Chapter 3

2043 Words
Chapter 3 " Señorita Andrea, Señorito Jeff pinapatawag po kayo ng Daddy nyo sa dining room. Kakain na po," tawag ng kanilang kasambahay. " Sige po manang susunod na po," magalang na sagot ni Andrea sa kanilang katulong na si Susan. Napabaling ang tingin nya kay Jeffrey na hindi parin inaalis ang titig sa kanya. Inalis nya ang towel na nakabalot sa kanyang pang ibaba at ibinalandra sa harapan nito ang kanyang kabuuan. She smirked and gave him a seductive look. " Do you like what you see?" matapang na tanong ni Andrea. Sunod-sunod ang paglunok nito at lalong nanlaki ang magagandang mata. She came forward in front of him almost touching her boobs to his abdomen. Hanggang balikat lamang sya nito kaya kailangan nyang tumingkayad at tumingala para lamang mag abot ang kanilang mga labi. And there she bravely gave him a peck of kiss on his lips. Na lalong ikinagulat nito. He was like a virgin na hinalikan. Gulat na gulat. After the kiss agad nyang tinalikuran ito at nagtungo na sa shower room. Andrea's POV Mabilis akong tumalikod pagkatapos ng mapangahas kong paghalik sa kanyang labi. I can't control my urge to kiss him. That was my first kiss actually pero sapilitan kong kinuha sa kanya. Nanginginig ang mga kamay ko sa subrang kaba na nararamdaman. Nagwawala ang puso ko sa pagtibok. Pagkapasok sa shower room ay napasandal ako sa pintuan dahil para akong nanlalambot. That was a pierce move. I chuckled for that desperation. So brave yet so coward. I touched my lips and feel the beat of my heart. I think I am in love. I smiled and silently giggled. Pagkatapos nyang magbihis ay mabilis syang bumaba para saluhan ang kanyang mga magulang sa pananghalian at syempre para makita si Jeff. She made sure she will look beautiful and of course sexy to allure her victim. She's wearing crop top na kitang kita ang pusod at short short na kitang kita ang kuyukot. She doesn't mind what her parents would say to her get up. Nasa bahay lang naman sya kaso may gwapong bisita. Pagbungad pa lamang nya sa pintuan papasok sa napakalawak na dining area ay sa kanya na agad nakatutok ang tingin ng mga magulang at ni Jeff na nasa kanang bahagi lamang. " Oh ija mabuti naman at bumaba ka agad. Halika na at kumain na. Tumabi ka na kay Jeff para naman magkakilala pa kayo ng husto," anyaya ng kanyang ama na ang lapad ng ngiti. Ang kanyang Mommy naman ay masayang pinagsisilbihan ang ama. Lumapit muna sya sa kanyang Daddy at binigyan ito ng halik sa pisnge sumunod sa kanyang mommy na kahit nagkakaedad na ay napakaganda parin. "Hey Mom you look great as always. You are not aging," malambing nyang puri sa ina. "Hmmm nambola na naman ang subrang ganda. Anak talaga kita," sabay silang nagkatawanan ng ina. Nakatitig lang sa bawat kilos nya si Jeff. Nang lumapit sya sa tabi nito para umupo mabilis nitong hinila ang upuan para sa kanya. A gentleman gesture na nakadagdag sa paghanga ni Andrea. " By the way Jeff, kaya kita pinatawag kasi I want you to tour Andrea around our province. Ipasyal mo sya sa lahat ng magagandang lugar natin dito. Hindi pa yan nakapasyal sa tabing dagat simula nang umuwi yan dito," mahabang pahayag ni Mayor Alfonso. Lihim na nagdiriwang ang puso ni Andrea dahil ang ama na mismo ang gumagawa ng paraan para mapagsolo at mas mapaglapit sila ni Jeff. Tumikhim ang binata bago nagsalita. " Okay po Ninong pero gusto kaya ni Andrea na ako ang maglilibot sa kanya sa buong probinsya?" tanong ni Jeff. Nagkatinginan sila ni Jeff. Ano ba ang ibig sabihin nito? Syempre malaking oo ang sagot nya. Sabik na sabik kaya syang masolo ang atensyon ng binata. Sya na ang sumagot. " I like that idea. Thanks Dad. I am eager and excited to visit all the wonderful places here in Sorsogon. Thanks Jeff in advance," malawak ang ngiting sabi nya. "Oh that settled then. You can tour around starting today. You still have plenty of time today because it still early," wika ng kanyang ama. Mas lalong nasabik si Andrea. Ang pagkakataon nga naman ang umaayon sa kanya. Mabilis na tinapos ni Andrea ang pagkain. Lihim naman syang pinagmamasdan ni Jeffrey. Wala itong kaarte arte sa pagkain. Subo lang ng subo. Halatang excited at nagmamadali. Nag-aalala naman si Jeffrey dahil napangakuan nya ang nobya na idedate nya ito pagkagaling nya sa mansion pero mapupurnada dahil sa kahilingan ng kanyang Ninong Alfonso. Tatawagan na lamang nya ito mamaya. Nasa parking area na sila nang magsalita si Jeffrey. "Andrea, yung kotse mo na lang ang gamitin natin." "Okay," tipid na sagot nya. Nagsuot sya ng disenteng short na tama lang ang ikli, above the knee at puting tshirt. Simple lang ang get up nya. Ipinusod nya ang buhok na nagpalitaw sa maputi nyang batok at nagsuot sya ng rubber shoes. Handang handa para sa pamamasyal. Nagbaon na rin sya ng swimsuit at isang pares ng short at tshirt kung sakaling pagpawisan sya. May dala din syang towel at lotion kung sakali. Excited talaga dahil kumpleto ang gamit nya. May dala dala ding basket ang kanilang katulong na papunta na sa direksyon nila. Marahil ay ipapabaon sa kanila ng butihing ama. Aba very supportive ang kanyang ama. Lihim na nagdiriwang si Andrea. Tiwalang tiwala talaga ang ama kay Jeffrey dahil ipinagkatiwala sya nito sa binata. " Manang Susan para sa amin ba yan?" malamyos na tanong ni Andrea. " Opo señorita Andrea," magiliw namang sagot ng katulong. Kinuha ni Jeffrey ang basket at inilagay sa compartment ng kotse. Sinadya nyang ang kotse ni Andrea ang gamitin para hindi sila makita ni Trina kung sakali. Umiiwas syang makita sila nito. Napakaselosa ni Trina. Ayaw nyang mag-isip ito ng masama lalo na't napakaganda ng kasama nya. Ayaw nyang masangkot sa gulo ang anak ng butihing Mayor dahil mahilig sa eskandalo si Trina. " Halika ka na Andrea," yaya ni Jeff kay Andrea. Pinagbuksan nya ito ng pintuan sa harap ng kotse. Mabilis naman sumunod ito at pumasok sa loob ng kotse. Lihim syang napasinghap dahil sa mabangong pabango nito pagdaan sa kanya. Habang nasa daan nakatitig lang si Andrea kay Jeffrey. Si Jeffrey naman ay umiiwas na mapatingin kay Andrea. Nasa isipan parin ang nangyaring paghalik ng dalaga sa kanya. Bumabalik ng paulit ulit sa kanyang balintataw ang halik na yun. Napakalambot ng labi nito. Ayaw man nyang aminin pero gusto nya ulit maramdaman ang labi ng dalaga. Iba ang hatid na pakiramdam ang presensya ni Andrea sa kanya na pilit nyang iwinawaksi sa isipan. Talagang nabigla sya kanina sa kapangahasan ng dalaga. Sabagay lumaki ito sa liberated country kaya hindi na sya magtataka kung ganoon na lamang kasimple sa dalaga ang unang gumawa ng hakbang na humalik sa kanya. "Ahm, Andrea gusto mo bang makita ang ipinagmamalaking tourist spot ng Sorsogon? Ipapasyal kita sa Paguriran Island and Lagoon," excited ding tanong ni Jeff. Nanlaki ang mga mata ni Andrea sa narinig. "Oh really!? Iyan ba yung lagoon within sea water? Oh thanks Jeff I wanted to see that," masayang sagot ni Andrea. "Yeah thats our first destination. May dala ka namang slipper di ba? We will walk on a sand bar before we reach the lagoon," wika nito. " Yes of course. Lage ata akong handa. Nasa compartment ko lang lahat ng mga kakailanganin ko. E ikaw? may panligo ka ba at saka tsenelas na rin?" tanong ng dalaga. "Hindi ako maliligo. Sasamahan lang kita. Huhubarin ko na lang ang suot kong sapatos mamaya,”sagot nito. Lihim namang nalungkot si Andrea. May naisip syang paraan para masamahan sya ng binata mamaya sa paglalangoy. " Hmm daan na lang tayo mamaya sa isang botique para makabili tayo ng tsenelas at panligo mo," malambing nyang mungkahi dito. Napakunot naman ang noo ni Jeff. Natutukso syang sumang-ayon dalaga. " Ahm okay," sagot ni Jeffrey. Natuwa naman lalo si Andrea sa sagot ni Jeff. 'This is it. Kumakagat na sya. I will make him crazy over me. ' Lihim na turan ng dalaga. Bumili nga sila ng mga gagamitin ni Jeffrey sa pamamasyal nila. Awkward nga naman ang suot nyang jeans, casual shirt at rubber shoes sa pagsulong ng dagat. Subrang excited ni Andrea nang masilip nya ang dagat. " Wow subrang ganda talaga dito. I wonder Daddy let me live abroad e hamak naman na subrang ganda dito,”napapantiskuhang pahayag ni Andrea. Lihim namang napangiti si Jeffrey. Natutuwa sya sa bawat reaksyon ni Andrea. Ipinasok ni Jeffrey sa isang resort sa harap mismo ng maliit na isla ang sasakyan ng dalaga. May mga kubo sa paligid at mula doon ay makikita ang maliit na isla na tanging sand bar ang pagitan para marating iyon. Maaga pa dahil alas otso pa lang ng umaga. Lumilitaw ang sand bar mula sa coastal area simula alas sais hanggang alas nuybe ng umaga at alas kuwatro hanggang alas sais ng gabi. Kaya naman kitang kita sa kinatatayuan nila ang sand bar na nagtutulay mula sa tabing dagat papunta sa isla. Nilapitan sila ng nagbabantay sa beach resort at agad na pinatuloy nang makilala nila si Jeffrey. " Mauna ka ng magbihis Andrea. lumiko ka lang sa kanan at makikita mo yung dressing room," " Baka pwede mo akong samahan?" lambing ni Andrea. Napamaang naman si Jeff sa tinuran ni Andrea. " Ahm sige dadalhin ko na rin itong bihisan ko,” sang-ayon ni Jeffrey. " That's great pagkatapos ko ikaw naman ang hihintayin ko. okay?" tumango si Jeff bilang pagsang-ayon. Medyo dumadami na ang mga tao sa paligid dahil araw ng sabado. Usually marami ang pumupunta sa lagoon basta weekend. Mas mabuti nga na samahan nya ang dalaga sa lahat ng pupuntahan nito. Lahat naman ng taong nadadaanan nila ay biglang napapalingon ng dalawang tingin sa kanila. Sino ba naman ang hindi magagandahan sa dalaga. Kahit wala itong kabahid bahid ng make up sa mukha naglulumitaw parin ang kagandahan nito. Maamo at mala anghel na nakakaakit. Hindi din nya maiwasang bakuran ito dahil naaalarma sya sa bawat malaswang hagod ng tingin ng bawat lalaking tumititig dito. Mabuti na lamang at walang pang pila sa dressing room. Busy pa ata ang ibang turista sa paghahanda ng kanilang mga pagkain sa bawat kubong nirentahan ng mga ito. Tamang tama para sa kanila. Pumasok na si Andrea sa dressing room. Iniwan sa kanya ang bag nito. Para tuloy syang boyfriend na naghihintay sa girlfriend na matapos magbihis. Lihim syang kinilig na agad din nyang iwinaksi sa isipan. Bigla syang napaigtad nang may kumalabit sa kanyang likod. "Pare, girlfriend mo ba yung napakagandang dyosa na pumasok dyan sa dressing room?" tanong ng isang matipuno at may kagwapuhan ding lalaki na halatang turista din sa lugar. Tumango sya at hindi nagsalita. " Sayang naman!" rinig nyang palatak ng binatang agad umalis na puno ng panghihinayang. Napabuntung hininga na lamang sya. Bahala na paano nya ipapaliwanag kay Andrea ang importante walang makakalapit na ibang lalaki dito dahil sa kanya lang ipinagkatiwala ang dalaga. Ayaw nyang biguin ang kanyang Ninong. Tama! pinoprotektahan lang nya ang dalaga. Hindi nagtagal at lumabas na din si Andrea sa dressing room na lalong nagpabalisa sa kanyang nararamdaman. Nakasuot ito ng 2-piece swimsuit na mas nagpalitaw sa kagandahan at kaseksihan ng dalaga. Pinatungan lamang ng see through long dress na aninag parin ang kaputian at kakinisan. Iniabot nya ang bag ni Andrea para maipasok ang mga damit na hinubaran nito. Sya naman ngayon ang sunod na pumasok sa dressing room para magbihis. Binilisan nya ang galaw sa pagbibihis dahil natatakot syang lapitan ang dalaga ng ibang tao. Wala pang isang minuto ay lumabas na sya. " Wooh ambilis ah!" malawak ang ngiting sabi ni Andrea. Agad napako ang tingin nito sa maumbok na harap ng binata. Napatikhim naman ang binata para maagaw ang atensyon ng dalaga. Halatang halata ang pamumula ng pisnge nito dahil sa hayagang pagtitig nito sa nakaumbok nyang harap. Hinawi ni Jeffrey and buhok sa tumatakip sa kanyang mga mata at pasuklay na inayos ito. Para naman nabato balani si Andrea na nakatitig lamang sa bawat galaw ng binata. "Hey!!! I said let’s go!" "H-a!?" nauuutal na bigkas nya pagkatapos ng ilang segundong pagkatulala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD