Trinity Gonzalez's Point of View:
Oh My God. Did he just actually sent me a friend request on f*******:? Is he out of his mind na ba? As if naman na accept ko siya no!
Napailing iling na lamang ako dahil sa nangyari. I just scroll through my news feed and felt like I'm a bit sleepy na. I yawned and stretched my arms.
I was about to sleep when somebody called, it was Max. Aanswer ko na sana ang call but suddenly nawala ito.
"What the f**k?!" I exclaimed.
Oh My God Trinity! Why did you accept that guy's friend request ha! Grr. Even though accident lang naman ang pagpindot it's still your fault hmp!.
I opened my messenger and chatted Max tuloy. I hate him pero a little bit lang okay? Why did he dropped the call kasi agad agad. Napindot ko tuloy ang confirm accidentally.
For sure that Justin guy is nagcecelebrate na. Sino ba naman ang hindi matutuwa kung ang isang kagaya ko lang ang maga accept ng friend request ng isang mabaho at pangit diba?
Maybe he is thinking right now na gusto ko siya maging friend because I confirmed it. Correction pala I mean I 'accidentally' confirmed it. It's not on purpose kaya. As if naman want ko siya maging friend. Yuck!
Napairap na lamang ako and opened the convo of Max and I. Saw him active for about 4 minutes ago. Maybe he's playing Mobile Legends na. Urgh! That stupid kabit!
To Max:
'I was about to sleep na babe when you called.'
'Why did you ended it agad ba?'
'I'm just going to answer it palang eh'
'Okay. Maybe you are playing ML na. Matalo ka sana blep'
'I'm going to sleep na babe, Goodnight!'
Oh diba! I'm so sweet talaga. If hindi niyo alam, girlfriend material ako hehe. Super duper supportive partner ko kaya, dagdag ko na rin ang ma effort. Bonus na yung sexy, cute, at maganda.
Pero I'm really sleepy na talaga kaya matutulog na ako. Excited na ako for tomorrow kasi magkikita na ulit kami ni Max. I invited him pala para magshopping. It's so nakakaexcite!
--
"Hi Trinity!" Justin greeted.
Kakaupo ko pa lang sa chair ko and then he greeted me agad. Eww ha as if namang we're close. Tulak ko siya riyan eh.
"Eww. Whatever"
I just rolled my eyes and crossed my legs. Bakit ko siya babatiin ha? I don't even like him kaya. Huminga pa nga lang siya nakakainis na, what if pa kaya kung magsalita siya.
"Psh. Sungit talaga" narunong kong bulong niya.
Napataas ang kanang kilay ko at humarap ako sa kaniya. Argh! I hate him so much. Maganda ang mood ko a while ago and then may guts siya para siraan iyon? Lol ha.
"Are we close ba? Why do you keep on talking to me kase? Isn't it obvious ba na I don't like you? So epal ha." Naiinis kong tugon.
I saw him clenched his jaw sabay harap din sa akin at tumawa pa ng sarcastic.
"Hindi nga tayo close eh kaya nga kinakausap kita para maging close tayong dalawa. Ganda mo nga ang pangit naman ng ugali mo nuknukan ng kaartehan. Pasalamat ka kinakausap pa kita hays"
Wow ha just wow. Sinabi ko ba sa kaniya na want ko siya makaclose? He's so feelingero talaga ha! Pero he called me pretty naman diba? Even he can't deny it.
Oh My God Trinity, winner talaga ang beauty mo.
"Did you ask me ba if gusto kong maging close tayo? Kase kung tinanong mo ako for sure 'hindi' ang isasagot ko. Huwag ka ngang sipsip diyan! And besides alam kong maganda ako. You don't need to tell me naman." Sagot ko sa sinabi niya.
He was about to open his mouth pa nang biglang dumating si Mr. Sanchez. Buti nga ha para 'di na lumala ang usapan namin.
"Good morning class! I'm sorry for being late medyo traffic lang kase. Okay so alam kong kahapon lamang kayo nagkita kita at karamihan sa inyo ay hindi pa masyadong close or magkakilala masyado. Napagisipan ko na kung sino ang katabi niyo, sila mismo ang magiging partner niyo for this activity" He said.
Andami niya namang alam. Ano kami elementary for this such kind of activities ha? And teka lang, what did he just said? Kung sino ang katabi sila ang mag partner. So it means ba na itong epal na to ang kapartner ko? No way!
"You are my partner? Malas naman." Narinig kong sabi niya sa akin with matching iling iling pa.
"Duh. As if namang gusto kitang makasama sa activity na 'to. I have no choice kaya no! Feeling mo." Ani ko.
"Is there any problem Mr. Torres and Ms. Gonzalez?"
Nagulantang ako ng biglang minention ni Mr. Sanchez ang surname namin ni pangit. We said 'wala sir' on chorus witch matching tawa pa ng naiilang.
"Good. So tuloy ko na. In a long bond paper, isulat niyo ang pagkakakilanlan niyo sa inyong sarili pati na rin ang first impression ninyo sa inyong partner. Don't worry you don't need to explain it in front. Sa inyo lang 'yan. So uhmm Mr. Alfonso please pakipamigay ng long bond paper sa classmates mo."
Nakakainis ha. I saw that guy Mr. Sanchez mentioned stood up. Pumunta siya sa may table para kunin ang mga bond paper. Agad naman niya itong pinamigay sa amin at nang sa matapos siya, agad din naman kaming pinagsimula ni Mr. Sanchez.
So Trinity, how can you describe yourself ba? hmm. I'm pretty naman, spoiled siguro? shopaholic? Ano pa ba? Smart din. Argh I can't think of anything that can describe me. How come na hindi ko kilala ang sarili ko? Is it just me or what? Ang echosera ha!
"Tapos na ako, ikaw ba?" Justin asked me.
I rolled my eyes and gave him a look saying na 'huwag mo akong pakelaman bwisit ka'. Tinalikuran ko na lang siya and started to write anything I can think of about myself.
Sulat sulat sulat sulat and I'm finally done. So for the last naman, what is my first impression to Justin? Pinagiisipan pa ba 'yan? Of course 'epal, papansin, at mabaho' ang ilalagay ko.
"Ang tagal mo naman." Reklamo niya sa akin.
"Why so demanding? Learn to wait kaya." Sagot ko na lamang.
Nang matapos na ako sa pagsusulat humarap ako sa kaniya para makipag exchange ng paper pero before ko kunin ang papel niya, kinuha ko muna 'yong alcohol sa bag ko and gave it to him.
"Ano gagawin ko diyan?" He asked me with his eyebrows raising pa.
"Duh. Tinatanong pa ba 'yan? To kill germs sa kamay mo no! Baka may virus ka pa at mahawaan mo ko. Mas mabuti na 'yong safe ako." Pagrereklamo ko sa kaniya.
I handled him my alcohol and even heard him say 'ang arte'. Well hindi ako makikilala bilang si Trinity Gonzalez if I'm not like that. Sorry not sorry.
After he finished cleaning his hands, inabot na niya sa akin ang alcohol together with his paper. Inabot ko din sa kaniya ang papel ko. In fairness ha, his handwriting is neat.
I don't care about his description. Inumpisahan ko na lamang ang pagbabasa sa ginawa niya doon sa first impression niya about me. Nakalagay don 'mataray' and 'mayaman' which are both true.
"Oh papel mo. Your first impression for me is true. Mataray ako lalong lalo na sa 'yo. Che!"
Justin Torres' Point of View:
"Epal, papansin, mabaho" basa ko sa utak ko sa mga salitang nakalagay sa papel ni Trinity.
Ito talagang babaeng 'to kahit kailan hays. Kailangan ko ng sobrang habang pasensya para lang pagtimpihan 'tong babaeng 'to.
"Oh papel mo. Your first impression for me is true. Mataray ako lalong lalo na sa 'yo. Che!" Ani niya.
Kinuha ko na ang papel ko ang inabot din sa kaniya 'yong papel niya para isauli ito. Ang tagal kong inaabot ang papel pero hindi niya ito kinukuha.
"Kunin mo!" Uto ko sa kaniya.
"Duh. Hold it for me nalang tutal you are feeling close naman. Besides, you told me a while ago naman na I'm pretty diba? I know walang connect but hold it for me still. Suntukin kita sa face eh." Abnormal.
Napalalatak na lang ako at umiling iling. Hindi na akl nagsalita baka mamaya magkagulo na naman. Itong babaeng 'to kasi hindi nagpapatalo hays.
Okay na 'yong ako na lang tumahimik. Tinago ko na ang papel naming dalawa sa ilalim ng lamesa at akmang tutungo na sana ako nang biglang may tumawag sa akin.
"Pst! Huy! Justin! Huy Justin Torres!" Rinig kong pagtawag sa akin ni Elise.
I mouthed 'bakit' pero sinuklian niya lang ako ng tawa sabay taas pa ng gitnang daliri niya. Kita ko sa bibig niya ang pagbuka at nagsabi ng 'Bobo ka' ng walang tunog.
Hay nako. Naglipana ang mga abnormal na babae. Best friend ko nasiraan na rin ng bait, pati ba naman 'tong katabi ko? Girl nga naman.
"What are you looking at? So epal mo ha! 'wag mo nga ako tignan diyan, I'll melt." Trinity.
Napailing ako at natauhan gawa ng sinabi niya. Hindi ko siguro napansin na nakatingin ako sa kaniya gawa ng mga naiiisip ko. Isa pa 'to feelingera din ha.
"Hindi kita tinitignan diyan tsk."
"Whatever" tanging nasabi niya.
Nang matapos ang activity, lumabas na si Mr. Sanchez kasabay ng pagtunog ng bell. Recess na kaya tumayo na ako sa inuupuan ko para lumapit kay Elise na ngayon at nagaayos ng gamit.
"Pakibilisan naman oh!" Pabirong sabi ko sa kaniya.
"Ay ang arte ha! Nagmamana ka na doon sa katabi mo! HAHAHA" sagot niya sa sinabi ko.
"Baliw! Bilisan mo na nga andami mo pang sinasabi diyan."
Lumabas na kami ng room dalawa pagkakuha niya ng cellphone niya. Agad kaming nakahanap ng pwesto kaya tinanong ko na siya kung ano ang gusto niyang kainin para makaorder na.
Sinabi niya na sandwich ang kakainin niya at maghihintay na lamang siya sa pwesto namin para walang makaagaw. Tumango na lang akl bilang kasagutan at dumiretso na para umorder.