Masakit ang ulo ko nang magising ako kinaumagahan. I feel so weak and sick. Wala akong ganang pumasok ngayon. I am still in distress of what had happened yesterday. Kinapa ko ang dibdib ko. I am so badly hurt. Napakasakit pala ang tanggihan ng mahal mo. Now I know the feeling of being rejected. Ilang manliligaw na ba ang binasted ko?Ni hindi ko na mabilang sa daliri ko. Imagine, Andrea Montenegro was turned down for the first time. I am sure kung malalaman ng mga kaibigan ko sa states they will surely mock at me. I am known in my junior high school in US to be snob and heart wrecker. Now, I was the one wrecked by a nobody. Nakakatawang isipin o kinakarma na yata ako. But not accepting or entertaining tutor while I am still minor is acceptable. Kahit naman nasa liberated country ako that time, I am still used to be a dalagang Pilipina. I value the chastity and of course my self love. But now, I don't know what is happening to me. Jeffrey really invaded my mind, body and my soul. I am determined to get him ke sahodang may masagasaan ako. I am turning 18 next month. I want him to be my escort. I hope Dad will grant my wish. May namuong plano sa isip ko. Napangiti ako sa iniisip. Okay, its time to forget what had happened yesterday. It was just a trial. Hinamig ko na ang sarili ko at naghanda ng pumasok. Hindi ata mabubuo ang araw ko na hindi ko sya nakikita.
"Hey Andrea!!!" sabay na tawag sa akin ng dalawang matalik na kaibigan ko na sina Alexis at Althea. Agad naman akong napalingon sa dalawa at sumibol ang ngiti sa aking mga labi. Buti na lang may mga kaibigan akong nagpapagaan ng loob ko. Awra pa lang ng nila e nakakagaan na ng loob. Agad kong niyakap ang dalawang kaibigan.
" Hey, ang clingy naman natin ngayon," pansin ni Alexis at agad hinuli ng tingin ang aking mga mata.
"Oh my Gosh! What happened dear?" nag-aalalang tanong ni Alexis. Hinagod naman ako sa likod ni Althea. Mabilis talagang makasense ang dalawang kaibigan ko kung mayroon mang bumabagabag sa akin o kung may problema ako. Inaya ko sila na pumunta sa isang coffee shop na malapit lang sa school. Agad naman silang sumang-ayon.
" Hey, whats up now?" tanong ni Alexis habang matiim ang titig sa akin.
" You seems so hurt and bothered. Your eyes tell it all," puna ni Althea.
Napabuntung hininga ng malalim si Andrea. Mabilis na nag-unahan sa pagpatak ang aking mga luha. Naninikip ang dibdib ko sa tuwing naalala ko ang bawat masasakit na salitang binitawan ni Jeffrey sa akin kahapon. Mabilis naman akong nilapitan at niyakap ng dalawang kaibigan.
"Just let it out dear. Just cry hanggang sa mailuha mo na lahat." alo ni Althea.
" We are just here for you Andrea." madamdaming wika ni Alexis. Hinintay nilang mahimasmasan ako. I saw in my peripheral vision na nakakaagaw na ako ng pansin sa mga estudyante sa kalapit table namin. They keep on looking at me. I am just sobbing while my friends are just keep on hugging me at my back. Napakaswerte ko talaga sa mga kaibigan ko.
Nang mahimasmasan ay unti unting naikwento ko sa kanila ang nangyari kahapon maliban na lamang sa mga intimate moments namin ni Jeffrey. Mataman namang silang nakikinig sa mga sinasabi ko sa pagitan ng pagluha.
" You know Andrea, you deserve someone else. That jerk don't deserve your affection," galit na turan ni Alexis. Umiling ako at mas lalong nagpatakan ang mga luha ko.
" Alexis, lalo mo lang pinapasama loob ni Andrea e. No, you should make a move before its too late. Hindi pa naman sila kasal para mawalan ng pag-asa," salungat na payo ni Althea. Pinanlakihan lang ni Alexis ng mga mata si Althea. Nagliwanag naman ang mga mata ko sa sinabi ni Althea.
" Yeah I should make a move. Malapit na ang birthday ko. I need to talk to Daddy," determinadong sabi ko. Sabay naman napatingin ang dalawa sa akin na may nagtatanong na mga mata.
" Care to tell us your plan?" nakataas ang kilay na tanong ni Althea.
Umismid naman ako. Ngayon medyo nahimasmasan na ako. Thanks to my friends na dumamay sa kagagahan ko. I composed my self before uttering some words to them. I cleared my throat before saying my plans to them.
"Ughm....I don't know how to say this. Ahm...." nagdadalawang isip pa ako sa iniisip.
"I know this move that I am thinking is just so stupid and desperate but this is the only way I can have him," I paused a moment before pointing what I want to tell. Mataman naman silang nakikinig at nakatitig sa akin. They are both eagerly interested in every words that coming from my mouth.
"I want to ask Daddy to be married to Jeffrey. It is my birthday wish," deretsa kong pahayag. Nanlalaki naman ang mga mata ng dalawa at halos di makapaniwala.
"Whaaaaat!!!" sabay na pasigaw na sigaw ng dalawa sa akin.
" Hey lower your voice. Someone might hear us," pagsaway ko sa kanila.
" My god Andrea, that so absurd and an extremely desperate move!" nababahalang sabi ni Alexis. Shocked and disbelief was written all over their faces.
"Yeah, I am so desperately loving that man. I can sacrifice my singleness, my freedom and my future," tugon ko. Althea cover her hand to refrain herself from shouting in shock.
"That is really an insane plan!" wika ni Alexis.
"How can you be so sure that Jeffrey will gonna marry you? She has Trina, her girlfriend?" tanong ni Althea.
"Malaki ang utang na loob ni Jeffrey kay Daddy. Si Daddy ang nagpapaaral sa kanya. I know, he wont say no." I confidently said. I smirked and smile afterwards. Nagkatinginann naman ang dalawa.
Pagkatapos ng klase namin ay nagmamadali akong pumunta sa Gym. May praktis ngayon si Jeffrey. I want to see him. I miss him already. Mabilis ang lakad ko papunta sa Gym na di naman kalayuan sa classroom ko. Di ko na pinansin ang pagtawag ng dalawang kaibigan. Pinagtitinginan naman ako ng mga estudyanteng nadadaanan ko. I did'nt mind them. Isa lang ang gusto kong gawin ngayon, ang masilayan ng mga mata ko ang mahal ko. Nasa labas pa lang ako ng gym ay naririnig ko na ang tunog ng bola at ang paglalaro ng mga basketbolista. Inayos ko muna ang buhok ko at at ang damit ko bago ako pumasok sa Gym. Tamang tama na pagpasok ko ay pagshoot naman ng bolang hawak ni Jeffrey. I heard the giggles of girls especially ang malakas na sigaw ni Trina.
"Yohoo!!! Ang galing naman ng boyfriend ko!" sigaw ni Trina at nagtatalon pa. Kasama nito ang mga barkada nitong nakaupo sa ikalawang palapag ng bench. Huling huli ng mata ko ang pagflying kiss ni Jeffrey kay Trina. Sabay naman ng sigawan ng mga tao sa tagpong iyon. I feel a pang of pain on my chest with what I saw. Masakit maibalandra sayo ang katutuhanan na ang tinatangi mo e may itinatanging iba. Napahinto ako sa paglalakad. Hindi ko naiwasan ang mapayuko. Parang maiiyak ako na hindi ko mawari. Gusto ko sanang umatras at umalis na lang nang biglang may tumawag sa akin.
"Hey miss Muse!" sigaw ng kasama ni Jeffrey. Kung hindi ako nagkakamali, sya ang point guard ng kanilang team. Lahat naman ng mga taong naroon ay napunta ang atensyon sa akin. I composed my self and paint a sweet smile on my face.
"Hi!" maikli kong bati sa kanila. I waved my hands like a Ms Universe. Feel na feel ko naman ang pagwagayway ko sa kanang palad ko. Tuloy tuloy ang paglalakad ko na para talagang sasali sa Ms Universe. Sinadya kong eexaggerate ang paglalakad ko para mapansin pang lalo. Lihim naman akong natutuwa sa matang halos ayaw lumubay sa akin. Nahinto sila sa paglalaro at sa akin na lahat nakatutok ang mga paningin.
" Hey guys lets get back to court!" malakas na sigaw ni Jeffrey na nagpagising sa nahihipnotismong tingin ng mga kasamahan nya. Nagtama naman ang aming mga mata. Napakatalim ng mga matang ibinato nya sa akin. Ngumisi sya ng nakakaloko sa akin pero agad ding nyang inalis ang titig nya. Dahil sadyang maldita at papansin ako mas lalo ko syang iinisin. Lumapit ako sa bench malapit sa grupo ng girlfriend nya. I just wore croptop and mini skirt pero hindi naman bastusin. My top doesn't shows too much skin and my skirt is below the knee pero agaw pansin parin dahil sa maladyosang hubog ng katawan ko. Ang mas nakakaagaw ng pansin sa akin ay ang kagandahan kong hindi nakakasawa. In my peripheral vision, halos lahat ng studyante, mapababae man o lalaki ay sa akin na nakatingin. Wala na ang pansin nila sa laro. Ang grupo naman nila Trina ay sa bawat galaw ko nakatutok. Nagtataka siguro sila at napadpad ako dito ng mag-isa. I also saw how Trina smirked on me. Hindi ko na lang pinansin. Naririnig ko din ang iba't- ibang komento ng mga kapwa ko estudyante.
"Grabe! subrang ganda nya. Kahit anong suutin bagay na bagay. Para lang tayong nakakita ng totong barbie doll ah." komento ng isang babae sa bandang likod ko.
" Hindi lang maganda napakasexy pa. Buti wala syang bodyguard ngayon at nakapagtataka wala yung dalawang bestfriend nya," sabat naman ng isang estudyante.
" Sabi nila mabait daw sya at napakasweet. Sa kanila kasi nagtatrabaho ang Tita Agnes ko. Hindi daw palautos at napakagenerous sa mga katulong." kwento naman ng isang kasamahan ng isang grupo sa kaliwa ko. Masarap sa pandinig ang mga komento nila. Napangiti akong lalo. Nang makashoot ang isang kasamahan ni Jeffrey na may hitsura at hindi naman nalalayo ang kagwapuhan kay Jeffrey ay sumigaw ako ng " Wow ang galing!" Naghiyawan naman ang mga kasama nya dahil sa pagchecheer ko. Kumindat naman sa akin ang lalaking yun na tinapunan ko ng flying kiss. Hinuli naman nito ang flying kiss ko at inihalik sa palad. Naghiyawan lalo ang mga estudyante. Para silang nakakita ng bagong love team sa amin. Nahuli ko naman ang nanggagalaiting tingin ni Jeffrey sa gawi ko. Mas lalong tumalim ang tingin nya sa tuwing gumagawi sa akin. Halatang wala na sya sa mood sa paglalaro dahil laging sablay ang mga bola nya. Ang lalaki namang binigyan ko ng pansin ay lalong nagpasiklab sa akin. Halos lahat ng tira nya ay pasok. Humingi ng break ang grupo ni Jeffrey. Hindi naman nakaligtas sa aking paningin ang kasweetan ni Trina sa kanya. Mabilis na lumapit si Trina at pinunasan ang tagaktak na pawis sa katawan ni Jeffrey. Hindi pa nakuntento ay naghalikan pa ang dalawa. Parang walang tao sa paligid kung maghalikan dahil halos hindi na maghiwalay ang mga labi. Ang nakakainis sa akin nakatutok ang mga mata ni Jeffrey habang nakikipaghalikan kay Trina. Sinasadya nyang pagselosin ako. Nagpupuyos naman ang loob ko sa inis. Mas masakit sa malapitan ang ginagawa nila. Naikuyom ko ang mga palad ko. Pero hindi ako magpapadaig. Mabilis akong nakaisip ng idea. Tinawag ko ang gwapong lalaking binigyan ko ng flying kiss kanina. Mabilis naman syang lumapit sa akin na may malawak at nakakaakit na ngiti. Kinuha ko ang panyo sa bag ko at inihandang ipunas sa pisngi at katawan ng lalaking ngayon ay nasa harap ko na.
"Hey Andrea, I am Josh," pagpapakilala nito na nakalahad ang kamay. Wala namang pag-aalinlangan kong inabot ang kamay nya. Ramdam ko ang mahigpit nyang hawak sa kamay ko na may kasamang pagpisil. Hindi na bago sa akin ang the moves ng mga lalaking fuckboy na kagawa ng lalaking nasa harap ko ngayon.
"Oh!Hi," maarte kong bati sa kanya. Agad ko namang binawi ang kamay ko sa pagkakahawak nya.
" Thanks for the cheer. You fire up the mood" aniya na may nakakahalinang ngiti.
" You played great Josh. Nice meeting you," sabay ng matamis na ngiti na nagpalabas sa dalawang dimples ko. Lalo namang namangha ang tingin ni Josh. Halos di na mapuknat ang titig sa akin. Itinaas ko ang panyong hawak ko at ipinakita sa kanya. Namula naman sya sa ibig kong ipahiwatig.
"Wow sure. I like that!" at lumapit pang lalo sa akin para masimulan ko ang pagpunas sa tagaktak nyang pawis sa mukha at katawan. Hmmm...hindi rin pala ito pahuhuli sa gandang lalaki. May mapuputi at pantay na ngipin. Bughaw na mata at halatang may dugong foreigner, pointed nose at mapupulang labi. Hindi rin pahuhuli sa ganda ng katawan. May six pack abs din. Hindi na masama. Sinimulan ko ng punasan ang mukha nya, pababa sa leeg nya at sa nag uumigting nyang pandesal. Nang nasa dibdib na nya ang panyong hawak ko ay bigla namang sumigaw ng malakas si Jeffrey na nagpahinto sa ginagawa ko.
" Hey guys back to court!!!" sabay ng palakpak nya. Walang isa man ang gumalaw dahil lahat pala ng mga estudyante ay sa amin nakatingin. Narinig ko na lamang ang malakas na hiyawan ng mga kasamahan ni Josh.
"Wow pare sana all!!!" hiyaw ng mga kalaro nya. Mabilis ko namang inihinto ang pagpupunas sa lalaki at ibinigay dito ang panyo ko sabay ng napakatamis na ngiting nang-aakit at mapupungay na mata. Sinadya ko iyon dahil alam kong sa amin nakatingin ang matatalim na mata ni Jeffrey.
Dinala naman ni Josh ang panyo sa ilong nya at inamoy ang amoy nito sabay ng sigaw na Yohoo.
" Thanks Andrea... ang bango mo!" dagdag pang sigaw nito na ikinabigla ko. Namula ako sa sinabi nya. Hindi ko sinasadyang nakagat ko ang labi ko. Nang napadako ang tingin ko kay Jeffrey huling huli ko ang nakakamatay nyang titig sa akin. Bumaba ang titig nya sa mga labi ko. Irap naman ang iginanti ko sa kanya. Hmp!!!akala nya ha. Hindi lang sya ang lalaki sa mundo. Lintek lang ang walang ganti.