KABANATA 11

2008 Words
KASALUKUYANG binabagtas ni Liam ang isang masukal na daan. Nagpalinga-linga siya kung mayroong ibang tao ang nandoroon bukod sa kanya. Wala siyang nakita kaya kahit kinilabutan siya ay patuloy niya itong tinunton. Wala naman siyang ibang pwedeng daraanan kaya wala na siyang choice kundi ang tahakin ang ganitong daan. Habang patuloy niyang binabagtas ang daan ay may narinig siyang ingay at kaluskos. Mga ilang saglit ay may narinig ulit siyang mga yabag at mga boses ng mga lalaki. Nagpasya siyang magtago at magmanman sa paligid. Mula sa pinagtataguan niyang puno ay nasaksihan niya ang isang kalunos-lunos na krimen. Isang lalaking nasa kuwarenta ang edad ang pinagtutulungan bugbuhin ng tatlong armadong lalaki pero parang nagmamatigas pa rin ang lalaki kaya nung huli ay walang awang pinagbabaril ng sa tantya niya isang lider ng mga kalalakihan. Tila natutop ang kanyang dila ng mga sandaling iyon, parang masisiraan na siya ng bait dahil sa kanyang nasaksihan. Hindi niya inasahan ganun ang makikita niya. Bakit? Paano siya napunta sa ganuong lugar? Pagkaalis ng tatlong kalalakihan ay kaagad niyang nilapitan ang lalaki. Akala niya patay na ito pero bigla siyang hinawakan nito sa kanyang kamay. Namutla siya sa subrang kaba. May pilit itong iniaabot sa kanya na isang kulay pula na maliit na sisidlan. Ano kaya ang laman? Bakit nito binibigay sa kanya? "I-ibigay mo 'to sa anak ko. M-maawa ka, pakibigay nito sa kanya. Isa itong mahalagang bagay. Paki-usap," naghihingalong wika nito. Hindi niya alam ang gagawin, labis siyang naawa sa sinapit nito pero wala siyang magawa. Di niya ito kayang buhatin.Wala siyang lakas. "I...ipangako mo sa akin na ibigay mo ito sa kanya at aalagaan mo ang anak ko. Mamamatay akong masaya," huling wika nito saka nilagutan ng buhay. "Huwag kayong mamamatay, paki-usap," wika niya saka niyugyog ang katawan ng lalaki pero hindi na ito sumagot. Patay na ito. Napatakbo si Liam sa subrang takot.. Baka bumalik ang mga killer at makita siya.Ayaw niyang madamay o mamatay. At sa di kalayuan ay may batang babae siyang nakita na umiiyak. Malabo ang mukha nito, ang tanging malinaw lang ay ang paghikbi nito. Nagtago ulit siya sa mga malalaking puno ng kahoy. Lulan sa pinagtataguan ay may nakikita siyang paparating. Natakot siya ng makitang may mga nakamaskarang tao ang papalapit sa batang babae kaya tumakbo siya papalayo hanggang sa hindi na niya matanaw ang batang babae. Hingal na hingal si Liam ng magising siya,sapo ang dibdib niya. Nanaginip na naman siya ng isang kalunos-lunos na pangyayari. Paulit-ulit itong sumasagi sa panaginip niya. Sa panaginip niya, nakikita niya ang batang sarili. Di niya alam kung bakit. Paano. Namatay na ba siya noon? Ano ito? Dejavu? Palagi niya itong napapanagipan pero wala naman siyang matandaan na totoong nangyari na may katulad ng nasa panaginip niya. Napabalikwas siya at bumangon. Nagambala siguro niya sa pagtulog si Amore dahil nagising na rin ito. Tinitigan siya nito na puno ng pagtataka. "Okay ka lang ba Liam?" puno ng concerns ang boses nito. "Ah,Yeah, I'm fine. Sige lalabas lang muna ako at iinom ng tubig." "Sige." Pagkatapos niyang uminom ng tubig ay bumalik siya ng kuwarto. Hindi pa pala bumabalik sa pagtulog si Amore dahil nang madatnan niya naka-upo na ito sa ibabaw ng kanilang kama. "Oh, bakit hindi ka pa natutulog? I'm so sorry, nagambala ba kita?" "It's okay. Nawala na ang antok ko. Sa totoo lang kanina pa ako nagising. Narinig kitang may inuusal na "maliit na pulang sisidlan," ano iyon?" kuryusong tanong nito sa kanya. "Ganun ba? Hindi ko nga rin alam eh, mula pa noong nagbibinata ako, napapanagipan ko na iyon. Paulit-ulit lang pero wala akong matandaan na similar event related to my nightmare." "Talaga? Pero bakit paulit-ulit? Baka may ibig sabihin iyon, Liam?" "Huwag mo nang intindihin iyon. Matulog ka na ulit. Gabi pa at matagal pang mag-umaga." "Oo nga. Sige matulog na lang tayo ulit. Goodnight. Siguro huwag na nating patayin ang ilaw para hindi kana babangungutin ulit." "Sige. Mas mabuti pa nga." Bumalik sa pagtulog si Amore pero si Liam ay hindi na muli nakaramdam ng antok. Pinili na lang niyang lumabas at pumunta sa may dalampasigan. Gusto niyang mapagod at makatulog ulit. Ayaw niyang damdamin ang panaginip niya. Naglakad-lakad siya roon para mapagod pero ayaw pa rin mawala sa isip niya ang panaginip niya. Tama ba kaya si Amore na may ibig itong sabihin, di kaya dejavu? Napahilamos siya sa mukha niya saka nagpatuloy sa paglalakad. Huli na nang mapansin na nasa may malalim na siya na bahagi ng tubig na pala siya. Parang gusto niyang lunurin ang sarili sa tubig. "Liam, tumigil ka. Ano ang nangyayari sa'yo? Gusto mo bang lunurin ang sarili mo? Nasisiraan ka na ba ng bait? Liam," sigaw ni Amore. Hindi siguro siya naririnig ni Liam dahil hindi ito tumitigil. Parang wala ito sa kanyang sarili dahil hindi niya napansin ang pagsisigaw ni Amore. Wala na siyang maisip na paraan kundi ang lapitan ang lalaki at subukang paahunin mula sa dagat. Lumangoy siya papunta sa kinaroroonan nito. "Ano ang nangyayari sa'yo, Liam? Baliw ka na ba at nagagawa mong magpakalunod sa tubig. Ano ba ang pumasok sa utak mo at kailangan mo pa iyong gawin? Buti na lang nagising ako ulit dahil kung hindi siguro tuluyan ka nang nalunod. Kung nangyari nga iyon talagang babangungotin talaga kami ng aming konsensya." "I'm sorry. Wala na siguro ako sa aking katinuan, hindi ko alam na nasa malalim na porsiyon na ako ng tubig. Kung hindi mo nga ako hinawakan hindi ako natauhan kaya salamat talaga sayo." "Ano ba ang bumabagabag sa utak mo? Ang tungkol ba sa napanaginipan mo?" "Oo, alam mo Am, parang totoo talaga siya. Parang nangyari nga iyon pero kahit anong gawin ko wala talaga akong matandaan na ganuong pangyayari. Parang mababaliw na ako, dati ko pa iyan napapanagipan mula noong magising ako mula sa coma. I've been hospitalized for almost 2 years. Pagkagising ko simula noon napapanagipan ko ito. Akala ko nga hindi na ito babalik sa panaginip ko dahil almost 2 years na din akong hindi binabagabag ng ganung panaginip." "Really? Nagka-amnesia ka ba?" "Hindi ko alam. Parang di ko naman naramdaman na may mga bagay akong nakalimutan. Only my friends know about my situations. Sila ang nasa tabi ko ng magising ako." "Nasaan sila ngayon? Baka pwede mo silang tanungin sa mga nangyari sa buhay mo sa States." "Sa sunod na lang, may tamang panahon para diyan. At ano pa ang silbi kung may malalaman ako. Patay na sina Mommy at Daddy. Wala na sila, at si Kuya Regor hindi na niya ako kailangan pa," mapait nitong sinabi. Puno ng hinanakit ang nararamdaman niya. Wala siyang nagawa sa pagkawala ng kanyang mga magulang. "Tama. Ang mabuti pa. Mag-isip ka na lang ng iba. Hayaaan mo na iyon.Tapos na iyong mangyari. Pagtuonan mo na lang ng pansin ang ngayon." Ngumiti kahit papaano ano si Liam, masaya ang puso niya dahil nakahanap siya ng bagong kaibigan na maaari niyang kausapin at mapagsabihan ng problema niya. "Huwag mo nang isiping masyado at baka tuluyan kang mabaliw. Sayang kapag nangyari iyon ang guwapo mo pa naman. Kaya be positive and forget about that bad nightmare." Lumapad ang ngiti nito pagkasabi ni Amore ng mga huling salita. Niyaya siya nitong umahon at umupo sa may buhanginan. "Okay. Bakit mo nga pala naisipan na hanapin ako? Akala ko natulog ka muli bakit mo ako sinundan dito?" "Hmm... Pasalamat ka nga at hinanap pa kita kung hindi siguro ay patay ka na. Ayaw ko namang may masamang mangyari sayo. Alam mo namang malulungkot ang tiyuhin ko. Alam ko napamahal na rin siya sayo. At tiyak na ako ang sisisihin niya. Ayaw kong masisi ng dahil sayo." "Si Tiyo Gusting lang ba talaga ang malulungkot? Paano ka?" "Of course, you're been my friend now." "Thank you.I think you destined to be my savior. Ikaw ang paulit-ulit na tumutulong sa akon. Paano na lang siguro ako kung walang Amore sa buhay ko," ngumisi siya. "Edi matagal na akong patay. Pero ng dahil sayo heto patuloy pa rin akong nabubuhay. I think I'm destined to live just for you." Napahalakhak naman si Amore sa sinabi niya. "Ayan na nagda-drama na naman siya. Tama na nga. Bumalik na tayo sa bahay. Basa kaya tayo saka ang ginaw na. We need to change. At sa susunod kung may problema ka just talk to me. Willing naman akong magbigay ng advise sayo. Ako lang naman ang pwede mong maging karamay sa mga panahong ito." "Oo na. Tama ka,"tumayo na siya saka pinagpagan ng buhagin ang pantalon niya. Ganun na rin si Amore. Nagsimula na silang maglakad pabalik ng bahay. "By the way, nag-enjoy talaga ako kahapon sa pagpunta natin sa isla. Kahit na hindi tayo nag-overnight doon masaya pa rin ako. So, ano ba talaga ang balak mo para sa isla. Gusto mo na bang patayuan ng parola?" "As of now, wala pa. Saka na lang siguro kapag matapos ko na ang mga dapat kung gawin." "Well, you're right. Limited pa ang time mo ngayon." "Exactly, ang isla ay maghihintay sa'kin. Wala namang mang-aabuso rito dahil sa oras na mawawala muna ako, pansamantala ikaw ang paminsan-minsang pumaroon at magbabantay ng isla." "So, di ba gagawin mo iyon? Salamat in advance, Liam." Napangiti at napailing na lang ang lalaki. Wala na talaga siyang maisip na magiging dahilan dahil naunahan na siya nito. Marunong siyang tumanaw ng utang na loob kaya Wala na siyang magagawa kundi ang tuparin ang hiling nito. Maliit na kabayaran sa malaking nagawa ni Amore sa buhay niya. "Okay. Basta para sa'yo. You're my guardian angel Am, and I'm very thankful. Siguro kung nandito si Lysander mas matutuwa siya dahil ang galing mo. Proud na proud din sayo pati ang mga parents mo, I swear." Umismid siya. Naiinis siya sa tuwing maririnig ang pangngalan ni Lysander, puro lang kasi iyon pangako. "Huwag mo nang mabanggit ang pangalan ni Lysander ayaw ko na munang marinig ang pangalan niya. Naiinis ako sa kanya dahil hindi na niya ako binalikan. Tara, giniginaw na talaga ako." Inakbayan ni Amore si Liam kaya wala na itong kawala. Bumalik na sila sa loob ng bahay para makapagpalit ng damit. Pareho silang nabasa at nanginginig na sa ginaw. Tiningnan ni Liam ang wall clock. Alas tres na ng umaga kaya nag-init na lang siya ng tubig. Nagkape silang dalawa. Nakipag-usap ulit dahil tulog pa naman ang matanda. Inabot niya kay Amore ng tasa ng kape. Tinanggap naman nito. "Salamat." Sumimsim ito kaagad."Ang sarap ng kape. Tamang-tama sa maginaw na umaga." "Thanks." "Liam,may gusto lang sana akong itanong sayo," wika ni Amore saka sumimsim ulit ng kape. "Ano iyon?" "Kailan mo balak na umalis ng isla?" "Ano ka ba? Wala akong balak na umalis dito. Safe ako rito saka baka ano ang iisipin ng Tiyo Gusting." "Iyon din ang iniisip ko, paano natin masasabi sa kanya na nagsisinungaling lang tayong dalawa. Tiyak kong nagagalit siya. For almost two months, pinagmukha natin siyang tanga." "Don't worry, susubukan kong kausapin siya. Kapag makahanap ako ng tamang tiyempo, pero sa ngayon. Malabong masasabi natin sa kanya ang totoo." Ang sabihin mo Amore, ayaw niyang iwan ang puso niya rito sa isla na hindi ka kasama. Nahuhulog na siya sa babae pero ayaw nyang aminin dahil wala namang paki-alam si Amore sa nararamdaman niya. Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Amore. Nakita niyang nalukot ang mukha ni Liam. Pero hindi na siya nag-abalang magtanong. Inubos niya ang laman ng mug. "Ikaw, Amore. Kailan mo na ba balak umalis? Malapit na matapos ang tatlong buwan pero parang di ka makaka-alis dito, binabantayan ka ng Tiyo Gusting." "Hahanap ako ng magandang tiyempo. Makaka-alis din ako. Ngayon, magpa-plano lang muna ako.Gusto ko muna makontak ulit sina Dindo at Scarlett. Kailangan ko rin ang mga tulong nila." "Sabagay, kailangan mo talaga ng tulong. Di mo kaya ang Kuya Regor. Sana nga matapos na ito, gusto ko na ito matapos." "Kaya ko siya, naghihintay lang ako ng tamang panahon," sabi niya saka nagkiller smile. Napailing na lang si Liam saka tumayo para magsimula ng magluto para sa kanilang karenderya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD