"MAY dumarating!" sigaw ng mga tao sa labas. Na-alarma si Gusting mula sa loob ng carinderia. Ngayon lang ulit siya nakarinig ng may sumisigaw. Kinabahan siya, sa isipan niya baka mga illegal fishers na naman. Lumabas siya para makita kung sino ang dumating. Hindi siya nagkakamali sa nakita niya. "Amie," usal niya. Bumuntong-hininga siya saka tumalikod. Pumasok siya ulit sa loob ng carinderia. Nakita iyon ni Amore. Bigla siyang nalungkot. Galit pa rin ang Tiyo Gusting niya. Habang si Liam ay nakipagkamayan sa mga taong taga-roon. "Maligayang pagbabalik Amie at Yam," bati ng mga taga-isla. "Salamat, na miss po namin kayo. Mauna na po muna kami. Na miss ko na rin ang Tiyo Gusting ko." Kinabahan man ay naglakas loob silang pumaroon sa carinderia "Mahal, ayos ka lang ba?" tanong n

