"Anak, ayokong makialam sa buhay mo lalo sa usaping puso mo pero anak malaki ang utang na loob natin sa Ninong mo. Sya ang nagbabayad ng lahat ng gastusin para sa pagpapagamot ng mama mo. Anak, nakasalalay dito ang kalusugan ng mama mo," paliwanag ng kanyang ama. Sapo sapo ni Jeffrey ang buong mukha at halos hindi maipinta ang kanyang hitsura sa subrang gulo ng nararamdaman at iniisip. Wala sa hinagap nyang pakasalan o seryusuhin si Andrea. Si Trina ang pangarap nyang pakasalan dahil si Trina ang totoong mahal nya. Si Trina lang din ang nakikita nyang magiging ina ng kanyang magiging anak kung sakali. Kung matutuloy man ang pagpapakasal nya kay Andrea, iyon na siguro ang pinakamalaking kasalanang magagawa nya kay Trina. Tumanggi man si Trina noong minsang inalok nya ito ng kasal pero hindi

