KABANATA 32

2394 Words
PINUNTAHAN ni Amore si Dindo sa silid nito. Hindi pa rin ito nakakauwi sa pamilya niya dahil may iilan pang mga hindi pa gumagaling sa mga nasugatan na mga kasamahan ni Astra. Almost 3 months na hindi sila nagkita kaya miss na miss na niya ito. Pagkarating niya sa tapat ng pinto ng kuwarto nito ay tumigil muna siya saglit saka kumatok. Nakangiti na siya kahit hindi pa siya nito pinagbubuksan. Nakita niyang bumakas na ang pinto. "Anong—" putol na wika ni Dindo. Akala siguro niya, si Astra ang kumakatok. "Hi, kamusta ka na? Long time no see, my friend," nakangiting wika ni Amore. Ngumiti naman pabalik si Dindo pero nahihiya siya kay Amore. "Hey, what's up! Anong nangyari sa'yo? Bakit parang iiyak ka na diyan?" pagbibiro nito sa lalaki. "I miss you so much Dindo," sunod niyang sabi saka niyakap ang kaibigan niya. "Ah... Okay lang ako. Hindi ako napahamak dahil nandito ako sa hideout ninyo," sagot nito habang niyakap pabalik ang kaibigan. Unang bumitaw si Amore saka pumasok nang diretso sa loob ng kuwarto niya saka umupo sa kama. "Mabuti naman dahil maayos ang kalagayan mo. By the way, bakit ka pala nila dinala sa hideout? Hindi kasi nila sinabi sakin kung bakit pero kahit papaano masaya ako dahil nasa mabuting kalagayan ka Dindo." "Ang totoo kasi Amore eh, a…ako ang totoong may kasalanan kung bakit muntik ka nang mapahamak kay Regor," naluluha nitong sabi. "What do you mean? Anong ikaw ang may kasalanan?" "A…ako ang nagsabi kina Regor ng tungkol sa lalaking tinulungan mo. Pe…pero Amore maniwala ka hindi ko gusto na gawin iyon, pinilit lang nila ako. Kaya natakot ako at sinabi ko na lang ang totoo sa kanila. Parang gusto ko ring patayin ang sarili ko noon, pero naisip kong hindi iyon tama." Napangisi naman si Amore sa mga sinabi ni Dindo. Hindi siya nagagalit sa kaibigan niya. Naghinala siyang si Dindo ang ginamit nina Regor. Sa halip ay nagpapasalamat pa nga siya dahil iyon ang araw na hinihintay niyang maging magkaaway sila ni Regor para masimulan na niya ang binabalak na paghihigante. "Hindi ka galit sa'kin? Bakit ka tumatawa riyan?" "Bakit naman ako magagalit?" "Kasi pinahamak kita. I'm so sorry my friend!" "Don't be sorry. I'm fine and please forget about it." Napangiti si Dindo ng kaunti. Nakahinga siya ng maluwag. "Huwag kang engot. May nahahalata na ako sayo ah, dati hindi ka naman ganito. Noon kapag may kasalan ka sa'kin never kang naghingi ng sorry pero ngayon, in fairness, humingi ka nang sorry? Anong nakain mo ha?" Pagbibiro ni Amore kay Dindo. Gusto niyang patawanin ang lalaki dahil napakaseryoso ng mukha nito. "Aba, siyempre buhay mo kaya ang muntik mapahamak, kaya pasan ko sa konsensya ko kung may masamang nangyari sa'yo. Hindi pa naman ako makatulog ng husto dahil doon tapos 'di ka lang naman pala magagalit." "Tama na 'yan. Kalimutan mo na iyon. Mag move on ka na, okay?" tinapik niya ang balikat ni Dindo. "Another thing, gawan mo ako ulit ng bagong prosthetics. Iyong maganda ako. Na kapag makita ako ni Regor ay hahabul-habulin niya ako," nakangising wika ni Amore. "What? Talagang itutudo mo na ang paghihigante mo sa pamamagitan ng pagpapanggap? Amore naman, baka mapahamak ka ulit sa oras na mabibisto ka niya. Kilala mo siya tuso siyang tao, hindi ba?" sagot niya na puno ng pag-aalala. 'Di siya sang-ayon sa plano ni Amore. "Ako ang bahala. Kaya kong magpanggap basta iba ang mukha ko. Hindi ko naman pwede na hindi ko tatanggalin ang maskara ko dahil kapag hindi maghihinala siya sa'kin. " "Okay. I will make you another prosthetics. Dati akala ko nagpagawa ka lang sa'kin para sa cosplay lang. Iyon pala isa ka nang assassin Amore. Isa ring rason kung bakit hindi mo ako pinapagalitan sa tuwing manghuhuthot ako ng pera sa'yo." "Tss! Kalimutan mo na iyon. Ang mahalaga ang sa ngayon. Sorry, inilihim ko sa'yo. Tuloy na damay pa kita sa mga pinanggagawa ko." "No problem, Amore." Naging maayos ang mood ni Dindo. Nakatawa na rin siya sa mga biro ni Amore. HIDNI niya naiwasang magtanong ng mga sumunod nangyari pagkatapos tumakas nina Amore at Liam. "Amore, puwede bang magtanong sa'yo?" "Bakit? Ano iyon?" "Ano ba ang nangyari pagkatapos ninyong tumakas ng lalaki? Nasaan na siya ngayon?" "Si Liam ba? Nasa safe na lugar siya ngayon. Bakit mo naman pala natanong?" "Curious lang. So, hindi ba kayo nagkasama noon pagkatapos?" "Actually ganito makinig ka. Ikukuwento ko sa'yo ang lahat." "Sige!" Nakinig si Dindo habang kinikilig at napapangisi sa mga kinukuwento ni Amore. "Wow, talaga? Kapatid pala siya ni Regor? What a coincidence?" "Huwag kang maingay hindi pa tapos ang sinasabi ko!" Tumahimik si Dindo at muling nakinig. Nagkuwento ulit si Amore sa mga sumunod pang nangyari. Napangisi ulit si Dindo at nanukso sa kaniya. "What? Talaga? Ang sweet niyang tao? So, dahil sweet siya, wala bang namuong pag-ibig sa bawat isa sa inyo? Oh, maging crush man lang? Ayieee, guwapo kaya si---sino ba iyon ulit?" "Tse! Ang engot mo Dindo. Si Liam, iyon ang pangalan niya." "Defensive mo. Huwag mo nang i-deny dahil habang nagkukuwento ka ang tamis ng mga ngiti mo. Denial stage ka pa. Asus, Amore huwag ka nang magsinungaling napagdaanan ko na iyan." "Oo, na ikaw na ang eksperto pagdating sa pag-ibig! Pero tiklop rin naman ang buntot mo pagdating kay Britney, hindi ba?" "Hoy! Ang bunganga mo. Huwag mo akong ibuko, Amore. Pero in denial stage ka rin. So, what happen next?" Napailing si Amore saka nagpatuloy na ulit sa pagkukuwento. Natawa naman ng malakas si Dindo ng maikuwento na ni Amore ang nangyaring paligsahan nila ni Liam sa isla. Iyong panahon na nanghuli sila ng ibon at nagparamihan sila subalit nakahuli lang si Liam ng isa at natalo ito. "Nakakatawa siya. Ang guwapong lalaki hindi marunong manghuli ng ibon gamit ang baril?" "Hoy! Eh, ano naman? Ikaw nga hindi marunong, kahit martial arts nga hindi mo alam." "Anong hindi? Hmm…Marunong na ako ngayon. Tinuruan ako ni Astra," pagmamalaki niya. "So, what's next?" "Really, I will see your shooting skills later, contest tayo, okay?" Kung anu-ano na siguro ang iniisip nito. Ang dami niyang na kuwento pero nakuha lang siyang pagtatawanan ni Dindo. Tumayo si Amore at akmang lalabas nang pinigil siya ni Dindo. " Tika lang huwag ka munang lumabas Amore. Last question, nagkagusto ka ba talaga sa lalaking iyon? Dahil para sa akin hindi malabong magkagusto sa'yo si Liam, sa ganda mong iyan? Sos, marami ang magkakandarapa makapanligaw lang," sabi ni Dindo sa kan'ya. Binalingan niya ang kaibigan, nagsalita siya…"Oo, hindi naman kasi malabo na mangyari iyon, hindi ba? Pero ewan ko kung may patutunguhan ang pag-ibig ko sa kaniya. Alam mo 'yong, parang kami na pero parang hindi. Oo, nasabi na namin sa isa't-isa ang aming nararamdaman pero wala pa namang maiuturing na commitment sa pagitan namin, umalis nga ako, 'di ba?" malungkot na pahayag ni Amore saka humakbang palapit sa pintuan. "Ganun ba? Ang saklap naman. I'm sorry for asking you about that. Just wait for me, 'di ba gusto mo akong subukan kung magaling na ako sa martial arts at firing? Hintayin mo ako, ipapakita ko sa'yo." Ngumiti naman si Amore. "Sige, sa labas na lang kita hihintayin. Huwag kang mag-aalala okay lang ako," sagot nito saka lumabas na. "KUNG alam mo lang Dindo na talagang nalulungkot ako, sana hindi mo na lang iyon tinanong sa'kin? But it's okay, hindi mo naman alam," malungkot na usal ni Amore saka umupo sa may upuan sa may labas ng kuwarto ni Dindo. Hinintay ang kaibigan na lumabas. " I'm here. Tara sa oval. Doon tayo ngayon." "Huwag na, doon na lang tayo sa likod. May sarili akong space para makapagpalabas ng stress," sagot ni Amore. "Sure!" Umalis na sila at nagtungo doon sa likod na bahagi ng kanilang hideout. "Meron lang naman pala rito. Bakit doon pa kami ni Astra nagpractice sa may gym ninyo?" "Siguro dahil wala ako. Hindi sila gumagamit Dito dahil para sa kanila sa 'kin lang 'to. Maybe sanay sila sa gym na merong malawak na oval. Kadalasan kasi maramihan ang tinuturuan niya." "Talaga ba? So, let's do it!" "Talaga? Sure ka na Dindo? Hinahamon mo na ako ngayon? Dati isang suntok pa lang ang pinakawalan ko, tulog ka na!" pagbibiro ni Amore sa lalaki. "Aba, dati pa kaya iyon. Kung sa bagay hindi mo pa alam na tinuruan ako ni Astra at natalo ko siya nang huli naming practice." "Talaga? Who gonna make the first attack? Ako o ikaw?" "Ikaw na. Let's do it!" Pagkasabi ni Dindo niyon ay agad siyang sinugod ni Amore, pinagsusuntok at pinagsisipa siya nito. Nailangan at nasalo naman ni Dindo ang lahat ng suntok at sipa na pinakawalan ni Amore sa kaniya. "Good job Dindo," puri sa kanya ni Amore. Si Dindo naman ang sumunod na umatake. Ganun din si Amore, nailangan niya ang lahat ng pag-ataki na ginawa ni Dindo. "Wow, mas magaling ka kay Astra. Parang mahihirapan akong matalo ka Amore, hinihingal na ako sa'yo." "So, you are quiting now? Pwede rin naman natin itong itigil." "No, ayoko! Gusto kong mapatunayan ang galing ko. Let's continue!" Nagpatuloy silang dalawa sa pag-sparing. Pareho silang nahihingal, kalaunan ay pareho silang bumagsak sa sahig. Natalo si Dindo ni Amore kaya lang bumagsak din si Amore sa lupa gaya ni Dindo dahil hinatak siya ng lalaki. "Woah! So, Amore puwede na ba akong umuwi sa pamilya ko? Alam mo namang almost three months din silang nangugulila sa'kin. Kaya sana payagan mo na ako, please," ingos nito sa kaniya. "Sure, provided na magaling ka na talaga, natitiyak mo na bang kaya mo nang ipagtanggol ang sarili mo? Baka kapag nalaman nina Regor na bumalik ka na ay ipapadukot ka niya ka ulit." "I'm confidently sure, kaya ko nang ipagtanggol ang sarili ko. Thanks for the concern," wika ni Dindo saka tumayo na. Inilahad niya ang kaniyang kamay sa Amore para hatakin ito patayo. Tinanggap ni Amore. Nagpagpag siya ng alikabok sa damit. "Sige, kung iyan ang gusto mo! Hindi kita pipigilan. At kapag umuwi ka na, dapat laging may contact ka sa amin para sa lahat ng oras ay may back up ka, sakaling may gustong manakit o kumidnap sayo." "Sure, thanks! Ang galing lang, ikaw ang naging kaibigan ko," wika ni Dindo saka tumawa na parang ewan. "Hoy, anyare sayo?" "Wala, happy lang. Kaya let's get inside. Mag-iimpaki na ako ng mga gamit ko. I'm excited to go home tomorrow morning!" masayang saad nito saka pumanhik na sa loob ng hideout nila. Napailing na lang si Amore at natawa na rin. Nakalimutan na niya tuloy ang lungkot na nararamdaman kanina. Hindi pa naman kasi niya makuhang tawagan si Liam o e text dahil nahihiya siya sa lalaki at tiyak na pagagalitan siya ng kaniyang tiyuhin sa ginawa niyang pag-alis. Pumasok na rin siya at nakasalubong niya sina Astra. "Hey, kamusta na pala ang mga nasugatan? Magaling na ba silang lahat? Kasi bukas aalis na si Dindo kaya wala nang gagamot pa sa kanila." "So far, nagpapagaling na lang naman sila. They don't need a doctor to check their condition anymore," sagot ni Astra sa kaniya. "Okay, that's good. Sige, magpahinga na kayo. No work for today. I'll be better leaving," sabi nito saka nauna nang umalis. Napangiti naman sina Astra. "Yes!" sabi ng kaniyang mga kasamahan. KINABUKASAN ay maagang nagising si Dindo. Excited na siyang umuwi sa bahay nila. Nakahanda na lahat ng mga gamit niya kaya ready na siyang ihatid. "Wow, very excited?" wika ni Astra na sumulpot bigla sa likuran niya. "Yes, of course! Sino nga ba ang hindi excited na makaalis na rito? Aber? Siguro ikaw lang ang hindi ma-e-excite dahil mamimiss mo ako, no?" "Tss! Miss mo mukha mo. Sige na, ihahatid na kita sa bahay ninyo. Nasa labas na si Amore at sasama siya sa paghatid sa'yo. Sige na bilis!" Ang aga-aga na bad mood na tuloy si Astra dahil sa pang-aasar ni Dindo. Nasa labas na nga si Amore at nasa gilid ng kotse. "Halika na, 'di ba gusto mo nang umuwi? Tara na, let's go," wika ni Amore na sumakay agad sa backseat. Inilagay ni Dindo ang mga gamit sa back compartment ng kotse at agad na sumakay sa passengers seat. Pinaandar na ni Astra ang kotse at mabilis na pinatakbo. Hindi naman sila nagka-imikan hanggang sa makarating sa labas ng bahay nina Dindo. Mayaman ang pamilya nito. Malaki ang bahay nila. "Sige na, Dindo. Tawagan mo na lang kami kapag kailangan mo ng tulong," wika ni Amore. "Thanks for sending me home. See you next time around. Tumawag lang din kayo kapag kailangan niyo ang tulong ko at darating ako agad. Bye," sagot nito saka binuksan na ang pinto ng kotse. "Bye!" tipid na sabi ni Astra. "Iyon lang ang sasabihin mo? Hindi ba "I will miss you?" pabiro nitong sagot kay Astra. "Sige na, bumaba ka na Dindo. Miss your foot dude!" sarkastikong wika ni Astra na siyang tinawanan naman ni Amore. "Sige na Dindo, pumasok ka na sa bahay ninyo. Titingnan ka muna namin bago kami aalis, sige na," wika ni Amore na para bang pinagtutulakan na siya nitong umalis. Lumabas na siya ng kotse at nagdoorbell agad pagkarating niya sa may pinto. Bukas lang ang gate kaya dumiretso siya sa may pintuan. Pinagbuksan siya ng maid nila at halos mapatalon ito sa subrang saya. Iyon na lang ang nakita nila dahil isinara na ang pintuan ng bahay nina Dindo. "Grabi ang saya na siguro ng pamilya niya no, Amore?" walang tuon na tanong ni Astra sa babae. "Oo, mahal na mahal nila ang anak nila. Kilala ko na kasi ang pamilya niya. Magkaibigan na kami niyang si Dindo since I was 10 years old. Siya ang pumalit sa naging kaibigan kong si Lysander. Sige na umalis na tayo baka may makakita pa sa atin dito," pahayag niya. Astra revved the cars engine and drove off. PAGKAKITA ni Victoria na Ina ni Dindo sa kaniya ay napatakbo na itong lumapit at yumakap sa kaniya. Subrang saya nito ganun din ang ama niya na pagkakita sa kaniya ay napayakap din. "I miss you so much son," wika ng kaniyang ina saka niyakap siya nito ulit. "I miss you too Mom, Dad." "I miss you Anak," sabad ng kaniyang ama. Nagkayakapan sila ulit. This is the happiest day for them, ang magkakasama ulit ang buong pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD