3rd Person POV
Wala sa laro ang buong atensyon ni Jeffrey dahil binabagabag sya ng kanyang pag iisip tungkol sa kanyang girlfriend na si Trina, ang kanyang childhood sweetheart. Nag away sila noong nakaraan. Hindi nya nagustuhan ang pagninight out nito kasama ng mga kaibigan nito sa isang restobar. Nalaman nya ang pangyayari dahil may nakapagsabi sa kanyang kaibigan na nakita daw umano nila si Trina na umiinon kasama ang mga kaibigan. Inis na inihagis nya ang bola. Hindi nya napansin na tumama ang bola sa paparating na grupo ng mga babae.
Narinig na lamang nya ang malakas na tili ng mga babae. Agad nyang dinaluhan ang mga ito. Hawak hawak ng babae ang kanyang ulo dahil natamaan ito ng bolang inihagis nya. Namumula ang noo nitong napakakinis at napakaputi.
"Miss sorry hindi ko sinasadya," hinging paumanhin ni Jeffrey. Nang mapatingin ang babae sa kanya ay agad nagtama ang kanilang paningin. Naramdaman ni Jeffrey ang kakaibang kiliti at kaba sa kanyang dibdib na di nya maintindihan. Namukhaan kaagad nya ang babae. Sya ang babaeng nakakita sa kanila ni Trina habang naghahalikan. Sino ba naman ang hindi makakaalala sa napakagandang mukha ng babaeng yun at nasa harapan pa nya ngayon. Aminin man niya o hindi nagagandahang sya sa babae.
"Ah e.. okey lang po ako," mahinhing sagot ng babae. Sa pagkakatanda nya Andrea ang pangalan ng babae dahil kilalang kilala ito sa kanilang eskwelahan dahil sa maganda na ay anak pa ito ng kanilang Mayor na kanyang ninong.
"Dalhin na kita sa clinic,” agad nyang pinangko si Andrea at dinala sa clinic na malapit lang sa gym. Nasamyo nya ang napakabangong amoy ng pabango nito. Halatang namumula ang buong mukha nito.
"Ay mister pakibaba mo ako," nahihiyang turan ni Andrea.
"Wag ka ng tumanggi, malapit lang naman ang clinic, sumunod na lang ang mga kaibigan mo," mahinang bulong ni Jeffrey. Walang nagawa si Andrea kundi ang kumapit na lamang sa batok ng lalaki. Halos hindi makahinga si Andrea dahil yakap yakap nya ngayon ang lalaking pinapangarap. Kung pwede lang na sumigaw ng malakas at maglulundag ay ginawa na nya. Napatingin si Andrea sa mga kaibigan na lihim na kinikilig para sa kanya. Pagdating sa clinic ay dahan dahan syang ibinaba ng lalaki sa kamang naroon. Hayts kung pwede lang ay mabangga sya parati ng bola para magkaroon sila ng chance ng lalaki na magkalapit ay hihilingin nya.
"Ah e.. salamat ha," kiming pahayag ni Andrea na halata ang pamumula ng mukha.
Halos hindi sya humihinga nang pangkuin sya ng lalaki.
“Walang anuman. Ako nga dapat ang huminge ng pasensya sa nangyari. Sorry ha di ko napansin ang pagdating ninyo. Saan ba ang punta nyo at bakit nasa Gym kayo?" tanong nito. Halos hindi naman kumukurap si Andrea habang nakatitig sa mukha ng lalaki. Tahimik naman na kinikilig ang dalawang kaibigan sa tabi. Sasagot sana si Andrea nang biglang dumating ang nurse upang asikasuhin sya. Ipinaliwanag ng binata sa nurse ang nangyari. Agad naming ineksamin ng nurse ang lagay nya. Tinanong kung nahihilo ba sya o may nararamdam syang sakit. Kung pwede lang sabihin sa nurse na para syang hihimatayin sa subrang kaba ng kanyang dibdib ay sinabi na nya pero nahihiya naman syang marinig ito ng lalaki. Hindi sya makapaniwalang nasa harap nya mismo ito.
"Ah miss Nurse medyo masakit lang po ang noo ko. Parang nabukulan ata ako ,." pahayag mi Andrea. Agad naming nilapatan ng lunas ng nurse ang bukol sa kanyang noo. Hindi parin umaalis ang lalaki hanggang sa matapos syang gamutin ng nurse.
" Saan pala ang punta nyo?" agaw pansin ni Jeffry sa kanya.
" Ha!? A eh…sa ah sports department sa-na" kanda utal na sagot ni Andrea.
"Ah ganun ba..samahan ko na kayo," alok nito. Inalalayan siyang bumaba sa kama ni Jeffrey. Di sinasadyang nagkadaiti ang kanilang palad. Parang may kuryenteng dumaloy sa kamalayan ni Andrea sa simpleng pagdidikit ng kanilang mga kamay.
"Hmm… by the way I am Jeffrey Fuentes," sabay lahad nito ng kamay. Tinapunan ng tingin ni Andrea ang palad nito sabay ngiti at tanggap sa palad ng binata.
"Andrea Montenegro," namumulang pakilala ni Andrea. Pinakawalan ni Andrea ang pinakamatamis na ngiti na nagpalabas sa dalawang biloy nya sa pisngi.
"Ah may dimples ka pala. Ang cute mo naman," humahangang sambit ni Jeffrey hindi alintana ang presensya ng nurse at dalawang kaibigan ni Andrea. Lalong namula ang mukha ni Andrea sa pahayag ni Jeffrey. Ang dalawang kaibigan naman ay halos himatayin sa kilig. Matagal na binitawan ni Jeffrey ang kamay ng dalaga sabay pisil nito. Nakaramdam ng isang libong kuryente si Andrea na dumaloy sa kanyang dugo. Hindi nya maintindihan ang pakiramdam. Naramdaman naman ni Jeffrey ang paninigas ni Andrea.
"Ano pala ang sadya nyo sa sports department? Si coach ba ang sadya nyo?" tanong nito.
" Ah eh… oo si Coach Louie sana. About sa invitation letter na ipinadala nya sa akin"
sagot ni Andrea.
"Wow congrats!!!Meaning ikaw ang muse namin this year," napapantiskuhang pahayag ni Jeffrey.
Walang pasidlan ang saya ni Andrea dahil sa wakas ay napansin sya ni Jeffrey, ang lalaking napupusuan nya. Kinuha ni Jeffrey ang celphone number nya kanina at ngayon nga ay excited syang makatanggap ng anumang text o tawag mula rito. Masayang masaya ang mga kaibigan para sa kanya.
Nagdaan ang isang linggo na ni tawag o text man lang ay walang natanggap si Andrea mula kay Jeffrey. Nahihiya naman syang pumunta sa gym tuwing practice game ng mga ito dahil maraming lalaki ang nagpapapansin sa kanya at ayaw naman nyang makaistorbo sa paglalaro ng mga ito.
Dumating ang araw ng laro ng kupunan nila Jeffry kalaban ang isa ring sikat na university.
Ipinasuot sa kanya ang isang sports attire na terno. Maikli ito at kitang kita ang magandang hubog ng kanyang katawan at makikinis na binti. Naglagay lamang sya ng light make up pero mas lalong nagpadagdag sa angkin nyang ganda. Ano nga bang panama ni Marian Rivera sa ganda nya. Pinaghalong kastila, amerikano at Pilipino ang kanyang lahi. Matangkad, maputi, may matangos na ilong na angkop na angkop sa hugis ng kanyang mukha. Idagdag pa ang kanyang dalawang dimples sa pisnge na lalong nagpadagdag sa kanyang karisma. Mahihiya atang tumabi sa kanya ang mga sikat na artista. Ika nga ng kanyang mga kaibigan pwedeng pwede na syang ipanlaban sa Miss Universe sa angkin nyang ganda at talino. Pero subrang istrikto ng kanyang ama nungkang payagan syang sumali sa mga patimpalak ng kagandahan.
"Grabe friend, nakakahiyang tumabi sayo. Subrang sexy at ganda mo e. Talaga bang 17 year old ka lang. Aba dalagang dalaga ka na friend," napapantiskuhang saad ni Alexis
"Alam mo matotomboy ako sayo Andrea.hahaha!! Ewan ko lang kung di ka pa pansinin ni Jeffrey nyan. Subrang manhid na sya pag di pa napansin ang alindog mo," nangingiting pinagmasdan sya ni Althea mula ulo hanggang paa.
" Girls para namang ako lang ang maganda. Ang gaganda at sexy nyo rin kaya," balik papuri nito sa mga kaibigan.
"Mana nga pala kami sayo" natatawang sabi ni Alexis
Pinagsalikop ni Andrea ang mga kamay tanda ng kanyang kaba.
"Friend kinakabahan ako. Sana man lang kausapin nya ako," pahayag ni Andrea.
"Aba dapat lang friend. Itanong mo na din kung bakit di man lang sya nagparamdan matapos nyang kunin ang number mo. Sa dinami dami ba naman ng gustong makuha ang number mo e sya lang ang bukod tanging binigyan mo ng number tapos ang siste dinedma ka lang?" mahabang lintanya ni Alexis.
Punong puno ang gym ng kanilang university. Halos hindi mahulugang karayom ang mga estudyanteng excited ng masaksihan ang unang araw ng laro. Sa Backstage ipinatawag si Andrea ni Coach Louie. Halos lahat ng kanyang madaanan ay nakakatatlong lingon sa kanya. Sanay naman syang bigyan ng atensyon ng mga tao pero iba ang kanyang pakiramdam sa ngayon. May halong kaba ang kanyang dibdib. Isa lang ang gusto nyang makita ngayon. Si Jeffrey dahil miss na miss na nyang makita ang gwapong binata. Makita lamang ito ay masaya na sya.
"Miss Montenegro, glad you are already here. Any minute from now the game will start but first there will be a march all over the court to intruduce the players. Kasama ka din sa ipapakilala ija," pagpapaliwanag ng kanilang coach.
"Ok po Sir," mahinhing sagot ni Andrea
" Friend, dun muna kami sa gilid ha. Don't you worry di ka namin iiwan. Nasa tabi tabi lang kami." saad ni Alexis kay Andrea.
Dumating na nga ang pinakahihintay ng lahat ang pagpapakilala sa mga manlalaro. Halos dumagundong ang sigaw at tili ng mga taong nanonood nang isa isang maglabasan ang mga players. Nang ipakilala na si Jeffrey ay halos magwala ang mga tao. Hindi maikakailang sikat na sikat talaga ito sa kanilang paaralan. Nang si Andrea naman ang ipapakilala ay walang pasidlan ang saya at sigaw ng mga kalalakihan. Nagtama ang mga mata nila Andrea at Jeffrey. Tipid na ngumiti si Andrea. Tinablan ata sya ng hiya ngayon. Halos buong mukha nya ay namumula. Nilapitan si Andrea ng mga players at nagpakilala ang mga ito isa isa. Malugod namang pinaunlakan ni Andrea ang mga pagpapakilala ng mga manlalaro. Mababakas sa mukha ng mga manlalaro ang labis na paghanga sa kagandahan ni Andrea.
"Guys tigilan nyo na sya. Magsisimula na ang laro," nakataas ang kilay at madilim ang mga matang saway ni Jeffrey sa kanyang mga teammates. Halos lahat kasi ng attention ng mga ito ay nasa kay Andrea. Lalong namula si Andrea sa sinabi ni Jeffrey. Pero ipinapasalamat nya ang pagsaway nito dahil tinigilan sya ng mga ito. Hindi sinasadyang napalingon uli si Andrea sa gawi ni Jeffrey. Halos hindi sya makahinga sa subrang kaba. Matiim ang tinging ibinigay ng binata kay Andrea na ipinagtaka ng huli.
Bago pa magsimula ang laro ay nagpakitang gilas muna ang mga cheering squad. Ang cheerleader naman ang napagtuunan ng pansin ng mga tao. Pinangungunahan ito ng girlfriend ni Jeffrey na si Trina.
Bago pa magsimula ang kanilang performance patakbong lumapit si Trina kay Jeffrey at binigyan ito ng makapugtong halik. Hindi nakahuma ang mga tao dahil sa ginawa ng dalaga kaya naghiyawan ang mga tao. Parang naparalisa si Andrea sa nasaksihan. Sa ikalawang pagkakataon ay nasaksihan uli nya ang halikan ng dalawa pero ngayon para syang binuhusan ng malamig na tubig at parang paulit ulit na sinaksak. Ang sakitsakit sa kanyang pakiramdam. Ngumiti ng mapait si Andrea.
Agad syang umalis nang magsimula ang sayaw ng Cheering squad. Hinila naman sya ng mga kaibigan sa isang tabi. Hinawakan ng mahigpit ni Alexis ang kanyang kamay. Binulungan naman sya ni Althea.
"Grabe ang landi naman ng girlfriend niya. Parang ipinangalandakan na sa kanya lang ang nobyo nya!Hmp!!! ang possessive ah!" tuwirang komento ni Althea. Nabikig ang lalamunan ni Andrea at di sya nakapagsalita. Siniko nya si Althea dahil baka marinig ito ng ibang nasa tabi nila. Parang gusto ng umuwi ni Andrea pero gusto nyang mapanood kung paano maglaro ang hinahangaang binata.
Naging mahigpit ang takbo ng laro. Pero nanaig parin ang kupunan ng binata. Buhat buhat ng mga ito si Jeffrey dahil ang binata ang nagpanalo sa laro.
"Friend, tapos na ang laro. Umalis na tayo," bulong ni Alexis kay Andrea.
"Gusto ko syang icongratulate" mahinang saad ni Andrea.
" Friend, nandyan lang ang gf nya oh. Nakaabang paano ka naman makakalapit?" Hindi na nakasagot si Andrea dahil tinawag sya ni Coach Louie.