Chapter Nine

1173 Words
CHAPTER NINE DAHIL isang linggo nalang ay babalik na ako sa Maynila para ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa College, humiling ako kay Mama na magpicnik sa isla malapit sa amin. Isang oras ang biyahe ng bangka papunta doon. Pinayagan niya ako pero hindi siya kasama. Isinama ko nalang ang mga kapatid ko at ang ilan sa mga kababata ko noon na mga dalagita't binatilyo na ngayon. Bale dalawa ang bangkang sinita namin. Pero nagulat nalang ako nang bangka pala nila Nilo ang nirekomenda ni Mama. At ang masiste, hiniling pa ni Mama na samahan kami ni Nilo at bantayan doon. Wala na akong nagawa dahil wala namang alam si Mama tungkol sa amin ni Nilo. O kung alam man niya noon pa ay baka sinasadya lang iyon ni Mama. Sinunod naman iyon ni Nilo. Ito ang nagpatakbo ng sasakyan namin. Ang tatay naman niya ang sa isang bangka. Kahit nung makarating kami ay palaging nakabantay si Nilo sa amin. Nang matapos kaming magsalo-salo ay nagsitakbuhan ang mga kabataan sa tubig para maligo. Naisipan ko ding sumunod. Pero hanggang sa dulo lang ng buhangin. Nakatitig lang ako sa agos ng tubig papalapit saking paanan. Sinubukan kong isubsob ang kaliwa kong paa sa mababaw na tubig. Matagal na rin akong hindi nakakaligo ng dagat simula nung nangyari sa akin. Sinunod ko naman ang kanan kong paa. Malamig ang tubig, pero mukhang magandang ibabad ang katawan mo. Nakadipa ang mga braso ko para ibalanse ang katawan ko at hindi ako matumba. Hanggang sa maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Agad akong napalingon at natigilan pagkakita sa kanya. "Gusto mo ng alalay?" nakangiting alok niya. Naka-trunk shorts lang siya at wala ng ibang suot maliban doon. Hindi mo na makikitaan ng bilbil ang tiyan niya. Dahil purong abs na ang mga naroon. Halatang batak na batak sa trabaho. Kinalma ko ang sarili ko at hindi nagpadala sa kaaya-ayang tanawing dala niya. Agad kong binawi ang kamay kong hawak niya. "No, thanks." Masungit na sabi ko saka humakbang pasulong sa dagat. Pumalatak lang ito saka muling kinuha ang kamay ko at sumabay sa akin paglusong sa tubig. Tumigil ako at tinaasan siya ng kilay. "What are you doing?" pasinghal kong tanong. Nagkibit balikat lang ito. "Sinasamahan kita." "Hello? Ang sabi ni Mama bantayan mo lang kami, hindi iyong buntutan mo ko!" "Eh kung malunod ka? Di lagot ako kay ate Donna nito?" "Ano ako bata?" singhal ko saka siya nilayuan. "Nalunod ka nga noon di ba? Bata ka pa ba nun? Mas matandan ka pa nga sakin ng isang taon. Natalo pa kita." Uminit ang ulo ko pagkarinig niyon. Mabilis ko siyang hinarap. "Hoy! Mr. Nilo Rocco. Para sabihin ko sayo, ikaw ang may kasalanan noon kaya muntikan na akong mamatay." He only twisted his lips, na ikinagulat at ikinainis ko. Ngumiti siya. So, ibig sabihin nagsinungaling ka sakin noong sabihin mong nakalimutan mo na lahat ng nangyari noon." "Oo!" mabilis kong sagot. "Err. Hindi!" pagbawi ko. "Hmp!" agad akong tumalikod sa kanya at lumangoy palayo. Nang lumitaw ako ay abot hanggang dibdib ko ang tubig. Maya maya ay napatingin ako sa ibaba ng harapan ko dahil may lumalangoy sa ilalim. Napasinghap nalang ako nang may humawak na dalawang kamay sa baywang ko. Umahon ito na ikinalaki ng mata ko dahil halos magkadikit ang aming mga katawan. "Nilo!" pinandilatan ko siya sa kabila ng sobrang kaba ko ngayong sobrang lapit lang namin sa isa't isa. Hindi man lang ito natinag at hindi parin inalis ang mga kamay sa baywang ko. "Aminin mo na kasi. Na hanggang ngayon, naaalala mo parin ang nakaraan natin." Ngumisi pa siya na ikinapikon ko. "H-how dare you!" halos hindi ako makasigaw ng maayos dahil sa lapit ba naman ng mukha niya sa akin. "Aminin mo na kasi ang totoo." "At kung ayaw ko?" hamon ko. "Anong gagawin mo?" pinakita kong galit ako sa kanya. "Palalanguyin mo na naman ba ako papunta sayo hanggang sa malunod ako?" Pero bigla nalang niya akong niyakap. Napayuko na lang ako nang mapuno na naman ng emosyon ang damdamin ko. "Hindi." Humiwalay ako para tingnan siya pagkarinig niyon. "H-ha?" Mataman niya akong tinitigan. "Hahalikan nalang kita." Napalunok ako sa sinabi niya lalo pa't bumaba ang tingin niya sa labi ko. Agad akong umiwas at napapikit. "Subukan mo lang!" banta ko sa kanya. Lalo akong kinabahan nang hawakan niya ang baba ko at ipihit paharap sa kanya. "Kuya Nilo, hahalikan mo ba ate ko?" Gulat akong napalingon. Marami na palang nakapanood sa amin. Pero ikinatuwa ko iyon dahil naagaw nila ang atensyon ni Nilo. "Oo nga kuya Nilo. Lagot ka kay ate Elith." Aray! Parang sumikip ang dibdib ko sa sinabing iyon ng kapatid ni Nilo. Sobrang boto ata nito sa bruhang iyon. Hindi ko maiwasang malungkot nang pakawalan ako ni Nilo. "S-sorry." Loyal huh. Pumagting ang sinabing iyon ni Nilo sa tengako. Nagso-sorry ba siya dahil nadala lang siya kaya gusto niya akong halikan? Ewan ko ba, pero masama ang loob ko nang umahon ako sa tubig at bumalik sa pwesto namin. Nagpasya na lang akong matulog sa malilim na parte doon at hinayaan ang mga bata na mag-enjoy doon. At si Nilo? Malay ko, hindi ko alam kung asan na siya. Sana malunod na siya! Hapon na nang magising ako kaya naman niyaya ko na silang umuwi. Ang totoo, nawalan ako ng gana sa picnic dahil sa nangyari kanina. Agad na pinaandar nina Nilo at ng tatay niya ang kanilang bangka. Pero nagtaka ako nang isa lang ang gumagana. Mukhang may problema. Ilang beses na pinaandar ng tatay niya ang isang bangka ay hindi talaga iyon umaandar. "Neng, sira ang motor nitong isang bangka. Kailangan pa itong ayusin." "Hala! Pano po yan?" napatingin ako sa langit nang kumulimlim iyon. "Mukhang uulan na." "Maayos itong isang bangka, pero hindi tayo magkakasya lahat diyan. Lulubog ang bangka kapag marami." "Ano pong gagawin natin mang Celso?" nag-alala ako bigla. "Ganto ineng, ito munang mga bata ang ihahatid ko. Ibig sabihin, maiiwan na muna kayo ni Nilo dito. Babalikan ko nalang kayo kasama iyang mga gamit kung kakayanin kong makabalik." "Ha?" nagulat ako at napatingin kay Nilo. Nakatingin lang ito sa tubig habang nakikinig. "Mang Celso..." nanlumo ako. "Huwag kang mag-alala, neng. Mabait na bata itong anak ko. Hindi ka niyan pababayaan." Lihim akong napaismid kay Nilo. Iniisip ko tuloy na kagagawan niya iyon. Wala na akong nagawa. "Sige po, pero sana makabalik agad kayo." "Sige hija, susubukan ko. Pero kung hindi ako nakabalik agad, ibig sabihin hindi ko kinaya ang laot dahil sa ulan." Napatango na lang ako at nagpaalam sa mga bata. Mabilis na pinaandar ni Mang Celso ang bangka palayo sa amin. "Nilo, bantayan mo si Julia!" pahabol na sigaw ni Mang Celso bago tuluyang makalayo ang bangka sa amin. Tumango lang si Nilo bago bumalik sa pwesto namin at umupo. Iiling-iling nalang akong napasunod sa kanya at umupo isang dipa ang layo sa kanya. Pareho naming pinagmasdan ang papaliit na anyo ng bangka. Tumingin ako sa langit. Ano mang oras ay bubuhos ang malakas na ulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD