Chapter Eight

973 Words
CHAPTER EIGHT NAISIPAN kong pumunta sa tabing dagat. Wala paring pinagbago ang lugar na iyon. Kay linaw parin ng tubig. Nagkataong high-tide kaya napayuko ako at hinaplos ang tubig na naaabot ko. Kay lamig niyon. At ewan ko ba, kung bakit bumabalik parin ang nakaraan sa tuwing pumupunta ako sa lugar na kinaaayawan ko noon. Tulad ngayon, narito ako sa dagat at di mapigilang maalala ang matagal nang dapat nabura. Naupo ako sa buhanginan isang dipa ang layo sa tubig. Kumuha ako ng maliit na bato. Isa isa kong ibinabato iyon sa malayong tubig. Nagtaka ako kung bakit may natatapong bato sa malayong tubig na pinupunterya ko samantalang hindi ko pa naitatapon ang hawak kong bato. Hindi ko nalang pinansin iyon. Nang maubos ang hawak ko ay kumapa ako sa tagiliran ko para kumuha muli ng maliliit na bato. Pero natigilan nalang ako nang may mahawakan akong balat ng tao. Mabilis akong napalingon sa likoran ko. "Ahh!!!" napasigaw ako sa gulat nang mahawakan ko pala ay kamay, kamay ni Nilo! Halos mamula ako sa gulat. "B-bakit ba palagi ka na lang nanggugulat?" inis na sabi ko. Pero parang hindi man lang siya natinag. Umangat lang ang gilid ng labi niya. Pero bakit parang nasisilip ko sa mga mata niya ang lungkot? "Hindi kita kayang isturbuhin sa pag-iisip mo. Kaya pinanood nalang kita." "So, k-kanina ka pa riyan?" Tumango siya. "Are you stalking me?" "Kung iyon ang iniisip mo. Nakita kitang pumunta dito kaya di na ako nag-aksaya ng oras na sundan ka." Pag-amin niya. "Wala kang mapapala sakin, Nilo." Matabang na sabi ko at muling itinuon ang paningin sa dagat. "Alam ko." Aniya kaya mas nawala ako sa mood kong magbabato ng bato sa dagat. "Pero sana matanggap mo man lang ang sorry ko kahit sapilitan lang. Biruin mo, ilang taon mo rin akong pinuyat gabi gabi." "Ha! Kasalanan ko pa ngayon?" hindi ko napigilang mainis. "Hindi naman. Aminado naman akong may kasalanan din ako sa lahat." Nang tingnan ko siya ay nagsisi ako. Dapat hindi ko nalang siya sinubukang tingnan dahil lungkot ng mukha niya ang kumukurot ngayon sa puso ko. Dapat ba akong maawa? Pero kung tutuusin, dapat nga ay kanina ko pa siyang sinigawan, sinumbatan sa mga kasalanan niya sakin noon. Kaya nakapag-isip ako. Ngumiti ako ng peke. "Nilo, kung sa tingin mo hindi pa kita napapatawad, nagkakamali ka. Dahil matagal na kitang napatawad." Pinilit kong makumbinse hindi lang siya kundi ang sarili ko na okay na ako pero hindi. Lumiwanag naman ang mukha niya, tanda na nakombinse siya sa pagsisinungaling ko. Ngumiti pa siya. "Talaga?" "Hm." Pilit ngiting sabi ko. "Salamat, Julia." Sincere na sabi niya. Dahilan para lihim akong ma-guilty dahil nagkunwari ako. "Welcome. Kalimutan na natin ang nakaraan. Kasi kung ako ang tatanungin, nakalimutan ko na ang mga nangyari noon, nakalimutan ko na ngang nagkagusto ako sayo eh." Unti unting nawala ang ngiti niya pagkuwa'y umiwas ng tingin. Pero hindi ko na iyon pinansin. Baka lumambot bigla ang puso ko at bawiin ang sinabi ko. "So, friends na ba tayo ulit?" nakangiting lahad ng kamay ko. Tinitigan lang ni Nilo ang kamay ko. Maya maya ay pilit ang ngiti niyang inabot ang kamay ko. "F-friends." Hindi ko na pinatagal ang pakikipagkamay ko. Agad ko iyong binawi at muling ibinaling ang paningin sa dagat. "Ah, Julia." "Hm?" tugon ko na hindi siya nililingon. "Ahm, kaya ka ba pumunta dito para alalahanin muli ang mga ginawa natin dito nang magkasama?" Kunot-noo ko siyang tinitigan. Nasilip ko ang pagsusumamo sa mga mata niya. Bahagya akong tumawa para maitago ang ilang sa pagitan namin. "A-ano bang sinasabi mo. Hindi ganoon ang iniisip ko pagpunta ko dito." Natigilan ito. "Kasi mahilig lang talaga ako sa magagandang tanawin. Saka na-miss ko ang isang to kaya pinasyalan ko. Wala nang iba, Nilo. Sabi ko nga di ba, nakalimutan ko na ang lahat." Napabuntong hininga siya. "Hindi na nga kita makilala nung magkita uli tayo dahil sa tagal kong nawala dito." Pagkukunwari ko. Na kahit na ang totoo ay lahat ng parte ng katawan niya ay kabisado ko. Wala akong pakialam kung nasaktan man siya sa sinabi ko. Gusto kong maranasan niya ang magmukhang tanga katulad ng ginawa niya sa akin noon. "G-ganon ba? A-akala ko kasi..." Umiling kaagad ako. Bumuntong hininga naman siya. "Babe!" Sabay kaming napalingon ni Nilo sa biglang dumating. Nagugulat parin akong makita ang babae ngayong nakita ko siya, pero kailangan ko pa bang magulat kung tawagin nitong 'babe' si Nilo? Eh ito nga ang dahilan kung bakit nagkahiwalay kami. Nakangiting lumapit si Elith at tila hindi man lang pansin ang presensya ko dahil dere-deretso siyang lumapit kay Nilo hanggang sa siilin nito ng halik ang lalaki. Hindi ako nakagalaw at pinanood ko silang ganoon. Nakita kong agad na itinulak ni Nilo si Elith at makahulugang tumingin sa akin. Iyon bang parang sinasabi niyang 'I will explain'. Parang may kutsilyong sumaksak sa dibdib ko at tila muling bumalik lahat ng sama ng loob ko katulad ng nakita ko noon sa kanila. "A-anong ginagawa mo dito?" tanong ni Nilo. "Hinahanap kita. Di ba may usapan tayo? Magdi-date tayo ngayon sa pier." Malambing na turan ni Elith. Wala parin talaga siyang pinagbago, malantod parin ang bruhilda! At tama ba ang narinig ko? Pier? Pwe! Ang alam ko dati nung nag-aaral pa ako ay palaging doon nagdi-date ang mga couple. At pagsapit ng gabi, doon din sila gumagawa ng milagro, eww! Tango lang ang sinagot ni Nilo dito saka siya hinila palayo. "Tayo na, alis na tayo." Malambing muling sabi ng hitad habang nakayakap kay Nilo. Kulang nalang ay pag-untugin ko ang dalawa sa inis ko. Kabwisit! Wala namang nagawa si Nilo at nagpahila nalang dito pauwi. Panay naman ang sulyap niya sakin hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Napangiti nalang akong ng mapait. Okay na siguro iyon. Mag-move on nalang tayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD