MAY kumakatok sa pintuan ng apartment ni Astra. Medyo tipsy na siya dahil sa kaiinom niya ng beer. Ano ba kasi ang pumasok sa isipan niya para maglasing ng ganun na lang? Pa ekis-ekis siyang tumayo saka binuksan ang pinto. "Sino ba ang—" gulat na gulat siya sa nakita niya sa harapan niya. Kinurap-kurap pa niya ng mga ilang beses ang kanyang mga mata. Akala niya umalis na ito kanina pero bakit ngayon nakatayo ito sa kanyang harapan, nakangiti pa. "Hi, hindi mo ba ako papasukin?"nakangiting bati nito. "Uminom ka? Is there any problem?" dagdag pa nito. Tumawa siya ng pagak saka kinurap-kurap ulit ang mga mata niya. Impossible. Nasa America na ito ngayon at nagpakasal na kay Britney, kaya nanaginip lang siya. Isinara niya ang pinto pero hinarang ito ni Dindo. "Hey, lasing ka na tal

