CHAPTER SIX
3 YEARS AGO
ISANG TAON ang lumipas, fourth year high school na ako. 17 years old na ako at sa tingin ko ay ganap na akong dalaga.
Matagal na akong hindi masyadong lumalabas ng bahay at nakapirme na lamang sa loob at mas lalo hindi na ako nakikipaglaro sa mga mas bata sa akin pero nakakapag-usap kami kapag dumadalaw ang mga ito sa amin.
Maraming nagbago sa akin. Sa pananamit ko at sa pag-aayos ko sa sarili ko. At dahil bihira akong lumabas ng bahay maliban kapag may pasok, dagdag narin ng ginagamit ko sabon, pumuti ako ng husto.
Naging palaayos ako sa sarili ko. Kaya naman marami narin ang nanliligaw sa akin sa school.
Mayroon din naman dito sa amin. Pero natatakot sila kay Papa kaya hindi sila nakakalapit sa akin.
Sa ilang buwan na iyon, nagawa kong iwasan at wag makita si Nilo. Pasalamat narin ako at naging busy ako sa mga project sa school kaya naman naibaling ko doon ang aking atensyon at makalimutan ko ang nangyari noon.
Simula nung muntikan na akong malunod, natakot na akong maligo sa dagat.
Ilang buwan ding nangulit noon si Nilo sa akin, humihingi ng tawad pero kailan man ay hindi ko siya pinagbigyang kausapin siya.
Nang tuluyan akong mainis at mapuno sa pangungulit niya ay sinampal ko siya at pinamukha sa kanyang wala siyang kwenta at kailan man ay hindi ako magkakagusto sa kanya.
Pagkatapos niyon ay hindi na siya nagpapakita sa akin. Kahit na hindi ganoon kalayo ang bahay nila sa amin at hindi ko alam kung paano niya nagagawang wag magpakita sa akin.
NAGKATAONG may activity kami sa school at kailangan namin ng iba't ibang klase ng bato.
Pumunta ako sa dagat para kumuha ng mga maliliit na bato. Doon kasi makikita ang karamihan sa mga bato. Mabuti na lang at low tide kaya hindi ko nakikita ang pag-alon ng tubig dagat.
Nang maramdaman ko ang biglang pagihip ng malamig na hangin ay napatayo ako ng tuwid at napadipa sabay pikit para langhapin iyon. Napangiti ako.
"Julia..."
Napapitlag ako sa narinig kong boses sa likura ko. Hindi ko na siya kailangang lingonin para makilala. Si Nilo iyon.
Marahas akong napabuntong hininga.
"Anong kailangan mo?" matabang na tinig ko.
"Nakita kita kaya lumapit ako."
"Eh, ano ngang kailangan mo?" seryoso paring sabi ko saka siya hinarap.
Kagaya ko, napansin ko ang ilang pagbabago niya. Nakikitaan ko na siya ng mga muscles at abs. Nakikita ko ang mga iyon dahil as usual, nakahubad na naman siya.
Pagwapo rin ito ng pagwapo sa paningin ko.
"Hindi mo parin ba ako napapatawad?" nagsusumamo ang mukha at tinig nito.
"Ano sa tingin mo?" balik tanong ko. Nakataas ang kilay.
"Julia, seryoso ako."
Natawa ako ng mapakla. "How dare you." Asik ko sa kanya.
"Julia, sorry na. Hindi ko talaga ginusto ang nangyari."
Hindi ako nagpaapekto sa pagmamakaawa niya at nagmatigas ako.
"No, hindi kita mapapatawad!" tinalikuran ko na siya pero bigla niya akong hinawakan sa kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Napasinghap na lang ako nang yakapin niya ako ng mahigpit.
Ilang segundo akong nanigas at hindi makagalaw.
Damang dama ko ang init ng katawan niya lalo't wala siyang pang-itaas.
"Nilo..." anas ko.
"Sorry talaga, Julia. Sorry kong hindi ko na napigilang yakapin ka. Pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko ngayong nakita kita ulit matapos ang ilang buwang hindi kita nakikita."
Noon ko lang naisip na mali ang ginagawa nito. Nakahubad siya at yakap yakap ako. Baka kung ano nalang ang isipin ng mga taong makakakita sa amin.
Pinilit kong itulak siya at nagtagumpay naman akong pakawalan niya ako. Pero muli niya akong niyakap kaya nagpumiglas ako.
"Nilo, bitiwan mo ko!"
"Hindi, Julia. Ngayon pang matindi na ang nararamdaman ko sayo?!"
Natigilan ako.
Lumuwag ang yakap niya sa akin at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinakatitigan ako.
"Julia, gusto kita. Gustong gusto."
Ilang saglit muna akong hindi naka-imik.
"Julia..."
"Nilo, tumigil ka na nga. Wag mo na akong inisin. Hindi mo na ako maloloko kahit kailan!"
Marahas ko siyang tinulak pero hindi manlang ito natinag.
"Papatunayan ko sayong gusto kita."
Huli na para malaman kung anong ibig niyang sabihin. Mabilis niyang inilapit ang mukha niya sa akin at inilapat ang labi niya sa akin!
Hindi ako nakagalaw at nanlalaki ang mga mata ko sa ginawa niya.
First kiss ko iyon. At si Nilo ang first kiss ko!
Ni hindi ko namalayang pinakawalan na ako ni Nilo.
Nakaramdam ako ng hiya kaya marahas akong umiwas ng tingin sa kanya.
Pero bakit parang naroon parin ang labi niya, nakalapat sa labi ko? Ganoon ang pakiramdam. Sumunod kong naramdaman ang panginginit ng pisngi ko.
"S-sorry...kung hinalikan kita, Julia." Anito saka ako tinalikuran, nilayasan at iniwang nakanganga.