Kabanata 08: Init At Pagnanasa

267 Words
[[ Kabanata 08: Init At Pagnanasa ]] RAYMOND [M2M] by: Anchorestic --- Warning: SPG 18+, Contains s****l and matured scenes and word courses that are not suitable for young audiences under 18 of age below. --- Hindi mapigilang maglakbay ang isipan ni Renz habang tulala siyang nakaupo sa kanilang sala at nakatitig sa palabas ng kanilang telebisyon. Samut-saring kaganapan ang pumapasok ngayon sa kaniyang isipan. Alas onse ‘y medya na ng gabi ngunit wala parin ang kaniyang Papa Raymond. Hindi na mabilang ni Renz kung maka-ilang besis na siyang nagpadala ng mensahe rito, subalit maski isa ay wala siyang natanggap na sagot galing sa kaniyang ama. Ilang besis na din niyang tinawagan ang numerong gamit nito, ngunit nag-riring lamang iyon at hindi sinasagot ang bawat tawag niya. Wala nang maiintindihan si Renz sa takbo ng palabas na kaniyang pinapanood dahil sa paglalayag ng kaniyang diwa. Hindi naman siya nag-aalala sa kaniyang papa sapagkat katulad nga ng sinabi niya'y reponsable itong magmaneho, kung kaya't sigurado siyang walang nangyayaring masama rito, kaya naman hindi ito ang pangunahing dahilan kung bakit hindi pa ito umuuwi mapahanggang ngayon. At mas lalong kayang-kaya rin nitong protektahan ang sarili kung sakali man na may masasamang loob na magtatangka sa buhay nito. Sa laki ba naman ng braso't katawan ng ama niya’y paniguradong pasa at bugbog ang aabutin ng kung sinumang magtatangka sa buhay ng kaniyang papa. May kutob si Renz kung bakit natatagalan ang kaniyang papa sa pag-uwi galing sa pamamasada, hindi na ito ang unang besis na natatagalan ito, katunayan nga'y ilang ulit na itong nangyayari. NOTE: CHAPTER IS UNDER EDITING
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD