Chapter Seven

754 Words
CHAPTER SEVEN 3 YEARS AGO DAHIL sa nangyaring iyon, nawala ang galit ko kay Nilo. Araw araw niya akong pinupuntahan kapag wala si Papa doon. Nang aminin kong gusto ko rin siya ay lihim siyang nanligaw sa akin. At agad ko naman siyang sinagot. Hindi namin pinaalam sa kahit sino ang relasyon. Dahil alam kong tutol ang papa ko sa pagbo-boyfriend ko. Lihim kaming nagkikita ni Nilo sa tabing dagat o sa malawak na damuhan malayo sa bahay namin. Pero dumating ang araw na pinakasusuklaman ko. Araw na binalot ako ng puot at galit kay Nilo. Masayang masaya ako noong araw na iyon dahil graduation ko sa high school. Pero mas masaya ako dahil iyon din ang ika-5th monthsary namin. Naintindihan ko nung hindi siya nakapanood ng pag-akyat ko sa stage dahil may aasikasuhin daw siyang trabaho sa bukid. Pero nangako siyang magse-celebrate kami ng monthsary namin. Nang matapos ang graduation at makauwi ay agad kong hinanap si Nilo. Excited akong pinuntahan siya sa bahay nila pero wala daw siya doon ayon sa kanyang kapatid. Itinuro nito ang dalampasigan at naroon daw si Nilo. Malapad ang ngiti ko habang tinatahak ang dalampasigan dahil iniisip kong baka doon balak ni Nilo na ipagdiwang ang aming monthsary. Doon ko kasi siya sinagot. Hindi nawawala ang ngiti ko sa sobrang kasiyahan habang hinahagilap ng paningin ko si Nilo. Hanggang sa mapadako ang paningin ko sa dalawang taong naghahalikan! Si Elith iyon at si...Nilo? Dahan dahang naglaho ang ngiti ko dahil sa nakita. Agad kong natutop ang bibig ko kasabay ng paglabo ng aking mga mata dulot ng pangingilid ng aking luha. Tila naramdaman ni Nilo ang presensya ko kaya napalingon siya sa akin. Nanlaki ang mata niya at mabilis na kumawala kay Elith. Hindi ko na nakayanan ang sandaling iyon kaya agad akong tumalikod at tumakbo palayo doon. Hindi ko na pinansin ang paghabol at pagtawag ni Nilo sa akin. Patuloy lang ako sa pagtakbo ng may sama ng loob. "Julia!" Saka lang nagsibuhos ang masagana kong luha sa aking mga mata. "Julia, sandali!" sigaw parin niya pero hindi ko binagalan ang takbo ko. Parang sasabog ang dibdib ko dahil sa sama ng loob. Pagkauwi ko ay agad nag-alala ang mga magulang ko pagkakita sa akin. "Anak, anong nangyari sayo?!" Agad kong niyakap si mama at ibinuhos lahat ng luha ko. "Ma, gusto ko na pong umalis dito..." hagulgol na sabi ko. "Ma, please! Ayuko na po dito!" "Pero bakit anak?" nagtataka at nag-aalalang aniya. Hindi ko magawang sabihin sa kanya ang lahat dahil sa huli ay alam kong kasalanan ko kung bakit nangyari ito. Ang gusto ko nalang mangyari ay ang makaalis doon sa lalong madaling panahon. "Ma... Bukas na po ako aalis. Payagan niyo na po ako, please! Ayuko na dito!" . . . KASALUKUYAN... Nagising ako matapos ang mahabang alaalang iyon nang maramdaman ko ang pagpatak ng bawat butil ng tubig sa mukha ko. Nagbabadya pala ang ulan dahil biglang dumilim ang kalangitan. Patakbo akong umuwi. Naabutan ko si mama na nag-aabang sa akin. "Hay salamat naman at hindi ka naabutan ng ulan, anak." "Oo nga po, ma. Nakatulog kasi ako sa damuhan." "Hala, sige na. Pumasok kana. Manananghalian na tayo." Tumango ako. Tinulungan ko siyang maghain ng kanin at ulam. "Anak, tulungan mo nga akong idala ang mga ito sa 'baraks' sa likod natin. Para makakain narin sila." Tukoy ni mama sa mga nagtatrabaho sa second-floor ng bahay namin. "Pa'no yan, Ma? Umuulan na, hindi sila makakapagpatuloy ngayon." "Hindi na muna sila magha-hollow blocks para hindi masayang. Hihintayin pa nilang umaraw bago magpatuloy." Maya maya ay naglakad na kami sa likod ng aming bahay at nagtungo sa baraks ng mga trabahador upang ihatid ang pagkain nila na nakalagay sa Tupperware kasama ang mga plastik na plato. Nang makarating kami ay agad naming inilapag sa naroong mesa ang aming mga dala. Tinawag naman ni Mama ang mga ito para magsilapit. "Celso! Kain na muna kayo." Natigilan ako matapos marinig si Mama. Si mang Celso kasi ay tatay ni Nilo. Hindi kaya... Hindi naglaon ay nasagot ang hinala ko pagkarating ng mga trabahador at makita ko ang isang lalaki kasunod ni mang Celso, si Nilo. Hindi nga ako nagkakamali sa hinala ko kanina nung magkita kami kanina. Dito nga siya nagtatrabaho sa bahay namin. Agad akong napatingin sa kanya at nagtama ang paningin namin. Wala akong nakikitang emosyon sa mukha niya kaya marahas akong napairap at umiwas ng tingin sa kanya. Agad akong tumalikod at umalis doon dahil tila hindi ko makayanan na nandoon siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD