Prologue
"Andrea, bat ngayon ka lang? kanina pa kami naghihintay sayo!" naiinis na sabi ni Alexis, ang isa sa mga matalik na kaibigan ni Andrea. Nasa tambayan sila ngayon na sadyang pinagawa ng magkakaibigan na matatagpuan sa likod lamang ng faculty room. Dahil sadyang mayayaman at kilala ang pamilya ng magkakaibigan, nabigyan sila ng sariling tambayan inside school vicinity.
"Ah e... napadaan ako sa basketball court e," halata ang pumumula sa mukha ng dalaga.
Nasa unang taon pa lamang sa kolehiyo ang magkakaibigang Andrea, Alexis at Althea. Nabibilang ang magkakaibigan sa mayayamang pamilya sa kanilang lugar. Ang ama ni Andrea ang alkalde sa kanilang lugar, ang pamilya naman nila Alexis ang may ari sa malalaking negosyo at ang ama naman ni Althea ang isa sa pinakamagaling na judge.
Hindi itulak kabigin ang kagandahan ng magkakaibigan. Kaya't sa tuwing magkakasabay sa paglalakad ang tatlo halos lahat ng atensyon ng mga kapwa nila estudyante ay nasa kanila.
" Sino ba kasi ang pinupuntahan mo doon? E halos mga lalaki ang nandoon ah!" tanong ni Althea. Tumaas ang isang kilay nito at nagdududang pinagmasdan ng maigi ang magandang mukha ng kaibigan.
"Wala, may hinanap lang ako, “ umiwas ang tingin ni Andrea sa mga kaibigan. Hindi siya sanay na magsinungaling. Basang basa naman nina Alexis at Althea ang pagsisinungaling ng kaibigan. "Sino nga ang hinahanap mo?" kulit ni Alexis at tila tinutukso ang kaibigan.
"Hmm… baka naman may nagugustuhan kang basketball player dun. Lagot ka Andrea, magagalit ang Daddy mo pag nalaman nyang nakikipaglandian ka,"
"Alam nyo ang kulit nyo. Paano naman ako makikipaglandian e ni hindi nga ako matapunan ng tingin ng Prince Charming ko," malungkot na pahayag ni Andrea.
"Ano!?" sabay na tanong ng dalawa.
"Sa ganda mong yan di ka pinansin," natatawang sabi ni Alexis.
"Care to share with us? Sino ba ang lalaking yun? Aba ikaw kaya ang pinakamaganda sa eskwelahang ito Andrea. Paanong di ka man lang napansin," naguguluhan ang mukhang sabi ni Althea.
"Grabe naman ito kung makapagsabi ng pinakamaganda. Totoong kaibigan ko talaga kayo. Hahaha oh hayan piso para sayo!" sabay abot ni Andrea ng piso coin kay Althea.
"Sino ba kasi ang napupusuan ng mura mong puso Andrea?" kulit na tanong ni Alexis.
Napaupo si Andrea at nangalumbaba. Unang kita pa lamang nya sa Prince Charming nya ay nakaramdam na agad sya ng kakaibang kaba. Hindi nya maintindihan ang kabang nadarama nang unang magtama ang kanilang mga mata. Naganap ang lahat noong isang araw habang nasa locker room sya. Nakita nyang may kahalikan ang lalaki. Huminto ang mga ito nang mapansing may nakatingin sa kanila. Hindi naman sinasadya ni Andrea na makita ang paghahalikan ng mga ito dahil nakatuon ang kanyang pansin sa mga librong kinukuha nya sa kanyang locker. Nang isasara na nya ito ay agad nabungaran ng kanyang paningin ang halikan ng dalawang nilalang sa dulo ng locker room. Agad syang humingi ng paumanhin pero hindi nya maintindihan kung bakit di nya napigilan ang mapatitig sa lalaki. Matangkad, matangos ang ilong, mapupulang labi at nangungusap na mata. Kulang ang salitang gwapo dahil talagang makalaglag panty ang kagwapuhan nito. Nalaman nyang star player pala ng basketball ang lalaki. Ang kahalikan nito ay ang girlfriend nito nang halos 4 na taon na. Naikwento nya ng detalyado ang naging unang ingkwentro nila ng lalaking napupusuan sa kanyang mga kaibigan.
"Naku Andrea, may girlfriend na pala sya e. Maghanap ka na lang ng iba," nadidismayang pahayag ni Althea.
"Oo nga friend. Huwag mo pahirapan ang sarili mo sa lalaking iyon. Puppy love lang yan. Naniniwala ka parin ba sa love at first sight?" tanong ni Alexis.
"Siguro nga love at first sight yun," malungkot na pag amin ni Andrea.
"Hindi naman na sya mawala sa isip at puso ko simula noong magkatitigan kami. Alam mo yun? Yun bang mabilis ang pintig ng puso mo pag nakita mo sya. Para na nga akong tanga kakaisip sa kanya e. I was suddenly smitten by his charm," kinikilig na pahayag ni Andrea.
"Grabe ha. Gwapo talaga. Aba e kailangang makita at makilala namin ang lalaking yan. Alam mo ba ano ang pangalan nya?" tanong ni Alexis
"Sya si Jeffry Fuentes,”mahinang bigkas ni Andrea.
"Ha!" sabay na sigaw ng dalawang kaibigan.
“Aba friend, sikat na sikat yan dito sa school. Magaling na magbaketball e, matalino pa. Dagdag points pa yung subrang gwapo nya pero hindi naman sya nababagay sayo dahil hindi sila mayaman. Hindi sya pasado sa Daddy mo," banat ni Alexis
" Oo nga, Kung sakali mang mapansin ka nya, at kung maging kayo. Ano naman ang ipapakain sayo? Bola?" dagdag ni Althea.
"Grabe naman ang mga ito. Kung makahusga sa mahirap. E ano naman kung mahirap lang siya. Ang importante masipag sya at responsable. At saka mga friend subrang advance naman kayo mag-isip. Nakarating na agad sa kung ano ipapakain," pagtatanggol ni Andrea
"Aminin man natin o hindi, alam mo na ang sagot sa ganyang bagay Andrea. Masyadong matapobre ang mga pamilya natin. Sa akin nga pinagbantaan na ako ni Daddy e. Wag daw akong makikipagboyfriend kung sa mahirap lang daw," malungkot na pahayag ni Alexis.
"Miss Andrea Montenegro," tawag ng kanyang prof sa PE class. Sabay na napatingin ang magkakaibigan sa kanilang professor. May iniabot itong sobre.
"That's from sports department Miss Montenegro," wika ng kanilang prof. Agad kinuha ni Andrea ang sobre at binuksan. Napasinghap sya sa nabasa. May invitation para sa kanya na maging muse sa basketball team sa kanilang university para sa gaganaping interschool basketball competition. Napapikit si Andrea dahil sa naisip. May chance na makilala at makahalubilo nya ng personal ang lalaking iniibig. Napansin ng mga kaibigan ang ngiting nakapagkit sa mga labi ni Andrea kaya nakibasa din ang mga ito sa invitation letter na nasa kamay niya.
"What!?" sabay na sigaw ng mga kaibigan. Napatutop ang mga ito sa mga bibig sa subrang pagkabigla at agad kinilig sa mga iniisip.
"Congratulations friend. Hindi nakapagtataka na may invitation ka kasi takaw pansin talaga ang ganda mo. Kitam napansin ka ng sports committee," daldal ni Alexis.
"Naku mga friend, sana mapansin nya talaga ako. Excited na ako. Samahan nyo ako mamaya pinapapunta ako sa opisina ng sports department. Kakausapin ako ng coach nila,"
"Aba sama talaga kami dyan," sabay na pahayag ng dalawang kaibigan.