Chapter Three

1633 Words
Trinity Gonzalez's Point of View: "Awwe thank you so much babe, I love it ... like a lot" tuwang tuwa kong pagkasabi kay Max. Nakangiti lamang ako habang isinuot niya sa akin ang necklace na binigay niya from Versace. It looks so elegant. Manipis lang siya and it fits my style. Kahit siguro nakapambahay lang ako ay mukha na akong aalis kapag suot ko ang necklace na ito because it looks so fashionable. "I'm glad na nagustuhan mo. So what do you want to eat?" He asked me, giving me a warm smile. We left the campus a while ago kase tapos na ang school hours. Tutal it's our anniversary naman, we decided to go to the mall and eat. Antagal din naming naglibot because we can not decide kung saang restaurant kakain until nag suggest siya na sa Panda Express kami kumain. "Anything babe, I'm kind of full pa naman eh. I ate so many cookies kaya while you are driving diba?" I said. I texted Manong Rudy na kase habang lunch kanina because that time napagusapan na rin namin ni Max na we are going on a date. Manong Rudy is my chauffeur. He agreed naman because he knows Max very well. I told him na my boyfriend will send me home so they don't need to worry because I'm actually in safe hands. "Babe please? Pili ka na po. Ngayon lang tayo kakain ulit ng sabay oh, please please please." pangungulit niya. "Okay fine kahit ayaw mo, I will still order for you." Dagdag niya pa. Hay nako Max, why are you so makulit ba ha? pero sige na nga at kakain na rin ako. It's minsan lang naman eh, he's right naman. -- Andami ko nanamang nakain ha. Their Beef broccoli, Orange chicken and Kung Pao chicken are on fire. Ang sarap talaga as in! We left the store already at naglilibot naman kami ngayon sa mall. We are not PDA naman sa public unlike others na kulang nalang gawing motel ang lugar na kung saan magkasama sila. We are dating with class. "Babe sa tingin mo what will happen if one day hindi na tayo?" I asked him, pambasag lang ng katahimikan. "Hmm for sure hindi ako ganito ngayon. Siguro uhm magdamag akong nasa court playing basketball or playing video games haha! Ganon kase ako noong wala ka pa sa akin." he answered. He looked at me seriously and patted my head. Those eyes are so damn beautiful, I can see sincerity on him. "Bakit mo naman natanong?" Max added pa. Nagbuntong hininga na lamang ako at umiling iling. I crossed my arms and tumingin sa sahig ng mall. "Wala lang po, I can't see myself kase one day na gumising tapos hindi na tayo. It will be my first ever heartbreak and nightmare no." I said. "Hindi naman kita iiwan. Hinding hindi rin ako gagawa ng mga bagay na makakasira sa ating dalawa. Ngayon pa na ang swerte swerte ko na sayo tapos iiwan pa kita? No way! Haha." sambit niya. Kita ko ang pagka sincere niya sa mga salitang iyon. Ramdam ko talaga kung gaano niya ako kamahal. Sobrang swerte ko na sa lalaking ito at alangan namang iwanan ko pa. Ilang minuto ang lumipas at napagdesisyunan naming dalawa na umuwi na. Gabi na rin kase at ayokong magdrive siya ng madilim dahil mahirap na makakita. Hinatid na niya ako sa mansion namin. He hugged me tight and waved 'goodbye'. Bumaba na ako ng sports car niya and pumasok sa loob. "What a great day, Trinity" I said to my self sabay higa sa kama ko. Ang sarap sa feeling kasama si Max argh! Hinawakan kong muli ang kwintas na binigay niya. Dahil siguro kay Max, magkakaron ako ng collection ng accessories from Versace hahahaha sobrang dami na niyang naibigay. Justin Torres' Point of View: "Nay ako na ho r'yan. Maupo na lang ho kayo at mag relax. Ako na ang magwawalis para 'di kayo mapagod." Ani ko sa lola ko. Matanda na siya at ayoko siyang nakikitang napapagod. Mas okay na nagpapahinga na lamang siya nang sa gayon ay maalagaan niya ang sarili niya. Tatlo na lamang kami rito sa bahay. May kaya naman kami sa buhay dahil sinusustentuhan naman kami ng mga magulang ko na OFW sa ibang bansa. Ang mga pinapadala nila ay sapat na para sa pagkain namin sa isang buwan. Maayos naman ang buhay namin at kuntento na ako sa kung anong meron ako. Ang bahay namin ay hindi gaanong kalakihan pero kasya na kaming tatlo ng kapatid at lola ko. Gusto ko nga mag working student para kahit papaano ay makatulong ako sa mga gastusin pero ayaw ng nga magulang ko dahil bata pa raw ako. Alagaan ko na lang daw ang lola at kapatid ko. Wala naman akong magawa dahil magulang ko sila kaya bumabawi na lamang ako sa pagaaral. Nakatipid naman kami kahit papaano dahil sa scholarship ko. "Napakabait naman ng apo ko. Sobrang swerte naman ng iyong mapapangasawa. Siya sige na apo at ako'y magpapahinga na, pagpalain ka nawa.." Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Nanay Linda. Inalalayan ko siya para makapasok sa loob ng bahay at umupo sa sofa. Kinuha ko na rin ang remote para buksan ang TV nang sa gayon ay malibang siya. Nang masiguro ko na maayos na ang pwesto niya, lumabas na ako ulit at kinuha ang walis tingting na nakasandal sa pader namin. Nagwalis walis na ako sa aming bakuran dahil sobrang daming mga lantang dahon na nalaglag galing dito sa aming puno. "Kuya!" Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig kong tinawag ako ni Jamie, kapatid ko. "Bakit bunso?" Tanong ko sa kaniya. Binilisan ko na ang pagwawalis at dinakot ang mga dahon. Tinapon ko ito sa basurahan at lumapit na kay Jamie. "Kuya may assignment kami. Tulungan mo naman ako please huhu." nagmamakaawa niyang sambit. Napangiti na lang ako sa reaksyon niya. Sobrang cute talaga ng kapatid ko. Sarap lamutakin ng pisngi sobrang laki! "Sige bunso. Ano bang assignment mo?" Tanong ko. Umupo na ako dito sa may upuan sa terrace namin. Magkatapat kami ngayong dalawa at nasa lamesa naman ang isang notebook at ballpen. Feeling ko Math ito gawa ng mga numbers at ilang letra gaya ng 'x' at 'y' na madalas na nakikita sa mga equation. "Eto kuya hindi ko maisip ang sagot. Last number na yan eh. Nakakainis na okay?" Tinignan ko yung equation na tinuturo niya. Solving Linear Equations ang nakalagay. Kelangan hanapin ang value ng 'x' at ang equation ay '7x-6=50'. "8 ang sagot." Tugon ko. Tinanong niya ako kung paano daw naging eight ang sagot kaya pinaliwanag ko naman. -- "Bakit napatawag ka?" Tanong ko kay Elise mula sa kabilang linya. Busy ako kanina sa panonood ng vlogs nang biglang tumigil ang video dahil may tumatawag. Pagtingin ko kung sino, si Elise lang pala. "Wala naman namiss lang kita yie kilig ang p***t ni Justin HAHAHAHAHA!" At nakuha niya pang magbiro ha hahaha lakas talaga ng trip nitong babae na ito. "Baka gusto mong kaltukan kita ng malakas bukas dyan ha!" Tanging nasabi ko. Sumenyas ako sa kamay na para bang mangungutos dahil sa sinabi niya. Tinawanan lang niya ako at binaba na ang tawag dahil matutulog na daw siya. "Baliw talaga haha." Bulong ko sa sarili ko. Napatawa ako at umiling iling pa. Tinuloy ko na ang panonood ko ng vlog. Minuto ang lumipas nang matapos ito kaya napag pasiyahan kong magbukas na lang muna ng f*******:. Biglang may nag pop sa notification bell ko. Minsan lang 'to kaya huwag naman sanang mention sa comment para magpalike ng baby haha. 'New Friend Suggestion: Trinity Gonzalez' "Trinity Gonzalez? Teka para familiar siya." bulong ko sa kawalan. Hawak hawak ko ang baba ko. Pinindot ko ang profile niya para mas lalong makita yung mukha niya. Aha! Sabi ko na nga ba kilala ko 'to. Siya yung masungit kong kaklase. Ito yung magandang babaeng kahati ko sa lamesa pero may pagkasama ang ugali. I-add ko kaya? O wag na? Hays. 'Add Friend' *click*, 'Friend request sent.' "Hays okay lang yan Justin. Inadd mo lang naman para makipagkaibigan." ani ko sabay buntong hininga. Seatmate ko siya. Bago lang ako sa Campus Sourire at ayoko namang magmukhang masungit at snobber. Hindi naman siguro masamang makipagkaibigan sa babaeng ito. "Ma stalk nga." Scroll lang ako ng scroll sa timeline niya nang mapansin kong mayroon siyang panibagong post na picture na may caption na 'Blessed. Thank you for the necklace Max Smith, ILYSM'. 'Just now' ang nakalagay sa post niya pero grabe inabot kaagad ng 57 reacts samantalang ako 1hr ago na yung inupload kong picture dalawa lang react ang masama naka 'haha' pa. Papatayin ko na sana ang phone ko dahil inaantok na ako pero bigla nanamang may nagnotif kaya tinignan ko muna yun bago ako umayos ng pwesto. 'Trinity Gonzalez accepted your friend request. Tap to say hi to your new friend.' Ay naks 'di naman pala snobber 'tong si Ms. Sungit, kala ko pa naman maf friend request zone ako haha. Pindot lang ako ng pindot nang biglang maghang yung phone ko. "Badtrip naman oh! Tangina." I cussed. Hindi ko na mabuksan hays. Hayaan ko na nga muna at bukas ko na lang aayusin. Kabatrip naman oh. Napailing na lamang ako sa nangyari at pinatong na 'yong cellphone ko sa katabi kong lamesa. Oras na nga siguro para matulog. Umayos na ako ng pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot. "Trinity Gonzalez" Aish. Bakit ko ba naiisip 'yong babae na 'yon? Samantalang ubod naman ng kasungitan at kasupladahan hays. Oo aminin nating maganda siya pero taob naman sa ugali pati may boyfriend 'yong tao Justin hays. Teka nga, ano ba 'tong mga sinasabi ko? Naku naman! Dala lang siguro ito ng antok. Bahala na nga, makatulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD