KABANATA 47

2201 Words
NAKARATING si Amore na safe and sound sa hideout. Mabuti naman at walang nakasunod sa kaniya na mga tauhan ni Regor. Mamaya pa raw darating sina Astra at Dindo. Nasa duty pa ito at siyempre kasama ang babae. Kasama niya ito araw-araw kapag pupunta ng hospital. Anong silbi ng pagiging bodyguard nito kung iiwan lang niya ito sa bahay. Susunod na lang din si Ezekiel kapag nakahanap ng lugar na makalabas sa lungga ni Regor. Kahit hindi pa siya lubusang pinagkakatiwalaan ni Amore ay hinahayaan siya nitong ipakita na gusto niyang kumalas kina Regor at ang bago nitong simpatya ay kina Amore na. One reason is, may pagtingin siya kay Scarlett na hindi naman niya ma-amin-amin sa babae dahil sa kilos at ka-disgusto nito sa kanya ay wala naman siyang chance para ligawan ang babae. Pero ng muntik ng namatay si Scarlett dahil sa kagagawan ni Regor labis siyang nasaktan at nagtanim ng galit sa lalaki. Malaki ang pera nitong nakukuha mula kay Regor na siyang ginamit niyang pampa-aral sa mga kapatid niya kaya hindi nito makuhang kumalas mula pa noon. Nauna nang nagpatawag ng meeting si Amore pagkarating niya. Sa susunod na lang niya pagsasabihan sina Astra, Dindo at Ezekiel ng mga gagawin. Gusto niya itong ka-meeting ng personal. Nasa harapan na si Amore. Nandoon na rin ang mga kasamahan nito. Pinaupo na niya ang mga ito. "Nagpatawag ako ng meeting ngayon dahil kailangan na nating simulan ang mga plano. Nandito sa USB ang mga impormasyon na kakailanganin natin," wika niya sabay taas ng USB na hawak niya. Nagsitanguan naman ang mga Omare Corps. Alam na nila agad kung ano ang laman nitong impormasyon. "Nakuha ko ito sa pamamagitan ng pag-oobserba at pagtatanong kay Regor dahil sa ginagawa kung pagpapanggap. Ang Ilan diyan ay alam ko na mula pa noon at ang ilan diyan ay bago pa niyang mga illegal na negosyo,"dagdag pa niya. "May iniisip na akong plano bukod sa pagsulot sa mga illegal niyang negosyo. Lahat tayo ay kikilos. Gusto ko siyang ma-praning dahil sa unti-unti niyang pagbagsak. Kapag nasimulan na namin ang plano naming Lima, kayo naman ay makikipagtulungan kina Briana. Sila na ang bahala na makipag-ugnayan sa mga kapulisan para matimbog ang mga illegal niyang negosyo." "Okay Amore. Sana matapos na ang lahat. Gusto na naming makapamuhay ng matiwasay," anang kasamahan niya. Tama na man ang punto ng mga kasamahan niya. Ma's mainam na mamuhay ng matiwasay. "Kaunti na lang. Isang bagay na lang ang hinahanapan ko ng matinding proweba. Ang mga bagay na magpapatunay na si Regor talaga ang may pakana o ang pumatay sa aking ama. Sana susuportahan niyo ako" "Aasahan mo na tutulungan ka namin. Malaki ang utang na loob namin sa iyo Amore. Mabait ka kaya daserve mo na ibalik namin ang kabutihang nagawa mo sa amin." "Tama iyan. Kailan kami kikilos?" "Sa susunod na linggo matapos naming maisakatuparan ang mga plano natin. Gusto namin siyang gawing praning bago lubusang gawing baliw. Kung hindi siya makukulong ay iyan na lang muna ang mabuti nating gagawin." Nagsitanguan naman ang mga kasamahan niya. Suportado siya ng mga ito. Tinapos na niya ang pagpupulong nila. Hinintay na lang niya na dumating sina Astra, Dindo at Ezekiel. Kinuha muna niya ang cellphone sa bulsa niya. Gusto niyang tawagan si Liam pero natuloy ng marinig niyang may bumubusina na sa labas baka sina Astra at Dindo na ito. Tinago na lang niya ulit ang cellphone sa bulsa niya saka lumabas. Sinalubong niya sina Astra at Dindo. Wala pa si Ezekiel siguro nahihirapan pa iyon na makalabas sa lungga ni Regor. "Hi. Kamusta na kayo? Long time no see" bati niya sa dalawa. Mukhang maayos na ang dalawa. Siguro nagkakasundo na ang mga ito sa mahigit isang buwan na magkasama ang mga ito. "We're fine. Magaling ang bodyguard ko. Mga ilang beses din naman niya akong nailigtas laban sa mga kaaway. Magaling talaga ang mga tauhan mo Amore" "Talaga ba? No, hindi ko sila tauhan. Kasamahan ang dapat itawag sa kanila. By the way, kamusta kayo ni Britney?" "Ah. We're fine." Medyo nagulat pa ito bago nakasagot sa tanong ni Amore. Natawa naman si Astra sa reaksyon ni Dindo. "Excuse me. Punta muna ako kay Scarlett. Sige ha. See you later," paalam ni Astra. Tumango na rin lang si Amore para payagan si Astra. "Tell me, baka nahuhulog ka na kay Astra Dindo ha? Maganda at sexy si Astra kaya don't deny it. Baka nakakalimutan mo na si Britney." Wala namang ibang intensyon si Amore kundi ang manukso. "No way. Oo maganda siya pero mahal ko si Britney. Medyo busy kami pareho pero nagka kausap pa rin naman kami. Eh, kayo kamusta?" "Medyo busy na rin ako. Hindi ko pa siya natatawagan mula noong nakaraang linggo. Siguro nagtatampo na iyon sa akin. Nakokonsensya na rin nga ako eh." Nalungkot ito bigla. Masyado na niyang tinu-unan ng pansin ang paghihiganti. "Tawagan mo naman baka maghanap iyon ng iba. Hala ka, sige ka," pagbibiro pa nito. "Hala. Huwag mo ako. Hmm. Sige na. Pasok na tayo. Mag-iisip pa tayo ng bagong plano." "Okay." Habang masaya naman na nagkukuwentuhan sina Astra at Scarlett sa loob ng kuwarto nito. "Oy kamusta na kayo ni Doc Dindo Astra? Ano na ang status niyo?" "Ano? Well, bodyguard niya pa rin ako. Alangan namang kung anu-ano?" "Weeh? Maniwala pa ako?" "Bahala ka. Pero medyo close na kaming dalawa." Kumatok sina Amore sa kuwarto ni Scarlett. Agad naman na lumabas ang dalawa para masimulan na ang ikalawang plano. "Ganito ang naisip naming plano ni Scarlett. Total may access na ako sa lahat ng mga illegal na negosyo ni Regor at sa Alpha Mouhiere empire, hindi na tayo dapat na tumunganga pa. Nakausap ko na ang mga kasamahan natin kanina sa mga dapat nilang gawin para sa pagbagsak ni Regor," wika ni Amore. Sinimulan na niyang mag-suggest ng mga gagawin. Plano nila ito ni Scarlett kaya kailangan lang nilang dalawa ng mga back up. Sumang-ayon ang dalawa, si Dindo at Astra. Malaki din ang maitutulong ng lalaki sa plano nila. Siya ang gagawa ng mga prosthetics na gagamitin nila. This time their revenge will be wild and scary. "Alright guys. As we all agreed tomorrow we need to do it. Okay?" anang Amore saka nag killer smile. Lagot ka Regor malapit na ang katapusan mo. Kung mamalasin ka ay tuluyan ka nang mapapraning. "Okay. Fighting" sabay-sabay na sagot ng tatlo. Kararating lang ni Ezekiel. Nahirapan siyang maka-alis sa lungga ng lalaki pero kahit huli na siya ay nalaman din naman niya ang Plano. Sa una dis-gusto siya pero nang magla-on ay napapayag din naman siya. Gusto lang niya na ligtas ang babaeng iniibig niya ng palihim. KINABUKASAN sa isang bar. Niyaya ni Mariposa si Regor na makipag-inuman. Doon din ito sa unang bar na una niyang inakit ang lalaki. "Darling, order everything you want," pahayag ni Regor. "Sure, Darling!" Umorder ng maraming alak si Mariposa para lasingin ang lalaki. Mabilis itong naging tipsy. "Darling, CR muna ako ha. I'll be back soon," pa alam nito saka tumalikod agad. "Okay," nakangiting sagot niya sa lalaki. Papasok na ng CR si Regor ng may mapansin siyang kakaiba. Parang pamilyar sa kanya ang mga nakita. Hindi niya muna pinansin baka guni-guni lang niya. Malakas na sumara ang pinto ng CR pagpasok niya. Sa loob-loob niya ay pinagtitripan siya. Dahil sa kalasingan lang niya siguro kaya kung anu-ano ang iniisip niya. Pagkalabas niya ay may nakita siyang pamilyar na bulto ng babae. Kung Hindi siya nagkakamali ay si Scarlett. "How it could be? Patay na siya at walang multo sa mundo. I don't believe it" wika niya saka nagpatuloy sa pagmamasid. Pinuntahan niya ang kinaroroonan ng babae. Pero wala na. Napadako siya sa medyo likuran na bahagi ng club. May narinig siyang umiiyak. Bang papalapit na siya ay nakita niya si Scarlett. Duguan ang mukha nito at galit na galit na nakamasid sa kanya. " No. She's dead. Walang multo," wika niya saka pinanatag ang sarili. Matapang siyang tao dahil kaya niyang magpatay ng tao pero this time nakaramdam siya ng kaba. Kinurap-kurap niya ang mata saka ma's lumapit. " Hindi ako natatakot. Goddammit. Ghost is not real." Narinig niya ulit na may umiiyak. Nang lapitan niya ang pinagmulan ng ingay ay may Nakita siyang babae. Umiiyak ito habang nakasubsob sa gilid. "Miss, are you okay?" sabay hawak sa balikat nito. Lumingon ang babae saka nakita niya ang duguang mukha nito. Gulat na gulat siya ng makitang si Scarlett ito. "Patay ka na Scarlett kaya don't you ever scared me. I am Regor Marcial kaya hindi mo ako matatakot. Walang Patay ang bumangon mula sa libingan," sinakal niya ang babae. Halos hindi ito makahinga. "Si-sir. Ano ba? Bitawan mo ako. Nasasaktan ako. Hindi kita kilala. I'm alive," wika ng babae habang habol-habol ang hininga. Biglang natauhan ang lalaki. Sinundan ni Mariposa si Regor sa CR pero hindi nito nakita. "Sino ka ba? Bakit magkamukha kayo? Anong ginagawa mo rito?" "Huh?Ako may ka mukha? Hindi ko alam. Nag-away kami ng boyfriend ko kanina kaya dito ako nagtungo." Nahanap na ni Mariposa si Regor. "Darling? What are you doing here? What? Nakipagkita ka sa babae mo? How dare you fool me. Wala akong makitang rason para lukuhin mo ako. Diyan ka na. I don't need your explanations." Mabilis itong umalis. Gumana ang akteng nito. Pagkalabas ni Regor ay napadako ulit ang pansin niya sa may parking area. Mayroon na namang bulto ng tao. Babae ito. Dahan-dahan niya itong nilapitan. Ang mukha pa rin ni Scarlett ang nakikita niya. Halos kumaripas na siya ng takbo ng mga sandaling iyon. Mabilis siyang sumakay sa kotse saka pinaharorot ng takbo. Kulang na lang ang lumipad ito sa subrang bilis. Sabi niya kanina matapang siya at hindi natatakot sa multo pero ngayon isa siyang pinakamalaking duwag. Nakalimutan nitong suyuin ang nobya dahil sa takot. Ma's nadagdagan ang inis nito ng ma-alala si Mariposa na nagtampo sa kanya. Galit na galit siyang pumasok sa Alpha Mouhiere Empire. Humahangos siyang nagtungo sa loob ng silid niya. Sinubukan niyang kontakin ang nubya pero hindi ito ma-kontak. Ma's lalo siyang nagalit. "Ezekiel, pumasok ka rito," sigaw niya sa lalaki. Agad naman itong pumasok. "Yes sir? Ay siya nga pala. May nagpapadala sayo ng regalo. Hindi ko pa nabubuksan dahil baka espesyal iyan para sayo" "Bigyan mo ako ng alak at sh*bu. Gusto kong mawala ang malas sa buhay ko. Nakakainis ang araw na 'to" "Sige sir. Pero ang regalo mo. Saan ko ba ito ilalagay?" "Ilapag mo na lang sa mesa. Mamaya na iyan. Bwisit. Nasira ang date namin ni Mariposa at baka hiwalayan niya ako. Ayokong mangyari iyon" Pakunwaring nagulat si Ezekiel sa narinig. "Bagay sa'yo. In fairness wala sa plano ang eksenang iyon. Ang galing talaga ni Amore mag-akteng. Tingnan lang natin kung hindi ka napapraning ngayon kung bubuksan mo na ang regalo mo," usal niya saka lumabas na . Tulad ng inutos sa kanya ay kumuha siya ng alak at sh*bu. Bumalik siya saka ibinigay ang mga gusto ng lalaki. Nagpa-alam na rin itong uuwi ng bahay nila dahil may inihandang salu-salo ang pamilya niya. Isang malaking alibi na pinahintulutan naman ng amo. "Bye sir. Enjoy your night," usal niya saka Sumakay ng kotse. Pupunta siya ngayon sa lugar na pinagkasunduan nilang Lima. Samantalang kakatapos lang ni Regor uminom at humithit ng bawal na gamot ng mapuna niya ang kahon na sinabing regalo daw sa kanya. Kinuha niya ito saka unti-unting binuksan. Nakangisi siya habang binubuksan ito. Nakarating na sa tagpuan nila si Ezekiel. Nandodon na ang apat saka nagtatawanan na. Siya na lang talaga ang nahuhuli sa tuwing may pagtitipon at plano. "Good job everyone. Oh, Nandito na pala si Ezekiel. Kamusta na buksan na ba niya ang regalo ko?" Tanong ni Amore ng makita na paparating na ito. "Good job. Hindi ko pa nakita na binuksan na niya iyon. But he looks so scared and upset when he came to the empire" pahayag nito saka natawa. "Well great. Successful ang lahat. We made it." "Ang galing ng mga actress kanina," sabad ni Dindo. "Anong magaling. Nasakal kaya ako. Nasaktan kaya ako," sabad din ni Astra. Siya kasi ang nagpanggap na babaeng umiiyak. But I na lang saka lang ang natamo niya. Di bale handa naman sila sa mga posibleng mangyayari. Ang ilan sa mga nakita ni Regor ay mga larawan lang at manikin. "Ayos lang 'yan. I'm here. Gagamutin ko lang yan mamaya. Kunting maga lang naman yan eh," sagot ni Dindo. "Tse. Gamutin mo mukha mo," sabay bleeh. "I smell something fishy, huh," sabad ni Scarlett. Natahimik naman ang dalawa. Napangiti rin sina Amore at Ezekiel. "Huh, ano? Kumain na nga tayo. Gutom na ako. Gabi na kaya, I need to eat." Pag-iiba niya ng usapan. NABUKSAN na ni Regor ang sinasabing regalo. Nakangisi pa rin siya. Inaasahan niyang si Maripusa ang nagpadala. Natanggal na niya ang pangbalot. "Huh? What? Ahhhhhh," gulat na napasigaw ito sa subrang pagkabigla. Kasabay nito ay nawalan siya ng malay dahil sa tama na rin ng alak at sh*bu. Gulat na gulat ito dahil sa nakita niyang duguang ulo ng babae. Naku bahag din pala ang buntot ni Regor. Isang malaking duwag. Di daw takot pero ayon nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD