MAKALIPAS ng isang buwan ay natapos na rin ang construction ng building na pinapagawa nina Amore at Liam. Pinabilis nila itong matapos para makapag-operate na, marami ang matutulungan nitong proyekto nila. Inauguration na ngayon ng building na ipinatayo nina Amore. Ito ay isang child and women center. Ito ang naging proyekto niya na gusto niyang pamahalaan ni Trisha at Brianna. Magiging busy siya sa buhay niya kapag kasal na siya kaya ang dalawa ang inutusan niya mamahala habang wala siya. Pumayag ang dalawa dahil maganda naman ang hangarin ng proyekto. "Congratulations, mag-o-operate na ito kaagad. We are happy to be part of this project, Miss Amore," anang co-investor nila. May nag-invest kasi para magbigay ng mga funds sa center. Mas mainam ito para mas lalong mapatatag ang center.

