MAY bagong update sa pinapagawa ni Regor. Tumawag na ang tauhan niya. Sa loob ng tatlong araw ay tumawag na rin ito. Alam niyang may magandang balita ito para sa kaniya dahil kung wala naman,makakatikim lang ito ng matamis na mura at sigaw. "Kamusta na? Ano ang update sa pinapagawa ko Bugart?" "Tama ang hinala ninyo boss. Nagpapanggap lang siya at hindi totoo ang mga sinabi niyang pamilya sa ibang lugar. Wala siyang kapamilya rito sa Pilipina," sumbong nito. Naikuyom ni Regor ang kaniyang kamay. "Sinasabi ko na nga ba. Pera lang ang habol sa akin ng babaeng iyon at baka siya ang spy ng mga taong gusto akong patayin. Baka si Amore ang amo niya. Damnit!" usal niya saka patuloy na kinausap ang tauhan. Sinabihan niya itong magkikita silang dalawa para makapag-usap ng maayos. KARARATING lan

