "Ano?" "Bakit ka nakangiti?" seryosong tanong ni Chris. "Ha? Bakit bawal ba akong ngumiti?" "Iba na 'yan ha! Mukhang may someone na..." hirit ni Mikka bago siya umalis para sa order namin ni Chris. Naiwan kaming dalawa na hinihintay si Mikka kaya yumuko ako at ngumiti ulit nang bumalik sa message niya. zhravenice_corvero 'Diba ganda ko no? Parang bagay tayo. Hindi na siya online kaya nilagay ko ulit ang phone ko sa lamesa at hinarap si Chris na seryoso na tumingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya at inayos ang upo ko bago ko sinandal ang braso ko sa lamesa na tumingin sa mga mata niya. "Uuwi ka na pagkatapos nito?" tanong ko. Umiling siya sa akin sabay ngumiti, sumandal ako sa upuan at pinag krus ang braso. "Sasabay ako sa 'yo pag uwi dahil mukhang may new crush ka na ah, gusto ko makita." "Anong new crush? Hoy, same lang naman pero you know mas higit pa sa crush basta 'di ko ma explain." "So, totoo na talaga ang I love you? Nako masasaktan ka lang dyan hanggang social media at concert ka lang niyan." Totoo 'yun, iba na 'yung nararamdaman ko kay Khaliel. Nung nalaman ko na kapitbahay ko siya at kung paano niya ako titigan ay mas lalong nag ka gusto sa kanya, mas lalo ko siyang nagustuhan na parang gusto ko na siyang yakapin pero pinigilan ko nalang ang sarili ko dahil bilang isang fan, alam ko ang limitasyon ko sa kanya kahit pa man mabait siya sa akin. "Hindi naman crush-crush lang naman ganun!" Dumating na 'yung order at nag kwentuhan lang kami ni Chris habang nag ta-trabaho si Mikka, hihintayin nalang namin si Mikka para sabay na kaming uuwi dahil wala din naman akong gagawin sa loob ng unit kung uuwi na ako ngayon. Nag lalakad lang kami, medyo pa gabi na at nakikita ko na ang sunset kaya kinunan ko. Kumain pa kami sa kwek-kwekan bago pinasakay si Mikka para umuwi. Si Chris naman ay hinatid ako sa tapat ng condominium bago siya nag paalam. Nang makapasok na ako sa loob ng unit ko ay dumiretso ako sa veranda baka sakaling andito na siya para maka usap ko. Nakita ko pa din ang sunset sa veranda kaya kinunan ko ulit 'yun ng litrato bago ko nilagay sa story ko. I put a caption, let's watch the sunset together:( Pinagmasdan ko lang ang kabilang veranda na walang tao, nasa trabaho pa siguro siya ngayon kaya wala siya. Maganda sana kung andito siya para sabay naming papanoorin ang magandang sunset. Ilang minuto pa ako doon hanggang sa marinig ko ang pag bukas ng pinto sa kabilang veranda kaya napatingin ako. Grabe naman lord, wish granted na agad? Lumabas ang lalaking kanina ko pa hinintay kaya lumaki ang ngiti ko nang mag tama ang mata naming dalawa. Umiwas siya ng tingin at tumingin sa malayo bago siya gumaya sa posisyon ko ngayon kaya natawa ako doon. "No work?" panimula ko. Napatingin siya sa akin at bahagyang tumaas ang kilay niya sa akin, ngumiti ako sa kanya at umayos ng tayo bago pumunta malapit sa pwesto niya. "Not busy?" Umiling ako at ngumiti bago siya tumango, kinilig ako sa paraan ng pag tanong niya akin dahil parang madalas kaming nag tatanungan sa tono ng boses niya. "Ganda no?" tumingin ako sa sunset na ngayon paunti-unti nang nawawala bago ko siya hinarap. "Maganda nga," sabi niya na nakatingin sa akin at nang nag tama ang mata namin ay kaagad siyang nag iwas ng tingin. "Ikaw naman nahiya ka pa. Pwede mo naman akong I compliment ng harapan, 'wag ka nang mahiya." makapal ang mukha kong sabi sa kanya. Tumawa siya bago ako hinarap na nakangiti. "Joke lang ikaw naman baka mahulog ka na sa 'kin niyan." "Sasaluin mo naman ako 'diba?" seryoso niyang sabi. "Hindi ka pa nahulog sinalo na kita." sagot ko. Tumawa kami pareho bago siya ulit tumingin sa malayo kasabay ang pag dilim ng paligid at pag liwanag ng mga ilaw sa daan. Tahimik naming pinagmasdan ang paligid habang unti-unti na dumapo ang malamig na hangin sa balat ko kaya pumasok ako na hindi nag paalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD