KABANATA 1
IKINASA ni Amore ang kanyang hawak na baril at itinuon sa ibong naroroon sa sanga. Ipinutok niya ito at sapul ang ibon. Bumulusok ito sa di- kalayuan kaya hinanap niya ito kaagad kung saan ito lumagpak.
Hindi niya agad nahanap ang ibon ngunit bigla namang nanlaki ang mga mata niya sa kanyang nakita sa may ilalim ng puno. Hindi ito ibon kundi tao. Agad niya itong nilapitan at pinulsuhan kung buhay pa ang lalaking nakahandusay sa lupa at sugatan. Nilingon-lingon niya muna ang paligid kung may mga taong naroroon. At nang mapagtantong wala ay dali-dali niyang inalalayan at dinala sa kanyang bahay ang lalaki.
Mataman niyang pinagmasdan ang mukha ng lalaki. Namumutla ito dahil siguro sa mga sugat niyang natamo at sa matinding gutom na dinanas nito kaya ito nawalan ng malay.
Nakaramdam naman ng matinding awa si Amore sa kalagayan ng lalaki kaya agad nitong tinawagan ang kaibigang doctor para mabigyan agad ng karampatang lunas ang lalaki.
"Dindo, pumunta ka rito sa bahay ngayon din, may ipapatrabaho ako sayo," aniya. "Bilisan mo ha," utos niya sa kaibigan.
"Sure" tipid na sagot nito. "I am now here, Amore," nakangising wika ni Dindo habang naglalakad patungo sa kanya. Papunta na pala ito sa bahay ni Amore at timing nang tawagan niya ang kaibigan.
"Wow, pa-paanong nandito ka na? Nagteleport ka ba? Ha?" 'Di makapaniwalang tanong ni Amore sa kaibigan. "Pasok ka, may ipapagawa ako sayo."Pinapasok niya ito kaagad at iginiya papunta sa kuwarto na pinaglagyan niya sa lalaki.
Nasa labas pa sila ng pinto nang magtanong ito sa kanya. "Ano ba yan?"tanong nito sa kanya na puno ng pagtataka sa mukha nito."Magpapagamot ka ba? Eh, magaling ka naman ah?"takang tanong ulit nito sa kanya.
Sandali pa at binuksan na niya ang pintuan ng kuwarto. "Hindi ako, siya..." sagot niya saka itinuro ang lalaking walang malay na nakahiga sa kama. "Sige na gamutin mo na siya, maghihintay lang ako sa labas,"sabi niya saka umakma nang lalabas ng magsalita ang kaibigan niya.
"Okay. Just prepare fifty thousand pesos, nangangailangan ako ngayon ng pera,"walang prenong sabi nito. Akala nito kung may ipinatagong pera sa kanya.
"Sure, I'll double it. Make it sure na mabubuhay ang lalaking iyan,"seryosong sagot ni Amore saka tuluyan ng lumabas ng pintuan.
Sa veranda nagtungo si Amore at pagkarating niya doon agad namang tumunog ang cellphone niya. Tinugon naman niya ang tawag kahit wala siyang gana na sagutin ito dahil si Regor lang naman ang tumatawag sa kanya. The most devil man whom she considered in her life, the man who caused her life miserable and unlucky.
"Hello Regor! Anong kailangan mo?"sarkastikong tanong niya sa kausap. "Wala ako sa mood para makipag-usap sayo kung pagpatay na naman ang iuutos mo sa'kin, sawa na ako riyan,"sunod niyang sabi. Nag-ikot pa siya ng mga mata sa subrang inis.
"No, it's not about killing someone. May ipapahanap lang ako sa'yo. Just open your messenger. I'll send the picture to you,"anito.
"Okay. I'll receive it already. I'll open it later. Bye,"wika niya pagkatapos na ma-recieved iyon.
Hindi niya muna tinignan dahil wala siyang paki-alam doon. Ayaw na niyang pumatay or shall I say magpatakas muli ng mga inosenteng pinapapatay ng demonyong 'to.
Amore took a deep breath to calm her anger. She almost hang up the call when Regor interfere.
"Wait, don't end the call, find that man, okay?"sabi nito kanya.
"Bakit? Magkano ang presyo nito?"sarkastikong tanong ulit niya sa kausap.
Malutong na mura ang pinakawalan nito bago magsalita. "Wala! May utang ka pa sa'kin noong pinatakas mo ang huli mong tinrabaho. Kaya hindi na ako magbabayad pa sayo,"galit na wika nito sa kabilang linya.
"Okay, pero huwag mong aasahan na tutulungan kitang mahanap ang lalaking ito. Bye."Ibinaba na niya ang kanyang telepono at hindi na hinayaang makasagot pa si Regor. Wala naman talaga siyang balak na sundin pa ang mga kagustuhan nito, never again!
"Nakakainis ka Regor, humanda ka sa'kin! Asa ka pang tutulungan kita. Kung walang pera, wala rin akong maitutulong sayo," inis na wika nito saka patay malisyang pinagmasdan ang picture ng lalaki na pinasa sa kanya ni Regor.
Her eyes widened in surprised when she fully recognize who's in the picture. He is the man she used to helped with.
"Damnit!"she muttered. She bites her nails while walking back in forth.
Parang bigla siyang nawala sa kanyang sarili ng mga panahong iyon. Hindi niya ma-imagine, ito mismo ang lalaki na ipinapahanap ni Regor sa kanya.
"Hey, nasaan na ang fifty thousand pesos ko?"tanong ni Dindo mula sa kanyang likuran.
Napahinto si Amore sa pagpabalik-balik sa paglalakad. Hinarap niya ang kaibigan.
"Okay na, nagamot ko na ang lalaking iyon. Heto ang mga resita ng gamot na dapat mong bilhin,"dugtong pa nito. "Tika lang sino ba iyon? Boyfriend mo ba? Oy, ang alam ko NBSB ka,"nagtatakang tanong nito ulit. Ang daldal. Maraming tanong at nakuha pang manukso.
"Anong pinagsasabi mo? Anong boyfriend?"Sagot niya na puno ng pagkadismaya.
"Sorry, I'm just kidding. I know wala ka namang boyfriend. Balik tayo sa pera, asan na?"
Dumukot ito mula sa kanyang bulsa at iniabot ang envelope na naglalaman ng pera. "Heto na ang one hundred thousand pesos mo. Saan mo naman gagamitin ang perang iyan?"
Nagkamot lang ito sa kanyang batok saka ngumisi.
"Huwag mong sabihin na gagamitin mo lang iyan sa sugal o pangbabae. Lagot ka sa'kin Dindo dahil talagang papatayin kita kapag nalaman kong inaabuso mo lang ang pera na galing sa'kin. Hindi ko pinupulot kung saan-saan lang ang pera ko. Pinaghihirapan ko ang lahat ng mga ito kaya huwag mong gamitin sa kasamaan,"pangaral ni Amore sa kaibigan. Daig pa nito ang mommy niya kung makapagsermon.
"Hindi naman Amore, may bibilhin lang akong regalo para kay Britney. Nagkataong kulang pa ang naipon ko, so, sayo ako lumapit. Alam ko kasi hindi mo ako matitiis eh,"nakangising wika ng kaibigan niyang doctor. Kilala niya ito ng husto, isang magaling at mapagmahal na doctor ang kaibigan niya. Ito rin ang taga-gamot niya kapag nasusugatan siya.
"A gift for Britney? You really loved your girlfriend, I think one hundred thousand pesos is not enough. Alam kung ayaw mong mapahiya sa kanya. Gawin ko na lang one hundred fifty thousand pesos,"wika niya saka dumukot ulit at iniabot ang isang subre na naglalaman ng pera.
Kumislap ang mga mata ni Dindo ng marinig at makitang dinagdagan ni Amore ang pera niya. "Yehey! Alam mo Amore hindi talaga ako nagkamali ng naging best friend. You're such an angel."
"Nambola pa. Wala iyan, gusto ko lang maging happy si Britney sa magiging regalo mo."
"Absolutely yes, kasi magpopo-propose na ako sa kanya."
"Really? I'm happy for you, pero pangako mo muna na huwag mong ipagsasabi kahit na kanino ang tungkol sa lalaking tinulungan at ipinagamot ko sayo. Kung hindi patay ka sa'kin Dindo,"pagbabala niya sa kaibigan.
"Sure, maaasahan mo ako diyan."
"Okay, pwede ka nang umalis, sige na bilhin mo na ang panregalo mo kay Britney. Mag-ingat ka pauwi. Good luck!"sunod niyang paalam sa kaibigan.
"Sure Amore, my one and only best friend,"wika nito habang nakangisi. "I'll promise na wala akong pagsasabihan ng tungkol dito."Paninigurado ni Dindo. "Bye, see you next time,"paalam ni Dindo saka agad nang lumisan. Masaya na naman ito dahil nakahuthot na naman ng malaking pera sa kanya. Shall we say, it turns out to be a gift of gratitude.
PUMASOK sa kuwarto na pinaglagyan niya sa estrangherong lalaki si Amore at tinignan ang kalagayan nito. Pinagmasdan niya itong mabuti. Wala naman siyang nakitang kakaiba sa mukha ng lalaki kundi ang pagkamaamo nito.
"Bakit hinahanap ka ni Regor? Anong atraso mo sa kanya?"wika ni Amore habang nakaupo sa gilid ng higaan ng walang malay na lalaki. "Sino ka ba Mr? Sana magising ka na para malaman ko ang malalim na rason kung bakit ganito ang sinapit mo."
Hindi pa rin naman nagigising ang lalaki kaya umalis muna siya para bumili ng mga resitang gamot. Namili na rin siya ng mga groceries, mga prutas at gulay. Siguro ihahanda niya iyon para sa estrangherong lalaki. Kahit hindi niya ito kilala parang ang gaan ng pakikitungo niya rito.
Marami siyang pinamili. Pagkarating sa bahay ay agad naman siyang nagluto ng pagkain. Mga gulay ang iniluto niya. Masarap magluto si Amore kahit hindi siya nag-aral ng Culinary Arts pero pwede siyang makipagsabayan sa mga magagaling na Chefs.
"Ang sarap talaga ng pakbit at laswang gulay. Ngayon lang ulit ako nakapagluto nito. Subrang naging busy ako sa mga walang kwentang bagay. Sana magustuhan ito ni... ay hindi ko pala alam ang pangalan niya,"parang baliw na kinakausap ni Amore ang sarili.
Tiningnan niya muli ang lalaki ngunit hindi pa rin ito nagigising. Pinagmasdan niya ito ng mabuti. Parang hindi siya nagsasawang titigan ang maamong mukha ng lalaki.
Sabik na talaga siyang malaman ang dahilan kung bakit maraming sugat ang natamo nito saka kung paano siya nakarating doon sa gubat. At kung bakit kilala siya ni Regor?
Si Regor ay boss ni Amore. Isa itong pinuno ng isang pinakamalaking grupo ng mga sindakato sa buong bansa. Lahat ng mga kumukontra kay Regor ay ipinapatumba niya at si Amore ang kanyang hit man.
Magaling si Amore pagdating sa ganuong trabaho. Tinagurian nga siyang queen of all serial killers, na hindi alam ng karamihan. When someone sees her, she's just an ordinary woman. Gorgeous, quiet but deadly.
Akma na sana siyang lalabas nang may biglang pumigil sa kanya. Hinawakan ng naturang lalaki ang braso niya. Nilingon niya ito at pinagmasdan ulit.
"Si–sino ka? Isa ka rin ba sa papatay sa'kin?"galit na tanong sa kanya ng lalaki. "Sabihin mo!"napasigaw ito sa subrang galit.
"Huh? Ako?"nag-ikot siya ng mga mata. "Bakit naman kita papatayin? For your information Mr. tinulungan kita para buhayin at hindi para patayin,"sarkastikong sagot niya sa lalaki.
Hindi pa kaagad nakasagot ang lalaki pero tinalakan na naman niya ito muli. "Hoy, Mr. Oo, pumapatay ako pero hindi ikaw ang tipo ng taong gusto kong patayin,"dagdag pa niya.
Nainis siya bigla, pagbintangan ka ba namang papatayin mo siya? Pumapatay lang naman siya kung may bayad at kasalanan sa kanya, other than that she won't.
"Eh, kung hindi sino ka?"tanong na naman ulit ng lalaki. "Aalis ako ngayon hindi ako pwedeng manatili dito baka isa kang tauhan ni Regor,"galit na baling sa kanya ng lalaki at nagpupumilit na tumayo.
Kumunot ang noo niya at bumuga muna ng hangin bago nagsalita. "Oo, kilala ko nga siya pero hindi naman ako ganuon ka sama para itumbok na narito ka sa pamamahay ko. Sige, umalis ka, mas mabuting wala ka rito para maiwasan kong masangkot sa gulo ninyo o anumang atraso mo sa kanya. Alis,"wika niya saka itinuro ang pintuan. Nameywang siya at hinayaan ang lalaki sa gagawin nito.
"Sinasabi ko na nga ba. Sige, aalis ako. At huwag na sana tayo magkita muli,"sabi nito saka pinilit na tumayo.
Mahina pa ito pero kung makasinghal sa kanya parang tigre na gustong mangagat. Maamo nga ang mukha pero may kagaspangan naman pala ang ugali. Regrets register her entire system. Bakit pa kasi niya ito tinulungan kung ipapahamak lamang siya nito kay Regor?
"Sige, alis na,"wika ulit ni Amore. Tinaasan niya ito ng kilay saka itinuro ulit ang pintuan. Nang tumayo ang lalaki ay na out-of-balance ito at natumba ito sa kanya.
Hindi agad siya nakakilos nang mga oras na iyon tila napako ang kanyang mga paa. Hindi niya alam kung bakit pero parang natigilan siya ng magtama ang kanilang mga mata, tila na hypnotized siya. She was mesmerized by him, her heart beats fast that almost made her deaf and it's her first time to feel it. Sign na ba ito para mapukaw ang manhid niyang puso?
Nang matauhan siya ay agad niya itong tinulungang makatayo dahil nanghihina pa ang lalaki, dahan-dahan niya itong inihiga ulit sa kama. Hindi naman ito nanlaban pa dahil masyado pa itong mahina at aabot ng isa pang linggo bago ito tuluyang gagaling.
"Nasaan na ang tapang mo kanina Mr? Di ba gusto mo nang umalis? Kung ako sayo manatili ka muna dito ng isang linggo para makapagpagaling ka ng husto. Pangako wala akong pagsasabihan ng tungkol sayo. Hindi naman ako kasing-sama ng inaakala mo."
Natamimi naman itong lalaki. Pinagmamasdan lang niya si Amore. Parang kinikilatis ang pagkatao niya.
"Tinulungan pa ba kita ng makita kita sa gubat kung may plano akong ipagkalulo ka kina Regor? Oo, dati niya akong tauhan pero unti-unti na akong kumakalas sa mga masasamang gawain ni Regor,"wika niya saka umakmang lumabas na nang hawakan ulit ng lalaki ang braso niya.
"May kailangan ka ba Mr? Kung gutom ka may niluto na ako, mainit pa ang sabaw ng gulay. Hintayin mo muna, ikukuha kita para makakain ka na. Magtiwala ka wala akong balak na lasunin ka. Kung gusto mo samahan pa kitang kumain at titikman ko muna ang pagkain para makasigurado kang walang lason, okay ba?"dagdag pa niya. Bakit siya nagpapaliwanag sa stranger na 'to?
"Alright. I'll trust you,"mahinahong sagot nito.
Napalingon sa kanya si Amore. "Just call me, Amore,"sunod ay nagpakilala na siya sa lalaki. "Sige, maghintay ka lang muna dito,"wika niya saka lumabas na ng kuwarto.
Mabilis namang bumalik ng silid ng lalaki si Amore. Dala na nito ang tray ng pagkain. Nagdala rin siya ng mga prutas, tubig at gamot na iinumin ng lalaki. Daig pa niya ang personal nurse nito. Grabi naman ang kabaitan niya, kahit na hindi niya ito lubos na kilala nakuha pa niyang alagaan ito na parang espesyal ito sa kanya. Siguro dahil nag-iisa na lang siya sa buhay at kailangan niya ng karamay.
"I'm sorry for making you wait, naghiwa pa kasi ako ng mansanas. Kumain kana, masarap itong niluto ko."Tinitigan lang siya ng lalaki. "Okay, tikman ko muna para maniwala kang safe ang mga pagkain na 'to,"nakangiting wika niya saka pinasadahan ng tingin ang lalaking kanina pa pala nakatitig sa kanya.
Mataman pala siyang pinagmamasdan nito mula ng nagsimula siyang magsalita. "Ah, anong meron? May dumi ba sa mukha ko?"tanong niya rito.
"Nothing. By the way, thank you. Alright, I'll eat,"sagot nito saka dahan-dahang kinuha ang kutsara at isinubo ang pagkain pero nanginginig ang kanyang kamay kaya tumilapon ang pagkain.
"Kukuha ako ng pamunas. Wait,"mabilis na lumabas para kumuha ng pamunas si Amore.
"Heto na ako,"mabilis din siyang nakabalik. Pinunasan niya agad ang narumihang damit ng lalaki. "Sorry na dumihan ka tuloy, saglit lang at ikukuha kita ng bagong sando,"wika niya saka tatayo na sana ng magsalita ang lalaki.
"It's okay,"tipid na wika ng lalaki. Nakatitig na naman ito sa kanya. "Bakit ang bait mo sa'kin?"tanong nito sa kanya.
Nagkibit balikat siya. "Ah, wala lang. Gusto ko lang na makatulong. Hindi ko pa kasi nasubukang tumulong,"sagot niya.
Marahan itong tumango. Nakatitig ulit sa kanya.
"Sana huwag mong masamain ang pinapakita kung kabutihan. Huwag ka na rin sana mahiya, susubuan na lang kita para hindi tumilapon ang pagkain. Para pagkatapos mong kumain makainom ka na ng mga gamot mo,"wika niya na may pag-aalala. Is she really doing this to a stranger? Daig pa niya ang nag-aalaga ng anak niyang maysakit.
"Thank you, Am..."sagot nito sa kanya. Biglang natigilan si Amore ng marinig ang sinabi ng lalaki.
Tinawag ba naman siyang "Am"ng lalaki, dati mayroon din namang tumatawag sa kanya ng ganito pero maliit pa siya noon. Hindi na nga niya ito masyadong maalala kung sino ang tumatawag sa kanya ng ganito noon.
"Sige, payag ako. Wala din naman akong makukuha kong magmamatigas pa ako,"dagdag pa nitong wika. Mabuti naman at naging masunurin na ito.
Napangiti naman si Amore. Himala na ang parang mangangagat na tigre ay napakaamo na sa kanya ngayon. Dahan-dahan niya itong sinubuan ng pagkain. Pinahigop niya rin ito ng mainit na sabaw ng gulay. Nasarapan naman ang lalaki sa kanyang luto. Well, she's good in cooking.
"Heto. Inumin mo ang gamot mo. Mainam ito para mabilis kang gumaling nang sa gayun ay makaalis ka na rito,"aniya. Iniabot niya ang isang baso ng tubig at gamot.
"Okay,"tipid nitong sagot saka ininom ang gamot na ibinigay niya. Naging mabait na ang lalaki sa kanya.
"Very good Mr. Dapat na masunurin ka, hindi iyong masungit sa'kin dahil naiirita ako. Baka mapatulan kita kahit na hindi pa maayos ang lagay mo,"pagbibiro ni Amore.
"By the way, my name is Liam, Miss Amore. I'm so sorry for what I've acted earlier. Nagulat lang ako at nanigurado,"anito.
"Wow, nice name, Liam,"nakangiting wika nito. "Don't mind it, okay lang. Siguro sa susunod na linggo makaka-alis ka na,"wika nito saka inaayos na ang mga pinagkainan ng lalaki.
"Okay, thank you."
"No worries. I'll go first. Sumigaw ka lang kung may gusto ka o kailangan mo ng tulong ko. Huwag kang tumayong mag-isa baka matumba ka ulit. Baka hindi ka mamatay sa bala kundi dahil lang sa pagkabagok,"pagbibiro ulit ni Amore kay Liam. Natawa naman si Liam sa biro niya.
Pagkalabas niya sa kuwarto ng lalaki dali-dali siyang kumuha ng pagkain. Gutom na siya kanina pa pero pinigilan lang niya ang sarili. Hindi pa kasi siya nakakain dahil pinauna niya si Liam na kumain. Kumain muna siya saka hinugasan ang mga pinggan.
NAGING mabuti naman ang pakikitungo nila sa isa't-isa ng mga sumunod pang araw. Sa katunayan mabait naman pala talaga si Liam. Naging magkasundo agad silang dalawa.
Makaaraan ang limang araw ay magaling na si Liam. Nagpa-plano na nga rin itong umalis.
Isang tawag mula kay Regor ang gumimbal sa umaga ni Amore. Nalaman na nito na si Amore ang nakakita at tumulong kay Liam. Sinabi nitong kung hindi ibibigay ng dalaga sa kanya ang lalaki ay pagsisisihan niya ito sa tanang buhay niya.
"Sino ang kausap mo kanina sa telepono, Am? Bakit ba ganyan ang mukha mo?"takang tanong sa kanya ni Liam ng mapansing balisa siya. No choice kaya kailangan nilang umalis ng mas maaga para hindi abutan nina Regor.
"Maghanda ka na at umalis dito. Nalaman na nina Regor ang tungkol sa'yo. Papunta na sila rito ngayon. Tiyak na kukunin ka nila. Hindi ko alam kung sino at saan sila nakakuha ng impormasyon. Pero wala akong sinabi sa kanila. Kaya umalis ka na."
Pinapa-alis na niya ang lalaki na puno pa rin ng pagtataka sa mukha nito. "Dito ka dumaan. May karugtong itong secret tunnel na pwede mong madaanan palabas ng bahay para makatakas ka na. Dali, alis na,"sunod-sunod na wika ni Amore saka itinuro niya ang secret tunnel.
Hindi ito tumalima sa kanya. "Pero paano ka? I think Regor will kill you too. Sumama ka na sa'kin halika na, Am. Hindi ka na magiging ligtas dito. Tara na."
"Wait. Hawakan mo "to. Loaded pa ang magazin niyan. Sige na kunin mo na for protection mo lang naman,"wika ni Amore saka binigyan ng baril si Liam. "Kukuhin ko muna lahat ng mga importantanteng bagay dito sa bahay ko."
Dali-daling isinilid ni Amore ang lahat ng mga importantanteng papeles, baril at mga pera sa kanyang bag.
"Let's go, nandiyan na sila. Naririnig ko ang ingay ng sasakyan nila,"wika ni Amore saka binuksan ang maliit na elevator. Pumasok sila roon at isinara iyon ni Amore. Sa likod sila ng bahay lumabas.
"Halughugin ninyo ang buong bahay at iharap ninyo sa'kin ang mga iyon. Bilis!"utos ni Regor sa kanyang mga kasamahan.
Hinalughog nila ang bahay pero wala silang nakita. Kaya pumunta sila sa likuran ng bahay.
Medyo malapit na sila sa tunnel ng makita silang dalawa ng mga tauhan ni Regor. Walang ibang pwedeng gawin sina Amore kundi ang makipagbarilan sa mga kaaway.
Habang unti-unting papasok sa tunnel ay nakipagbarilan silang dalawa. Mabilis nilang tinungo ang tunnel at isinara. Hindi na sila nakita pa nang mga tauhan ni Regor.
"Nasaan na sila? Mga ulol bakit nawala sila? Saan na sila nagpunta?"galit na sigaw ni Regor sa kanyang mga tauhan.
"Boss, nawala sila eh. Nakipagbarilan sila sa'min. Dalawa sa mga kasama namin ang napuruhan at tatlo ang sugatan,"sumbong ng tauhan ni Regor.
"Mga inutil. Dalawang tao lang natakasan kayo? Sige, bumalik na lang ang mga may sugat! Tiyak na hindi pa sila nakakalayo kaya hanapin na natin sila, bilis. Hindi sila pwedeng maka-alis o makatakas man lang sa'kin, maliwanag?"wika nito.
"Yes sir!"
SAMANTALANG sina Amore at Liam naman ay tinunton ang tunnel palabas para makalayo ng husto sa mga kaaway.
Tumigil muna sila sa kalagitnaan ng tunnel dahil nanghihina si Liam. Siguro sumasakit pa ang mga sugat nito, kahihilom palang ng mga iyon kaya hindi pa ito masyadong magaling.
"Okay ka lang ba?"nag-aalalang tanong niya sa lalaki.
"Oo, kailangan ko lang muna saglit magpahinga. Nahihilo lang ako. Just give me 15 minutes at magiging okay na ako, Am,"nanghihinang tugon nito sa kanya.
Tumigil muna sila. Hindi naman madaling matutunton ang lagusan ng tunnel kaya safe pa sila. Pero hindi sila pwedeng manatili doon dahil magugutom sila at kalaunan ay mahuhuli din kapag nakita na ng mga ito ang lagusan.
Pagkatapos nilang magpahinga ay nagpatuloy ulit sila sa paglalakad. Inalalayan na lang ni Amore si Liam para mabilis silang makarating sa dulo ng tunnel at makalabas sa kabilang lugar.
Malaki talaga ang naitulong nitong tunnel sa kanya dahil sa tuwing tumatakas siya doon siya dumaraan o nagtatago.
Malapit na silang makarating sa kabilang dulo. Mula doon ay may kakilala siyang pwedeng tumulong sa kanila para makatakas papunta sa ibang lugar.
Hindi na sila ligtas kung manatili pa sila sa lugar na iyon. Kailangan na nilang magpakalayo-layo upang hindi sila mapatay nina Regor.
Tuso at mapanganib na kalaban si Regor. Pero hanggang saan at hanggang kailan siya mananatili sa trono niya? Ang kasamaan kahit kailan ay hindi mananaig!