MAKALIPAS ang ilang araw ay hindi pa rin nagigising si Amore. Wala pa rin siyang malay. Nakabalik na rin sa dating hideout ang mga kasamahan niya sa Omare Corps. Sina Astra at Scarlett muna ang nag-ayos ng lahat. Si Amore na lang ang hinihintay ng mga kasamahan niya na magising. Naghanda sila ng surpresa sa babae kapag nagising na ito mula sa pagkakatulog. Tiyak na magiging masaya siya. Si Liam ay palihim ding nagmamasid kay Regor. Nagkamalay na ito kanina lang. Kahit mahina pa ito ay nagpupumiglas na siya para makatakas. "Pakawalan niyo ako rito! Humanda kayo sa'kin. Papatayin ko kayong lahat. Liam, nasaan ka? Amore?" parang baliw niyang tinatawag ang pangalan ng dalawa. "Nasaan ang mga ebidensiya? Ibigay niyo sa akin!" "Hawakan niyo siya. Kailangan niyang makatulog ulit. Hindi mag

