KASALUKUYANG nasa gym sina Dindo at Astra. Ngayon ang ikalawang beses na tuturuan niya ng self-defense ang lalaki.
Nagwarm-up muna silang dalawa, mainam upang maiwasan ni Dindo na magkaroon ng muscle pains mamaya pagkatapos ng practice nilang gagawin.
Hindi pa nga sila nakapagsimula ng mag-eensayo pero tagaktak na ang mga pawis ni Dindo. Siguro kinakabahan na naman ito pero kagaya ng ipinangako niya kay Astra na hindi na siya magsisinuplado at magrereklamo kahit minsan kaya mas minabuti niyang manahimik na lang.
"Heto ang tuwalya magpunas ka muna ng pawis mo. Kinakabahan ka yata, no? Siya nga pala ang sulat na ipinabigay mo sa pamilya mo ay may tugon na. Mamaya ko na lang ibibigay pagkatapos nating mag-ensanyo," saad ni Astra saka pumanhik palabas ng gym.
"Saan na naman siya pupunta? Kukunin na ba niya ang sulat galing sa parents ko pero kanina lang sinabi niyang mamaya na daw niya ibibigay," usal niya habang nagpupunas ng pawis.
Lumabas lang saglit si Astra dahil may tumatawag sa kanyang cell phone. Siguro importanteng tawag ito kaya kinakailangan talaga niyang sagutin.
Pagkatapos nitong sagutin ang importanteng tawag ay agad na itong bumalik. Seryoso ang mukha nito kaya ng lapitan niya si Dindo ay hindi inaasahan na mapalunok ang lalaki. Natakot siguro ito sa aura niya.
"Are you okay, Dindo? Baka ayaw mo nang ipagpatuloy pa natin ang pag-i-ensayo at uuwi na lang tayo?" tanong nito sa kanya na may pangungutyang tuno.
"I'm fine! Alright, let's start. Ano ang una nating pag-praktisan ha?"
"Mga basic lang muna. Simula sa boxing hanggang sa basic steps ng judo at taekwando. Sa susunod na session na naman ang disarming at mga new tactics para makailang at makawala sa kaaway," paliwanag niya sa lalaki.
"Wow. Exciting pala 'to. So, anong uunahin nating pagsasanayan sa mga basic?"
"Mga basic na physical activities, indoor lang muna tayo ngayon dahil masyadong mainit na sa labas. Una, ay dapat na magpapalakas ka muna ng mga muscles mo sa braso, sa hita at maging sa binti. Pangalawa, ay magkakaroon din tayo ng mga curl ups at iba pang indoor activities. Kailangan din nang jogging para mahasa at lumakas ang cardiovascular endurance mo, pero nagawa na natin iyan kanina sa warm-up kaya ang boxing ang mas mainam na gawin natin ngayon. Ang boxing ay mainam na sports na huhubog sa iyong endurance, flexibility, speed at iba pa. Mainam kase na mas mahubog mo pa ang iyong katawan para kung sisimulan na natin ang pag-i-ensayo ng martial arts ay hindi na masyadong manibago ang katawan mo," paliwanag niya sa lalaki. Ang dami niyang sinabi. Hindi naman niya tiyak kung naintindihan lahat iyon ni Dindo.
Nakangisi lang si Dindo habang nakatingin sa kanya habang nagsasalita siya. Parang gusto nga niyang kutusan para huminto sa kakatingin sa kanya.
"Isuot mo na ang mga gloves mo, huwag kang tatawa-tawa lang diyan," sabi sa kanya ni Astra ng mapansin na wala itong pokus sa sinasabi niya kanina kundi siya lang ang tinititigan ng lalaki.
"Sure. Basic steps lang naman pala muna. Sige isusuot ko na 'tong gloves ko. Sige, sisimulan ko nang mag-boxing. Siguro kahit na tayo na lang magsparing pwede naman di ba?" panghahamon ni Dindo sa babae.
"Sige. Tingnan lang natin mamaya kung hanggan saan lang ang makakaya mo? Talagang minamaliit mo lang ang mga basic ha?" medyo sarcastic na wika ni Astra sa kanya.
"Really?"
"Huwag mo na akong hamunin. Baka matamaan pa kita at magkaroon ka ng black-eye. Diyan ka na lang mag-practice sa punching bag dahil hindi naman iyan gaganti kung makailang beses mo pang bugbugin," dagdag pa nito saka umismid.
"Sure. Basic lang naman kaya it's easy. Watch and learn," pagmamalaking wika ni Dindo saka pumakawala agad ng mga sunod-sunod na suntok sa may punching bag.
"Hambog!" usal niya saka nag-ikot ng mga mata niya si Astra.
"Oy, parang kanina pa may tumawag sayo ah. Sino ba sila? I think mga kasamahan ninyo ano? Ano ba ang mga pinagagawa nila ngayon, bakit parang balisa ka? Sige, sagutin mo na lang muna ang tawag. Ako na ang bahala dito. Huwag kang mag-alala hindi ako tatakas," nakangising wika ni Dindo na parang nang-aasar.
"Sige. Sisiguraduhin mo lang. Hindi ka naman talaga makakatakas dahil nasa labas lang ako. Sige aalis muna ako. At puwede ba sa susunod huwag kang magtanong ng kung anu-ano. Ang daldal mo, lalaki ka pa naman," wika ni Astra saka umalis na.
Napailing nalang si Dindo at nagsimula na ulit na pumakawala ng mga suntok sa punching bag.
"Wooh... Ang sakit na ng kamay ko. Nakakapagod naman pala ng boxing. Mas gusto ko pang bumalik ng trabaho ko sa hospital. Mas maka-ehersisyo pa ako kahit subrang busy doon. Bakit ko pa naman paglaanan ng panahon ang walang silbing practice na 'to ng martial arts kung wala naman akong hilig dito? Nakakainip lang," wika niya saka tumigil sa pagba-boxing. Bumaba siya sa may gilid ng ring side at umupo siya sa may upuan na nandodoon.
Nakita naman siya kaagad ni Astra nang bumalik na ito. Natapos na nitong sagutin ang ikalawang tawag.
Tiningnan siya ng babae ng may pangsusuya. Sino ba naman ang hindi masusuya sa kanya, eh kalalaking tao ang lamya? Puro inarte lang nasa utak.
Kung tutuusin nga nakaya ng lahat ng myembro ng OMARE CORPs na magsanay ng mga martial arts at paghawak ng iba't-ibang klase ng armas para maging protection laban sa mga kaaway kahit na mga kababaihan sila. Siya pa kaya na kalalaking tao at napakatipuno naman ng kanyang pangangatawan.
Napangisi si Astra habang naglalakad patungo sa kanya.
Nang makita niyang nakangisi ang babae ay dali-dali siyang tumayo at akma na sanang babalik sa may ring ng magsalita si Astra.
"Enough for today. May pupuntahan akong importanteng misyon. Sige. Aalis na tayo. Huwag ka nang magprotesta pa. Sa hideout ka na lang magpalit. Ihahatid muna kita bago ako aalis," wika nito.
"Okay. Saan naman kayo pupunta? At anong misyon na naman iyon? Pwede bang malaman?" pagtatanong niya sa babae habang sumusunod siya kay Astra nasa unahan naglalakad.
"Mamaya ko na sasabihin sa'yo pagbalik ko. Hindi pa naman successful kaya hindi ko pa pwedeng sabihin," sagot nito sa kanya ng balingan siya nito.
"Okay. Napakamisteryoso naman ng grupo ninyo. May mga misyon na laging ginagawa. Kailan pa ba kayo titigil sa misyon ninyo?" sunod pa nitong tanong. Daig pa niya ang imbestigador kung makapagtanong.
"Hmm. Kailan nga ba? Siguro kapag tapos na naming pabagsakin ang taong maysala sa'min. Hindi naman kami ganun kasama tulad ng nasa isip mo. Kaya huwag ka na lang magtanong para huwag lalo gumulo ang utak mo."
"Okay. By the way, nasaan na ang sulat na galing sa parents ko? I need to read it right now."
"Just wait, ibibigay ko iyon mamaya pagkarating mo sa hideout. Bilis na, sakay na. Para mabilis kitang maihatid at mabasa mo na ang sulat," sagot nito sa kanya at agad na isinara ang pinto ng sasakyan.
"Okay. Thank you pala Astra. Kahit napaka-astig mo ang bait mo pa rin naman pala. Iyan ang gusto ko sa isang babae. Astig na mabait pa."
Tumawa lang si Astra sa sinabi ni Dindo. Ano namang kabaduyan ang naisip nito kung bakit nasabi niya iyon. Walang epekto iyon kay Astra.
"What a corny joke. Ganun ka ba magbiro Dindo?" Natawa siya. "Nakakaloka ka. Hindi ako natatawa sa joke mo, natatawa ako sa'yo mismo kasi ang badoy mo," wika ni Astra habang natawawa pa rin.
Natawa na rin lang si Dindo ng mapansin na ang badoy nga ng sinabi niya. Napakamot na lang siya sa kanyang batok.
Pinaharorot naman bigla ni Astra ang kanilang sasakyan. May pupuntahan pa siya kaya kailangan niyang magmadali na maihatid si Dindo.
Mabilis na naihatid niya sa hideout ang lalaki.
"Here, ito na ang sulat na galing sa parents mo. Sige, aalis na ako," iniabot ni Astra ang sulat saka pinaharorot na ulit ng takbo ang sasakyan nito. Hindi na siya pumasok pa ng hideout.
Binuksan ng mga kababaihan na nasa loob ang gate at pumasok na si Dindo.
Diretso siyang nagtungo sa silid niya. Hindi na siya makapaghintay na mabasa ang naging tugon ng pamilya niya sa sulat na ipinadala niya.
Binuksan niya agad ang envelope na pinaglalagyan ng sulat at binasa.
To: Our Beloved Son,
Anak, alam mo masyado kaming nag-alala dahil sa pagkawala mo. Pati na ang girlfriend mo, umuwi siya rito noong nakaraan dahil natatakot din siyang baka may masama nang nangyari sa'yo. Anak salamat at sumulat ka sa'min kahit papaano ay naibsan ang takot at lungkot namin na nararamdaman. Sana nga okay ka lang diyan sa kinaroronan mo at hindi ka nila sinasaktan. Mahal na Mahal ka namin anak. Mahal ka namin ng daddy mo at ni Britney. Maghihintay kami sa iyong pagbabalik.
From: Your Beloved Parents
Napaluha naman si Dindo matapos na mabasa ang sulat na galing sa parents niya.
Masyado niya silang napag-alala at higit sa lahat pati na ang kanyang girlfriend.
Ipinahid niya ang kanyang luha saka itinago ang sulat na iyon sa drawer ng mesa na nasa kuwarto niya. Saka na lang ulit niya ito susulatan pabalik kung bumalik na sina Astra.
Lumabas siya at nagtanong sa nakita niyang babae. Nakasuot ito ng itim na t-shirt at fit jeans.
"Hi. Can I ask?" tanong niya sa babae
Nakaupo lang naman ito at nanunuod ng TV.
"Yes, Mr. Ruiz, ano po iyon?" sagot nito sa kanya.
" Nasaan ba sina Astra ngayon? Bakit sila umalis?"
"Well, may importante silang misyon. Iyon ay pabagsakin si Regor. Kasama nila ngayon si Trisha ang nag-iisang miyembro na kasama namin na isa ring NBI. Makikipagtulungan sila para mahuli ang mga illegal na negosyo ni Regor. Tatlong magkakaibang operation ang gagawin nila. Pinagsabay-sabay nila iyon para mas lalong ma-praning si Regor," sagot nito.
Kinabahan siya mula sa kanyang narinig. Nag-alala siya tuloy sa kaligtasan nina Astra.
"Do you think Miss, makakaya nilang talunin ang mga kalaban?"
"Of course. May tiwala ako kina Miss Astra at Trisha at sa iba pa naming kasamahan. Magagaling sila."
"Talaga ba? Kaya ba nanunuod ka ng TV para malaman ang magiging balita mamaya?"
"Yes. Exactly. Manood na lang tayo. Sige umupo ka na diyan. Huwag ka nang magtanong pa. Okay na ba?"
Napalunok na lang si Dindo at pinilit na mapakalma ang sarili. Nag-aalala siya na baka ang sinapit ni Scarlett ay maranasan din ng mga ito.
Samantalang nasa location na silang lahat. Nakapuwesto na silang lahat.
Naitimbre na rin ito sa mga pulis kaya hindi naman sila gaanong mahihirapan. Sila ang magsisilbing look out sakaling may makatakas na mga drug pushers.
Nakapasok na ang magpapanggap na buyer. Isa itong pulis. Nais lang nila makumperma at mahanapan ng matibay na ebidensiya kaya nila ito gagawin.
"Miss Trisha, okay na ba?" wika ni Astra sa kanyang monitor.
"Okay na. Nakapasok na ang buyer. Kayo diyan sa location niyo, okay na rin ba?" sagot nito.
"Oo. 'Pag sinabi mo ang go signal. Aataki rin kami. At maging sa kabilang location. Mag-ingat ka. "
"Sige. 'Pag nakarinig ka nang putok. Iyan na ang magiging signal, Astra. Sige, magsihanda na kayong lahat."
Na-alarma ang mga drug pushers na parak pala ang nagpapanggap na buyer kaya agad itong bumunot ng baril at nakipagbarilan laban sa mga pulisya.
Tatlong magkasabay na operasyon ang ginawa nila. Ang dalawang operasyon ay sina Astra ang gumawa. Tumawag na rin sila ng mga parak ng matantong kaunti na lang ang kanilang kalaban.
Kailangan na makuha ng mga pulis ang mga druga.
Nakipagbarilan sina Astra sa mga kalabang drug pushers.
Nagdaplisan siya sa kanyang balikat. Kahit masakit ay ininda lang niya ito. Nagtago muna siya sa may gilid ng pader.
"Argh. Ang sakit. Daplis ka lang kaya malayo ka sa bitura. Aray!!!" usal niya saka ininda muli ang sakit.
"Astra, are you okay?" Narinig niyang tanong ng mga kasamahan niya sa monitor. May kanya-kanya silang suot na earphones na konektado sa monitor ng bawat isa.
"I'm fine. May daplis lang ako, kumusta diyan,Trisha ?"
"Okay na. Tapos na ang operasyon. Successful. Sige pupunta na rin ako diyan. Umalis na kayong lahat sa mga designated location ninyo. Paparating na ang mga pulis na huhuli sa mga iyan. Sige. Mag-ingat kayo. Ako na ang bahala diyan," wika ni Trisha.
Matagumpay nilang nagawa ang plano nila. Siguro sa oras na malalaman ito ni Regor ay tiyak na masisiraan iyon ng bait.
Sampu kabilang na si Astra ang may natamong sugat. Mga minor lang naman. Masuwerte at walang namatay sa mga kasamahan niya.
Sa kabilang dako, halos manginig si Dindo sa takot na baka mapahamak sina Astra. Grabi, nakapabrutal ng mga nakita niyang engkuwentro sa pagitan ng mga pushers at ng mga pulis.
"Hello? Oo, ipapahanda ko ang sampung kuwarto. Sige. Mag-ingat kayong lahat," sagot nitong babae na nasa tabi niya.
"Miss, para saan ang sampung kuwarto?"
"May mga sugatan kaya tulungan mo na lang kami na ihanda ang sampung kuwarto. Sige na. Bilis!"
"What? Okay," gulat na gulat si Dindo. Ito na ang ikinatakot niya na baka isa doon sa mga nasugatan ay si Astra.
Hindi na siya nakapagprotesta pa nang magsipagtakbuhan na ang natitirang kasamahan niya sa hideout para ihanda ang mga kuwarto.
Kinuha agad niya ang kanyang mga gamot at mga kagamitan para sa panggamot.
Nakarating na ang mga Omare Corps na nakipaglaban kanina. Mga 30 silang lahat pero sampu ang mga sugatan. Pumasok na ang mga ito.
At nang makita ni Dindo na may sugat si Astra ay agad niya itong nilapitan.
"Astra, are you okay? May tama ka nang bala. Nasaan? Uunahin na kitang gamutin!"
"Mamaya na ako. Daplis lang ito, nasa balikat ko. Unahin mo na lang sila. Ang ilan sa mga nasugatan ay masyadong dumurugo ang mga sugat nila. Sige na. Bilis gamutin muna," sagot nito habang sapo ang balikat.
"Okay. Sige"
Agad namang tumalima si Dindo sa utos ni Astra. Mas nangangailangan ang iba pa niyang kasamahan ng agarang lunas dahil baka maubusan ang mga ito ng dugo.
Mabuti namang may kasama silang doctor para may taga-gamot sila agad.
Si Dindo na ang umasikaso sa lahat ng sugatan. Mabilis naman niya itong nasi-paggamot.
Magaling siyang surgeon kaya easy lang ito sa kanya.
Isa lang hindi easy sa kanya ay ang pag-aaral ng paghawak at paggamit ng baril at siguro pati na rin sa martial arts ay hindi nito agad makukuha. Tinatamad siyang mag-practice dahil sa umpisa lang siya nagmamagaling sa dulo eh wala na, suko na agad.
Pagkatapos niyang magamot ang lahat ng mga sugatan ay huli niyang pinuntahan si Astra.
Magaling lang naman ang ayos nito. Nilinisan na lang niya ang sugat nito saka nilagyan ng binda.
Nagpahinga muna ito dahil siguro napagod rin kanina.
Mabilis na kumalat ang balita. Nakarating na agad ito kay Regor kaya ngayon ay kumukulo na naman ang dugo nito.
"G'ddamnit! How dare them to do this to me! Talagang sinasagad na nila ako. Sino sila? Mga walanghiya. Humanda na talaga kayo sa'kin. Hindi ko na ito papalampasin pa!" galit na galit na wika ni Regor. Parang umuusok ang mga ilong nito at pwede nang bumuga ng apoy dahil sa matinding galit na nararamdaman niya.
"Sir, huminahon kayo. Sabi ng mga tauhan ko. Myembro daw ng Omare Corps ang mga tumulong sa mga pulis. May iniwang sulat daw doon sa crime scene. Pero wala naman silang nakita ni isang bangkay ng mga kababaihan doon, siguro buhay silang lahat", sumbong ni Ezekiel.
"Talaga ba? Sige. Imbestihagan ninyo ang tungkol sa kanila. Aalis muna ako."
"Sir, mas mabuting huwag ka munang umalis, malay mo ikaw na ang sunod nilang target. At tiyak na may kakanta na ikaw ang pinuno ng mga sindikato. Mas mabuting dumito ka na lang muna."
"Tama ka. Magaling na idea. Sige lumabas ka na."
"Sige po."
Lumabas naman agad si Ezekiel. Huminto muna ito sa labas ng pinto at nagwika. "Hmm. Kabahan ka na Regor. Hindi lang pala nag-iisa ang kaaway mo kundi marami at ngayon isa na rin ako doon," usal nito saka ngumiti ng mapait. Gusto rin niyang ipaghigante ang babaeng minahal niyang pinatay ni Regor.
#mission accomplished