KABANATA 36

2073 Words
GAYA ng pinag-usapan nina Regor at Mariposa ay nagkita nga sila sa MS Mall. Galanti si Regor kaya niyaya siya nito na kumain, manood ng sine at binilhan pa siya ng mga bagong gamit. Sino nga ba siya para tumanggi kung plano naman talaga niya na huthutan ang lalaki? Uubusin niya lahat ng puwede niyang makuha. "Mariposa, alin dito ang gusto mong bag?" tanong ni Regor sa babae habang itinuturo ang mga magagandang bag. "Here, it's beautiful." "Well, ito na lang. Gusto ko ng simple lang. Simple lang naman kasi akong babae eh," pakipot niya kunyari. "What? Ito lang ang gusto mo? Ang badoy ng taste mo sa mga bag. No, heto mas bagay sa'yo. Ikukuha kita ng limang bag," sabad nito. Napangisi lang siya. Umandar kasi ang drama niya at nagtagumpay siya. Ang mahal ng bag na gustong bilhin ni Regor para sa kaniya. "Sige pa Regor, I like it. Sige pa, bilhan mo pa ako ng mga mamahaling gamit. Hindi pa naman nababawasan ang pera mo," usal niya habang sumusunod lang sa lalaki habang iginigiya siya nito papunta sa clothing department. "Oh, heto pa. Pumili ka ng lahat ng gusto mong damit. Sky is the limit. Bilhan mo na rin ang mama mo. Tiyak na magiging masaya siya," sabi nito sa kaniya. May mabait naman palang katangian ang mokong na 'to. Pero madalas ring asal demonyo. Pumili siya ng mga magaganda at mamahaling damit. Ito na ang pagkakataon niya kaya itutudo na niya. Sino ba naman ang aayaw sa "sky's the limit" na sabi nito. "Here, I think magaganda 'di ba? Kaso, nahihiya ako sa'yo. Ang dami na ng nasa cart," ingos niya na parang nagpapa-cute sa lalaki. Napangisi naman ang lalaki. Ito kasi ang gusto niya sa babae ang makimi. "It's okay, is that all? Oh, baka may idadagdag ka pa?" tanong ulit nito sa kaniya. "Wala na, subra-subra na nga ito. Niyaya mo na akong kumain, manood ng sine at heto pa binilhan mo pa ako ng mga gamit. I am so overwhelmed handsome. Thank you so much for all," kunyari pa simpleng pasasalamat niya. "Sige, magpa-uto ka pa," usal niya. "What did you say? May narinig akong sinabi mo, ano iyon, ha?" kuryusong tanong nito sa kaniya. Napalunok naman siya bigla at nag-isip agad ng alibi. Tumikhim muna siya para alisin ang mga bara sa lalamunan niya. "Wala, sabi ko baka nag-aalala na si nanay, kaya kailangan ko nang umuwi ngayon," palusot niya. "Okay. I'll pay the bill then you can go home," sagot nito sa kaniya, sunod nagbayad sa counter. Buti naniwala naman agad ang lalaki sa gawa-gawa niyang kuwento. "Thank you ma'am and sir! Come again," anang cashier. "Thanks," sagot ni Regor saka binitbit ang lahat ng mga nasa paper bag na pinamili niya para kay Mariposa. Hinatid pa siya ng lalaki palabas. Wow, gentleman na naman. Sana all, 'muntik pa siyang humanga s kabaitan nitong fake. "Handsome, puwede bang sumakay na lang ako ng taxi. Hindi pa kasi alam ng nanay ko ang tungkol sa'yo kaya mag-iisip iyon ng masama." "Okay, dito na rin lang ako. Wait, I have a question." "Yes, ano 'yan?" "Mag-so-show kapa ba sa Club mamayang gabi? O bukas?" "I think hindi na. Magre-resign na lang siguro ako dahil alam kong nandiyan ka naman eh, wala naman akong ibang maaasahan bukod sa'yo," malambing na sabi ni Mariposa. Kitang-kita niyang kinilig ang loko. Sa isipan niya, parang hindi siya matatagalan at makukuha na niya ang tiwala nito. "Talaga? Sure ba na iyan?" Nakangising tanong nito ulit. "Depende, pero balak ko na talagang huminto na. Gusto kong pagtuunan ng pansin ang nanay ko kaya naisipan kong gawin 'yan," aniya. "Pero kapag gipit ako ay hindi ako hihinto," sunod pa niyang wika. "Next time hindi mo na kailangan na magshow pa sa Halimuyak. I want you, kaya sa akin ka lang Mariposa," madiing sabi nito. Nginitian lang siya ni Mariposa. "Nagkakamali ka Regor. Hindi mo ako maaangkin kahit kailan. Sige lang, sa ngayon sasabayan ko iyong pagka manyak mo, pero sa susunod impyerno na ang bagsak mo," sabi niya sa loob-loob niya habang kumawala ng fake na ngiti. Biglang tumunog ang cellphone ni Regor kaya sinagot niya muna ito, saglit siya nitong iniwan. "Hey, sino 'yon?" pagkunwa'y tanong niya. "Mga tauhan ko lang. Ayan na may taxi na. See you next time around. Thank you for this day. You made me happy," paalam nito. Sumakay na si Mariposa sa taxi at kumaway kay Regor bago makalayo ang taxi. Samantalang si Regor ay tumungo sa Alpha Mouhiere Empire. May importante raw silang dapat pag-usapan. Nilinga-linga ni Maripusa kung may sumusunod sa sinasakyan niya at nang matantong wala ay nagpahatid na lang siya sa may apartment niya. Ang dami niyang dala kaya iiwan na niya muna ang mga iyon sa kaniyang apartment. Pagkatapos niyang magbihis ay umalis na siya at pumunta siya sa hideout nila. KARARATING lang ni Amore sa kanilang hideout. Pagkatapos ng nakakairitang pakikipagkita niya kay Regor ay agad siyang pumuslit at pumunta sa may hideout nila para makapag- unwind. Nasusuka siya sa tuwing maalala ang paghaplos nito sa kahit sang parte ng katawan niya maliban sa dibdib at gitna. "Oh, nandito ka na Amore? Kamusta naman ang pakikipagkita mo kay Regor?" bungad na tanong ni Astra sa kaniya. Nakasalubong niya kasi ito na papalabas ng hideout nila. "Well, it's fine. Medyo nakuha ko na loob niya. Sa susunod ay balak ko na namang pasukin ulit ang Alpha Mouhiere Empire para unti-unti itong pabagsakin," wika niya saka nag killer smile. "Wow, exciting. Don't worry nandito lang kami sa likod mo. We will help you no matter what," sagot ni Astra. "Sige. Pasok na ako sa kuwarto ko. Napagod ako sa kakasunod sa demonyong 'yon. Bye." "Sige, bye,"sagot din ni Astra saka lumabas na. Dumiretso ng kuwarto si Amore. Gusto man niyang magpahinga pero hindi naman siya dinadapuan ng antok. Bumangon siya at kinuha mula sa bag ang kaniyang cellphone. Mula umaga ay naka-off ito para walang disturbo sa kaniyang planong pakikipagkita kay Regor. Naisipan niyang tawagan si Liam. Kinakabahan si Amore habang hawak ang kaniyang cellphone. Nag-aalala siya na baka marinig niyang magalit ang tiyuhin kapag tumawag siya kay Liam at mangamusta. Mahirap maghanap doon ng signal kaya mahihirapan siyang makontak ang lalaki. Ti-next na lang niya muna ang lalaki at saka na lang tumawag kapag mag-reply ito. "Hi, Liam. Ako 'to si Amore, kamusta na kayo riyan? Gusto ko sanang tumawag sayo pero natatakot akong mapagalitan ni Tiyo. Puwede ka bang maghanap ng signal at huwag mo munang ipaalam kay Tiyo na tumawag ako sa'yo. Salamat," laman ng text niya. The message was sent... Habang hindi pa nakakareply si Liam ay nagshower muna siya. Nandidiri siya sa mga kamay niya at braso na hinawakan at hinak- halikan kanina ni Regor. "Ew, nakakainis ka Regor, ang manyak mo. Sige lang, kunti na lang ang panahon mo para mabuhay kaya magpakasaya ka na sa ngayon dahil sa susunod ay mawawala ka na sa ibabaw ng mundo," wika niya habang nag-shower. Kiniskis niya ng mabuti ang mga kamay niya para mawala ang dungis na nagmula kay Regor. Pagkatapos niyang mag-shower ay nagbihis na siya at agad na tiningnan ang kaniyang cellphone. Laking tuwa niya nang makitang nagreply na ang lalaki. Binasa niya agad ang reply nito. "Sure Am, puwede ka nang tumawag. Oo, hindi ko sasabihin kay Tiyo dahil wala naman siya rito. Nasa Tinagong isla ako, may signal pala rito," pagbabalita nito. Napangiti siya at dali-daling tinawagan ang lalaki. Agad na nag-ring ang cellphone nito. "Hello, Liam kamusta ka na riyan?" puno ng kasabikan ang boses niya "Ayos lang ako, ikaw kamusta ka na rin? I miss you," tugon nito. "Ayos lang ako. I miss you too." Kinikilig siya marinig lang ang boses nito. "Nasaan ka ngayon Am? Pakiusap lumayo ka kay Kuya Regor," paalala nito. "Huwag kang mag-aalala nag-iingat ako. " Paliwanag niya. "Maganda pala ang signal dito sa Tinagong isla. Ngayon ko lang nadiskubre, at palagi na kitang makokontak," anito. "Mabuti naman. Paano mo nalaman?" "Kaninang umaga pumunta ako rito, dinala ko ang cellphone ko at sa hindi ko inaasahan may mga makaka-away akong mga illegal fishers kaya aksidente kung napindot ang numero ni Lita. Nakahingi ako ng tulong." "Talaga? Mga walang hiya ang mga tao 'yon. So, paano na ang isla?" "Maayos naman, mabuti lang dumating ako agad. Huwag kang mag-alala ako ang bahala rito." "Salamat naman kung ganun. Nahuli ba sila ng mga coast guards?" "Ewan ko basta hinabol sila ng mga iyon. Parang nanonood nga lang ako ng karera eh," saglit pa itong natawa ng sabihin niya iyon. Ang dami na nilang napag-usapan pero ang nangyari bago umalis si Amore ay parang nakalimutan nilang ungkatin. "AMORE, siya nga pala nakalimutan mo na ba ang sinabi ko bago ka umalis?" Natigilan naman si Amore at hindi agad nakasagot. "Am, nandiyan ka pa ba? Naririnig mo ba ako, Am?" tawag ni Liam sa kaniya. "Ah... sorry ha... Siyempre naman hindi ko iyon nakakalimutan." "Am, totoo ang lahat ng mga sinabi ko. Mahal kita, as in Mahal na mahal kita." "Liam—" "Ano? Hindi ka naniniwala sa'kin? Hindi pa ba sapat ang lahat ng mga ipinakita ko sa'yo noon pa? Sige lang okay lang kung hindi ka naniniwala sa'kin." "Liam, hindi sa ganun. Naniniwala ako sa'yo at alam ko 'yon, pero—" "Pero, ano? Nangangamba ka o natatakot kang madadamay ako sa maaring gawin ng Kuya ko? Am, lahat gagawin ko para sa'yo. Please, let me love you." "Liam, kung alam mo lang ganun din ako. Mahal din kita kaya lang, hindi ko gusto na saktan ka niya." "Am, don't worry about me. Kaya ko ang sarili ko. Sana pagbigyan mo ang pag-ibig ko sa'yo." "Hey!" nagpunas siya ng mga luha."Ang drama natin. So, kaya mo bang mahalin ng lubusan ang isang katulad ko?" Napaiyak siya ulit. "I love you no matter what, at hindi ako magsasawang mahalin ka araw-araw kahit malayo pa tayo sa isa't-isa. Mamahalin pa rin kita," Liam's sweetest words, she ever heard. " I love you too. Salamat Liam. I promise, I will do my best to protect you." "So— ibig sabihin na tayo na?" "Hhmm. Sa palagay mo? Ano?" "Siyempre tayo na. Sure na ba 'to? Talaga?" "Of course, tayo na."Kinilig si Amore ng subra at napagulong sa kama niya. Narinig din niya si Liam sa kabilang linya na napasigaw sa subrang tuwa. "Am, nandiyan ka pa ba? Am? I love you so much," bulong ni Liam na narinig pa rin ni Amore. "I love you too Mahal,"sagot niya kay Liam.Napapatili siya sa subrang saya at narinig naman iyon ni Liam. "Ahem…pero paano na si Lysander Mahal? Kalilimutan mo na ba siya bigla?" pabirong tanong ni Liam sa kaniya. "Tss! I hate him. Kalimutan na ang dapat kalimutan, ang mahalaga ang ngayon. I love you Mahal," sagot nito. Kinikilig pa rin siya. "Oy, akala mo nakalimutan ko ang drama mo tungkol kay Lysander? Hindi no," natawa ito pa ito sa kabilang linya. "Liam, huwag mo akong iinisin. Kung nasa harap lang kita ay talagang masasapak kita. Tandaan mo iyan." OMG. Malapit na malowbat ang ang cellphone ni Liam. Paano na 'to? Mapuputol ang kiligan nilang dalawa. "Am, I'm sorry." Natawa ito ulit."Huwag ka nang magalit, Mahal na mahal kita." Nasa 10% na lang baterya ni Liam. "Mahal? Nandyan ka pa ba?" tawag ni Amore sa kaniya… "Oo, wrong timing. Sige sa susunod ulit. Tatawag ako pero ikaw na muna ang unang magtext para malaman kong hindi ka busy." "Sige. Mag-ingat kayo riyan. Alagaan mo si Tiyo Gusting. I love you. Bye." "Ako na ang bahala rito, basta lagi kang mag-ingat dyan. I love you too, bye." Sakto lang nakapagpaalam muna sila sa isa't-isa saka namatay ang kaniyang cell phone. "I love you Am, I am so very happy right now. Please take care of yourself always," usal ni Liam saka gumawa na ng tent dahil gumagabi na sa paligid. Talagang inabot sila ng gabi sa kanilang pakikipag-usap. Si Amore naman ay nakahiga sa kama niya at panay ngiti pa rin ito. Nakayakap siya sa kanyang unan dahil sa subrang kilig. Ito kase ang unang pagkakataon na nagmahal siya ng totoo kaya wala na siyang palalampasin pa. Ang kay Lysander ay isa lang namang pangako na hanggang ngayon ay walang nangyayari. "I love you Liam, I promise, I will take care of myself and I will cause Regor's life a mess," usal nito hanggang sa nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD