CHAPTER TEN
"MUKHANG uulan..."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya o bibigyan siya ng tinatamad na tingin. As if naman hindi obvious na talagang uulan ano mang oras.
Pero inisip ko nalang na nasabi lang niya iyon para basagin ang katahimikan sa pagitan namin.
Pero dahil din sa sinabi niya, mas lalo lang nadagdagan ang pag-aalala kong hindi kami masusundo ni Mang Celso.
Tumayo ako at tinanaw ang malayong bayan namin. Hindi na iyon nakikita dahil sa madilim na ulap. Baka nga umuulan na doon kaya halos hindi ko na iyon makita.
Hindi ako mapakali. Paroo't parito akong naglalakad at sinundan naman ako ng tingin ni Nilo.
"Sa tingin ko, hindi na tayo masusundo."
Napalingon ako sa kanya. Nakatayo na pala siya at hawak hawak ang tolda na ginamit kanina.
Muli niya iyong ikinabit sa mga maliliit na puno at gumawa ng tent.
"Anong ginagawa mo?" takang tanong ko kahit na obvious naman.
"Mababasa tayo kung hindi natin to gagawin." Sabi niya lang na hindi ako tinapunan ng tingin.
Nang matapos siya ay hinila niya papunta sa buhanginan ang bangka nila. Ako naman ay kinuha ang aming mga gamit at inilatag ang sapin sa loob ng tolda.
Maya maya ay naglakad palayo si Nilo kaya nag-alala ako.
"Saan ka!" sigaw ko at hinabol ko siya.
Nang humarap siya ay salubong ang kilay niya. "Kukuha ako ng mga palapa."
"Para saan?"
Napakamot siya sa kanyang kilay, halatang nauubusan na ng pasensya sa akin. Napanguso na lang ako.
"B-balik ka agad ah?" sabi ko dahil ayukong mag-isa doon.
Nakita kong napatitig siya sa akin. Makahulugan siyang ngumiti saka ako tinalikuran.
Napabuntong hininga ako. Bumalik ako sa loob ng tolda at tiningnan kung may makakain pa doon. May natirang kaunting kanin sa kaldero at naroon ang mga kinuhang s**o' at alimango ng mga bata pero kailangan pa iyong lutuin.
Ilang sandali pa ay dumating na si Nilo dala ang mga palapa at agad iyong ginawang dingding.
Maya maya ay naglakad muli siya palayo.
"Hindi ka pa ba tapos?" tanong ko.
"Bakit? Nag-aalala ka?"
Nakagat ko ang labi kong napatango. "B-baka kasi maulanan ka."
Matamis siyang napangiti. "Babalik ako kaagad." Aniya saka tuluyang umalis.
Napabuntong hininga muli ako at lumabas para tumingala sa langit.
Ilang sandali nalang at tuluyang didilim ang paligid kaya napatanaw ako sa direksiyon ni Nilo.
Maya maya ay naisip kong manguha ng mga tuyong kahoy para magamit namin mamaya sa pagluluto.
Hindi ako lumayo sa tolda para kapag umulan ay hindi ako maaabutan.
Wala pang sampong piraso ang nakukuha kong kahoy ay biglang isa isang pumatak ang mga butil ng ulan kaya naman patakbo akong pumasok sa tolda at inilatag sa tabi ang mga kahoy.
Hanggang sa unti unti iyong lumakas. Kaya napatingin ako sa labas at biglang nag-alala kay Nilo.
"Nilo!" sigaw ko.
Matagal bago ko nakita ang bulto niya sa malayo.
Patakbo siyang lumapit.
"Nilo, pumasok kana rito!" sigaw ko sa kanya nang makalapit siya at ikinabit ang mga palapa sa tolda.
"Tatapusin ko lang ito!" sagot niya.
"Pero mababasa ka niyan!"
"Basa narin naman ako!"
Napabuntong hininga nalang ako sa katigasan ng ulo niya.
Nang makita kong tapos na siya ay kinuha ko ang tuwalya.
"Halika na rito, Nilo!" Nang makapasok siya ay agad kong pinunasan ang mukha niya. "Tingnan mo, basang basa kana!" galit na sabi ko.
Hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya sakin habang hinahayaan akong punasan siya.
"Hubarin mo yang damit mo." Utos ko sa kanya at agad naman niyang sinunod.
Dali dali kong pinunasan ang katawan niya. "Pano kung magkasakit ka?" nag-aalala paring sabi ko at hindi napapansin ang sariling ginagawa.
Natigil nalang ako sa pagpupunas ng dibdib niya nang hawakan niya ang kamay ko.
Saka ko lang napagtanto ang ginagawa ko nang matagpuan ko ang titig niya.
"S-sorry..." sambit ko saka akmang lalayo nang bigla niyang niyapos ang baywang ko kasunod ng hindi ko inaasahang halik mula sa kanya.
Napakapit ako sa hubad niyang dibdib at naramdaman ang init niyon. Wala akong nagawa kundi ang tugunin ang halik niya dahil nakakadala iyon.
Tila hindi ko naririnig ang patak ng ulan kahit na napakalakas niyon dahil mas naririnig ko ang parehong t***k ng aming puso.
Pero bigla ko nalang naalala si Elith. Marahas kong itinulak si Nilo na ikinataka nito.
"M-mali to..." sambit ko.
"Anong mali?"
"Mali to, Nilo." Sabi ko muli at kumunot lang ang noo niya.
"Ano ba ang mali, Julia?" naguguluhang tanong niya.
"Ito! Itong ginagawa natin." Inis na sabi ko.
"Paano naging mali iyon?"
Napapikit ako sa inis. "Nilo, alam mo ang sinasabi ko!" tinalikuran ko siya at nagsimulang bumagsak ang mga luha ko.
"Hindi kita maintindihan, Julia." Naramdaman ko ang paglapit niya kaya agad akong humarap at pinigilan siya.
"Diyan ka lang, Nilo."
"Julia naman..." tila nanlulumong sabi niya. "Galit ka parin ba sakin? Kasinungalingan lang ba iyong sinabi mo na napatawad mo ako?"
Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. "Sinabi ko nang nakalimutan ko na ang lahat, Nilo! Lahat lahat sa atin ay kinalimutan ko na kaya dapat hindi natin to ginagawa. Dahil para sakin matagal nang tapos ang tungkol sa atin!"
"Hindi pa iyon tapos, Julia!" tumaas ang tinig niya na ikinatigil ko. Nakita ko ang pagtiim bagang niya. "Para sakin, hindi pa tapos ang tungkol satin. Dahil hindi mo pa ako binibigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag!"
"Hindi ko kailangan iyan!" galit na sabi ko. "Hindi mababago nun ang sakit na idinulot mo sakin!" tuluyan akong napahagulgol.
"Eh di inamin mo nga! Galit na galit ka parin sakin, Julia!"
"Oo!" sigaw ko at nakita kong matigilan siya. "Sa tuwing nakikita kita, bumabalik lahat ng sama ng loob ko sayo! Lalo na kapag kasama mo si Elith!"
"Mahal kita!" napatingin ako sa kanya nang marinig iyon. "Mahal parin kita hanggang ngayon, Julia." Madamdaming aniya kasunod ng pag-agos ng luha niya.
Tila lumambot ang puso ko sa nakita.
"Nilo..." mahal din kita...
Mabilis siyang lumapit at niyakap ako.
"Huwag mo na akong itaboy, Julia. Hindi ko kayang malayo ulit sayo."
"M-mahal din kita, Nilo." Pag-amin ko.
Agad niyang inilayo ang sarili at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Mahal mo ko?" nakangiting tanong niya.
Tumango ako pero malungkot na tumingin sa kanya. "Pero hindi kita pwedeng mahalin..."
Nawala ang ngiti niya. "B-bakit?"
"Si Elith. Paano si Elith, Nilo?"
Nagsalubong ang mga kilay niya.
"Anong paano si Elith, Julia?"
Napabuntong hininga ako. "Alam nating pareho na may relasyon kayo ni Elith, Nilo."
"Ha? Kami ni Elith, may relasyon?" naguguluhan niyang tanong.
"O-oo."
"Sinong may sabi?" tanong niya kaya kinabahan ako.
"Iyon ang nakikita at naririnig ko." Sabi ko.
Hinawakan niya ang mga kamay ko at napabuntong hininga.
"Wala kaming relasyon ni Elith, Julia. Hindi kailanman ako nakipagrelasyon sa kanya."
Ako naman ang naguluhan. "A-ano yung nakita ko? Naghalikan pa kayo sa harap ko." Hindi ko maitago ang inis sa tinig ko.
"Siya lang ang humalik sa akin, Julia. Hindi ko ginusto iyon. Matagal ko na siyang nilalayuan at tinatanggihan sa pakikipagrelasyon sa kanya pero ayaw niya akong tigilan. Nagtaka rin ako nung halikan niya ako sa harap mo. Parang inulit niya lang ang ginawa niya noon kaya tayo nagkahiwalay."
Natigilan ako. "A-anong ibig mong sabihin?"
Napabuntong hininga muli siya.
"Pumunta ako sa dalampasigan para paghandaan sana ang monthsary natin. Pero naabutan ko si Elith na nakaupo doon at umiiyak. Sinamahan ko siya at pinakinggan ang hinanakit niya sa mga magulang niya. Natuwa siya dahil gumaan daw ang pakiramdam niya dahil sa akin. Pero nagulat nalang ako nang halikan niya ako. Iyon iyong oras na naabutan mo kami."
Napayuko ako dahil muli ko lang naalala ang tagpong iyon na nagpapasakit sa puso ko.
Naluluha akong napatingin sa kanya. "Nilo..." mabilis akong napayakap sa kanya at tinugon naman niya iyon ng mahigpit. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. "Sorry. Tatlong taon kitang binaliwala at hindi man lang hinayaang makapagpaliwanag."
"Ssshh. Nakaraan na iyon. Ang mahalaga, mabigyan mo uli ako ng pagkakataong mahalin ka ulit." Aniya.
"Oo, Nilo."
"Mahal na mahal kita, Julia." Aniyang hinawakan ang mukha ko.
"Mahal din kita, Nilo."
"Hindi na kita pakakawalan ulit." Inilapit niya ang kanyang mukha at siniil ako ng halik. Agad ko iyong tinugon at nagpakalunod sa magkatuwang naming damdamin.