bc

Seducing Mr. S.S.G President

book_age16+
1.5K
FOLLOW
5.0K
READ
family
self-improved
comedy
twisted
bxg
campus
enimies to lovers
friendship
slice of life
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Nicole Hernandez is your typical spoiled brat and happy go lucky girl.

She seeks attention and love. That’s why she’s very adventurous.

Her friend bet her to seduce their cold and snobbish SSG President, Zaydel Cruz. Nicole agrees because she believes in herself that she can get anything she wants and no one would dare ignore her beauty, ’cause no one can beat Nicole Hernandez. 

She enjoys the game even though she hates Zaydel to death. But things changed when she started to feel foreign feelings she never experienced before.

Is it love?

Can you really fall for the person you played and hated the most?

This is a story of love, independence, seducing, and growing.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
Ilang irap na ba ang nagawa ko sa boring na party na ’to? Ten, or twenty? I lost my count. Why naman kasi ganito? It’s my birthday, but Lolo-Dad won’t allow me to do what I want. I would love to throw a wild party, not this gross solemn meeting. It’s my seventeenth birthday, but I’m stuck with this boring gatherings. It feels like I don’t belong here, and I would rather sleep than talk with these people. I should be in a place that will vibrate my whole system. I should be partying with disco or trance music, not with this classical music, it’s so boring. It should be blinding disco lights, and not these crystal chandeliers. I should be meeting hot guys and dancing with them. Hindi para makipag-plastikan sa mga gurang na ito. I should be dancing like a party animal in the club together with my friend, and enjoying until the night ends and living as if it is my last! But not! My Lolo-Dad is a famous businessman and politician, at malawak ang sakop ng influence niya. Our family name became known and powerful because of him. We’re one of the Elite and respected people living here in our country. My old man, Lolo-Dad, was such a conservative person. A very influential and . . . oldy! So when he said he’s going to throw a party for me, I know what to expect. At ‘yon nga ang nangyari. Instead of hot guys, mga gurang na mga businessman ang bisita ko! Well, kasama naman nila ang mga anak at apo nilang guwapo kaya hindi na rin masama. Pero dapat talaga tinuloy ko na lang ang oplan-takas ko. Pasalamat si Lolo-Dad dahil mahal ko siya at hindi ko siya kayang ipahiya sa iba. Nananakit na ang mga paa ko sa kakalibot. Bawat lamesa ay kailangan naming puntahan para makipag plastikan sa mga bisita. Nakakapagod, hindi ko rin gusto na nadidikit ako kay Mabel. Masyado siyang mapapel. “You’re so pretty, Hija, mana ka sa Lolo mo,” tipid lang akong ngumiti sa babaeng Chinese. Ang mga daliri ko’y nilalaro ang dulo ng kulot kong buhok. “You’re right, Xiana, sa ’kin nga siya nagmana.” Tumawa ang Lolo-Dad ko kaya tumawa rin ’yung babae. “They have the same almond eyes, nakakainggit nga, eh. Singkit ang mga mata ko.” Palihim akong napairap sa pagsingit ni Mabel. Girl, of course, hindi tayo magiging magkamukha dahil ampon ka lang naman! See that? I told you she’s so mapapel. Gawan kita ng factory ng papel d’yan, eh! “You’re beautiful on your own, Mabel. By the way, how’s the project with the Larazza’s?” “Oh, it’s doing great. Masyadong competitive ang mga Larazza, their employees are efficient as well.” I sighed, wala akong maintindihan sa mga pinag-uusapan nila. Nakita ko si Lolo-Dad na nakikipag-usap sa isa pang gurang na businessman. Dahil busy siya, pasimple akong tumakas at lumayo sa kanila. Inis akong nagmartsa palabas ng venue para matawagan ang kaibigan ko. Mabuti na lang at sinagot kaagad ng bruha. “Where na you, ba? Kanina pa ako naghahanap sa ’yo rito pero wala ka! It’s so boring here!” I ranted. “Ah, hello rin sa ’yo! Good evening, Girl!” she sarcastically replied. I sighed at spun my eyes. “Saan ka na ba kasi? Baka mamatay na ako sa boredoms dito!” plastic akong ngumiti nang may dumaan na bisita. Babatiin sana ako pero nang makitang may katawagan ako ay umatras. “Patay agad? Don’t worry, I’m coming na, ang boring naman kasi ng party mo! Mga Lolo’t Lola ang invited. Dapat hindi na lang ako pumunta riyan, wala naman yatang guwapo, eh!” Napairap ako sa sinabi niya. Kung nandito lang siya sa harap ko sinabunutan ko na talaga siya! Subukan niya lang hindi pumunta lagot siya sa ’kin! “Shut the impiyerno up, Marhea Gracia Esperanza!” I hissed at her. Alam kong maiinis siya kapag tinawag ko ang buong pangalan niya. “Ew, that name!” “Ew, ka rin kasi pangalan mo ‘yon! And don’t ever try to ditch me, pupunta ka rito, end of usapan!” I said with finality before dropping the call. “Gosh!” I whispered at myself while massaging my head. Rhea is stressing me, wala ako sa mood para sabayan ang mga pang-aasar niya. Nakakapanlumo, ang ganda ko pa naman at ng dress ko tapos ganito lang ang mangyayari? Where’s the justice! Pinasadahan ko ng tingin ang suot na puting vintage dress, it fits my body perfectly. Sa murang edad ay nasa tamang hubog na ang katawan ko. It makes me look older than my age and I really want it. My hair is long and curly. I also have a pair of almond eyes and a beautiful face. “Nicole come here, may ipapakilala ako sa ’yo,” bungad sa ’kin ni Lolo-Dad nangg mahagilap niya ako. I rolled my eyes, secretly. Malamang ipapakilala niya na naman mga ka-business partners or anak ng mga ito sa ’kin. Okay sana kung guwapo na Bachelor kaso duh . . . nevermind! Ipinakita ko sa kanya ang bored kong expression nang harapin ko siya. “Lolo-Dad, it’s so boring na here,” reklamo ko sa kanya. Agad niya naman akong pinandilatan. “Nicole, just be patient honey, okay?” Umirap ako at bumuntong-hininga. May magagawa ba ako? My Lolo-Dad loves me so much, and he spoiled me because I’m his only granddaughter. He only one son, and that’s my dad. Well, may isa pa pala siyang ampon. Si Tita Mabel. I don’t like her, she’s creepy to me. “Sino naman?” I asked him stubbornly. Palihim niyang itinuro ang pamilya sa likuran ko. I know them! Nice one, may guwapo naman pala sa party na ’to, eh. And that’s Khaizer Grench, our School’s Basketball Captain. He’s oozing hot and guwapo! Kahit nakatayo lang ay para siyang modelo ng win. But he has a playful facade. He’s tall, charming at makalaglag-panga na kaguwapuhan. His small dimples are showing every time he speaks, making him more attractive and eye-catcher. Guwapo pero hindi ko type. My Lolo-Dad guided me to where the Grench family is. “This is my granddaughter, Nicole.” Lolo-Dad introduced me to them. Agad naman akong ngumiti at nakipag-beso kay Mrs. Grench. She looks elegant and super bait, nagmana sa kanya ang babae niyang anak. “You resemble your Mom a lot,” Mrs. Grench commented as she looked at me from head to toe. I smiled bitterly at her when she mention my Mom. Nakipag-shake hands ako kay, Mr. Grench bago niya ipinakilala sa ’kin ang mga anak na kasama. “And this is our child, Kheziah and Khaizer. I guess you knew each other, you were from the same school, right?” “Yeah, she’s famous, Dad.” I chuckled at what Kheziah said. Nakipag-shake hands din ako sa kanya pagkatapos ay sa kakambal niyang si, Khaizer. We’ve chitchat a little before turning around to greet the other visitors. Khaizer is looking at me intently kaya medyo ginanahan ako sa gabing ito. I got a guy’s attention! Oh well, I have everyone’s attention. “The son of Nico is a good guy. You should date him.” My Lolo-Dad whispered at me. “Seriously, Lolo-Dad? You like that guy?” I asked, and he nodded. “He seemed to be a good guy and a very good looking man.” “Well, let’s see,” I said. Maybe I will take Lolo-Dad’s suggestion. This is the first time na may ni-recommend siya sa ’king guy. Well, he’s fully aware naman about me being a playgirl and he said nothing against it. And as a good and beautiful granddaughter of him, I’ll consider his recommendation. Wala namang problema, eh. Single ako, since yesterday. I just broke up with my boyfriend dahil masyado siyang clingy. I want to party tonight and I don’t want a dog around me. Wala ng aso, pero wala ring party. Madilim at lumalamig na na ang gabi, the classical music booms loudly which made the party more alive. Maraming socialites ang nasa party but I don’t want to socialize with them. Ang iba ay parents ng mga schoolmates ko and they looks so familiar to me. May mga classmates din ako na dumating pero wala ako sa mood makipag-plastikan, a simple smile and nod will do. Rhea was stuck in the traffic, ang babaeng ’yon, magbabayad talaga siya ng malaki sa ’kin! Sana forever na siyang ma-stuck sa traffic kung hindi man lang din siya dadating! Sinabihan ko na siyang umalis ng maaga sa bahay nila! The perfect and elegant chandeliers that light the night make this classical themed party expensive. Ang mga gurangs ay enjoy na enjoy sa pagsasayaw sa gitna ng bulwagan. Si Lolo-Dad ay busy katatawa kasama ang mga kaibigan niya. Kung humalakhak siya ay akala mo birthday niya. Inilibot ko ang panigin sa paligilid niya at napanatag ng makitang may nurse na nakabantay sa kanya. They’re all enjoying, ako naman ay bored na bored na nakasandal ang mga kamay sa railings at tinatanaw ang mga ginagawa ng visitors. The truth is, I like the party, its abundance, and elegance. I love them all. I’m just sad and bored because this is not what I expected. I took a sip of my cocktail while my eyes were busy roaming around the venue. Happy kayo samantalang ang birthday girl hindi! Tumigil ang mga mata ko sa lalaking naka-itim na tuxedo. Nakasabit sa leeg niya ang kanyang camera kung saan nakalagay sa straps ang brand name nito. Nakatalikod siya sa ’kin kaya hindi ko makita ang mukha niya. But his body screams something different! He’s alone and seems out of place kaya agad ko siyang napansin. Nasa isang stand table lang siya, nakatayo at palinga-linga sa paligid. Is he a College Student or Bachelor? Kaninong anak siya? Napangiti ako nang humarap siya sa direksiyon ko. Malayo pero kapag guwapo lumilinaw ang mata ko! Bahagyang nakakunot ang kaniyang noo, his eyebrows are thick and his lips are red! Has a pointed nose and a perfect jawline! He’s far from me but his appeal shouts different from the boys I saw tonight. May hawak siyang wine glass sa right hand niya, panaka-naka niya iyong iniinom. Is he a Photographer? Ang guwapo ha! I stared at him for a minute before deciding to do something. Mabuti na lang at may na-ispot-an akong guwapo! Kinagat ko ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagngiti. Nagmamadali akong bumaba ng grand staircase kung saan ako dumaan kanina nang nagsimula ang party. Saglit kong inayos ang buhok at bahagyang tinampal ang pisngi para pumula. I made my moves—prim and proper before walking towards the guy I saw. I faked a cough nang makalapit ako sa lalaki. Kanina pa ako nakatitig sa kanya and mukhang looner talaga siya dahil wala siyang kasama. Mr. Photographer, looner din ako tonight. Baka p’wedeng tayo na lang? I giggled at my own thoughts. Pagharap niya sa ’kin, una kong napansin ay ang makapal niyang kilay. Guwapo talaga! Model ba ’to or artista? Bakit hindi ako familliar sa kanya? Siguro, not. Kaso mukhang masungit. But of course, walang i-ignore sa beauty ng isang Nicole Hernandez. I smiled warmly at him, sa kaibuturan ko ay may gustong ipahiwatig ang ngiti kong ’yon. Ngiti ng naka-jackpot! “You’re a Photographer, right?” I asked to start a conversation. Hindi siya sumagot at mukhang nagulat sa paglapit ko. Why? Shock ka sa beauty ko? Muntik nang mapawi ang ngiti ko, hindi man lang siya sumagot. “May agency ka ba? I can be your model? Magaling ako sa kahit anong angles.” Tinaasan ko siya ng kilay. I bit my lower lip and winked at him. Napanis nga lang ang ngiti ko nang makita ang dahan-dahang pagkunot ng noo niya, his eyebrows are almost meeting each other. “Excuse me?” he coldly said while raising his right eyebrows at me. Base sa tono ng boses niya, he’s questioning what I’m doing! My seductive smile faded. Sungit naman nito. “I said I’m good at positions and angles, sana you’re good at taking shots too.” I tried again but his expressions never changed. Cold and stoic. My spine shivered nang tumama ang tingin niya sa mga mata ko. It’s like he has Jack Frost’s power, na kayang maglabas ng ice. “I’m not a Photographer, Miss. Excuse me, find another guy to flirt with.” Napaawang ang labi ko sa sinabi niya at ginawa niyang pag-alis. What the impyerno was that? Never in my entire life that I experienced this! I chuckled bitterly after seconds of shock. Hindi ako makapaniwala! Napainom ako sa cocktail ko, pagkatapos ay pabagsak na nilagay ang baso sa pinakamalapit na table. You! You can’t get away from me! I glared at his back, I followed him of course. Is he gay? Tinanggihan ba naman ako? Ako na si, Nicole Hernandez? Ako na pinakamaganda sa gabing ito? “Hey!” I shouted at him not minding the attention I got. Hindi na ako magtataka kung bukas na bukas cover girl na naman ako ng newspapers with the issue of printed words above my, oh so beautiful picture saying. “Apo ni Senator Hernandez, isang brat?” He stopped, nang makalapit ay agad kong hinaklit ang right arm niya for him to face me. I froze when a cold and sticky liquid spilled on my neck. It then slowly drips on my dress! My white dress! Nang hilahin ko ang braso niya ay tumapon sa akin ang wine niya sa baso! Hindi ako makapaniwalang tumingin sa suot ko, parang nag-slow motion sa ’kin ang nangyayari. Nag-init ang pisngi ko sa galit. How dare him! He ruined my dress! Galit na galit kong hinarap ang lalaking sumira ng gabi ko. Everyone is looking at us now but I don’t care anymore! All I cared about was this guy in front of me and how I would throw my frustrations at him! But to my amusement, ni hindi man lang nagbago o nangilabot ang expression ng face niya. I felt a hundred of stares staring at me. Gosh, gusto kong tusukin sa mata ang sino mang titingin sa ’kin. I look like a mess and this is so embarrassing! I suddenly wanted to cry and call my Lolo-Dad for help. “Look! Anong ginawa mo sa dress ko?!” I shouted at him. Tinignan niya ang dress ko. “It’s not my fault. Sino ang humablot sa braso ko na may hawak na wine glass?” paninisi niya. Wala akong paki, hindi ko ’to kasalanan! Siya ang may kasalanan! At siya ang dapat sisihin! “Here.” Hinablot niya sa bulsa ang white niyang hanky at inabot sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin, ’yung sobrang sama na p’wedeng umabot sa impyerno! What is he now? Pa-feeling gentleman? May pa abot-abot pa ng hanky na nalalaman! As if naman kayang mawala ang stain sa dress ko gamit ang hanky niya. Marahas kong hinablot ang panyo niya, akala niya siguro ay gagamitin kong pamunas iyon. Ew, huwag na lang at baka may germs pa ’yun! Nanginginig ang mga kamay ko sa galit, I throw the hanky pabalik sa mukha niya. Ngumisi ako at nagtaas ng kilay. I heard their gasps as I exit the party—my party! “Gumawa ka na naman ng scandal! Hindi mo kilala ang tao, Nicole. Paano kung mayaman ’yon? O ’di kaya ay anak ng sindikato? Lagot ka!” pananakot ng kaibigan kong si, Rhea. Nang malaman ni Lolo-Dad ang ginawa ko sa isang guest ay agad siyang nag-utos na e-acompany ako papunta sa suit ko. Mabuti na lang at dumating si Rhea at siya ang sumama sa ’kin. Hindi pa rin nawawala ang inis ko sa lalaking ’yon, at hindi nakakatulong ang mga pinagsasabi ni Rhea ngayon. Wala akong paki kahit anak pa siya ng Presidente! I told Rhea what happened kaya sa kanya ako nagdadabog ngayon. Konti na lang talaga ay mahahagis ko na ang mga vases rito. I don’t care kung mahal pa ’yan. I can pay! “Kaasar!” Rhea held my back dramatically, hinimas-himas pa niya ito. “Kalma lang bes, alam ko ang feeling nang ’di pinansin. Makaka-move on ka rin!” Natatawang aniya kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook