bc

My Love... My Dream

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
HE
heir/heiress
drama
scary
loser
office/work place
like
intro-logo
Blurb

A hate to love romance. Isang babaeng nangangarap lang na mapansin at mapag-ukulan Ng pagmamahal Ng taong matagal na niyang pinupusuan.Isang lalaking masasabing Ang lahat nasa kanya na, pero sa loob ay may kulang pa..Sila ba ay nakatadhana sa isa't Isa?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Sunod-sunod na busina ng mga sasakyan Ang maririnig sa paligid. Mga hiyawan, sigawan, at malakas na boses Ng mga taong nagtatawag para lang may bumili sa kanilang paninda. Harutan at takbuhan Ng mga munting Bata na paro ok't parito lang Ang ginagawa habang naglalaro sa gilid ng kalsada. Talakan Ng mga nag-uumpukan na mga kababaihan, na walang ibang ginawa, kundi ang magtsismisan at siraan Ang kapwa. Na kapag nagkaabutan at nagkaasaran ay, malamang sa malamang, away at gulo Ang pupuntahan. May ilan ding mga kalalakihan na ke aga-aga ay kaharap Ang kainuman, nagkukwentuhan, naghahalakhakan habang hawak Ang mga boteng Wala Ng laman, dahil sa magdamagang inuman. Katabi Ang mga iilang nakayuko na at ginawang unan Ang mesa na kanilang tunggaan. Ang mga ito ay iilan lamang sa tanawing nakikita at nasasaksihan ni Michelle araw-araw habang nakadungaw sa maliit na bintanang iyon Ng kwartong kanyang inuupahan. Nung una ay parang ayaw Niya sa magulong Lugar na iyon. Pero Wala siyang magagawa, dahil nasa Lugar lang na iyon Ang may pinakamurang paupahan sa siyudad na iyon. Kalaunan ay nakasanayan na din Niya Ang mga ganoong eksena. Kaya,t kapag nakakarinig ng ingay, ay nilalagyan na lang niya ng headset Ang tainga o di kaya'y magbingi-bingihan na lang. Walang malapitan, ngayong iniwanan na Siya Ng mga magulang. Walang ibang maaasahan kundi Ang sarili na lang. Walang ibang karamay at kaagapay sa buhay. Lahat nawala sa kanya. Iyan Ang pakiramdam Niya. Nag-iisa. Magmula ng iwan Siya Ng mga mahal sa buhay, ang Mama at Papa niya. Sa loob Ng maliit na kwartong kanyang inuupahan, may maliit na aparador doon na pwedeng mapaglagyan ng gamit. Nakapatong doon Ang nakakuwadrong larawan nilang magpamilya. Masayang tingnan Ang larawan. Nakikita doon Ang magagandang ngiti na nakapaskil sa mga labi ng naroon. Na tila ba walang problema. Tila ba walang darating na sakuna. Tila ba hindi alintana Ang darating na unos na siyang sisira sa mga pangarap ng isang dalagang Kay ganda pagmasdan Ng ngiti. Isang pangarap na sana'y makasama pa Ng matagal Ang minamahal na mga magulang. Ang larawang iyon ay kuha ilang buwan Bago binawi Ng maykapal Ang kanyang mga magulang. Iyon Ang tanging nag-iisang ala-ala Niya na masaya habang kasama Ang pamilya. Sa gitna Ng magulong Lugar na iyon, andun Siya sa Isang maliit na kwartong iyon, sobrang tahimik, at ilang buwan ng naiilawan pero parang walang naninirahan. Wala siyang ganang lumabas. Simula pagdating Niya sa Lugar na iyon, bibihira lang siyang lumabas. Iyong tipong kung may kailangan lang bilhin o importanteng pupuntahan. Ikinulong Ang sarili para Hindi na Muna makisalamuha sa ibang tao, ilayo Ang sarili sa makapanakit na mundo. Kung hindi lang Siya umalis, disin sana'y kasama pa Niya Ang mga magulang. Pero napagkuro Niya ring, kung Hindi Siya umalis, magiging Isa din Siya sa biktima Ng sakunang iyon. At napagtanto Niya din, sa mahabang panahon ng pagkakakulong sa sarili, napagnilay-nilayan niyang may rason Ang Diyos kung bakit Niya agad binawi Ang mga magulang niya sa kanya. Hindi Siya dapat sisihin sa nangyari, bagkus, ay magiging Daan iyon upang maging matapang at matatag na harapin Ang bawat hamon Ng buhay. Nung una, ninais niyang magpatiwakal para sumunod sa mga magulang. Pero Hindi Niya nagawa. Kaya mas pinili na lang Niya magkulong sa kwartong iyon. Umalis Siya sa pagkakadungaw sa bintana at naupo sa gilid ng katre. Higaan na gawa sa kawayan at nilagyan na Lang ng malambot na mattress para maging komportableng higaan. Inabot Ng kamay Ang nakakuwadrong larawan at idinikit sa dibdib Saka nagpakawala ng malalim na hininga. "Ma.. Pa... kung nasaan man kayo ngayon, sana Masaya na Po kayo. Wag Po kayo mag-alala, ipagpapatuloy ko Po Ang Buhay ko. Kahit mahirap, kakayanin ko. Gabayan Niyo lang Po ako.. Bantayan Niyo Po ako diyan sa taas ha.. Mahal na mahal ko Po kayo..." Muling tumulo Ang luha sa mga mata. Hinalikan Muna Ang larawan Bago ibinalik sa kinalalagyan nito. Pagkatapos ay kinuha Ang di kalakihang bagahe sa ilalim Ng katre. Binuksan iyon at hinanap Ang Isang bag na naroon. Pagkakita niyon ay agad binuksan at hinugot ang isang sobre na di na ganun kakapal. Siniyasat Ang laman niyon, Saka muling ibinalik sa loob Ng bag. "Haaayyy.. Kunti na Lang pala Ang naiwan. Kailangan ko na maghanap Ng trabaho, kung hindi ay, magugutom ako.." Muling bumuntong-hininga. "Michelle.. kailangan na talaga lumabas.. Tama na ang pagmumukmok... Wala na itong maidudulot na maganda sa'yo.." Muling inayos ang bag at ibinalik na sa bagahe. Isinarado iyon at inilagay muli sa ilalim Ng katre. Ang laman Ng sobre ay Ang perang nakuha ko Mula sa kompanyang pinagtatrabahuhan Ng Papa ko, mula sa bank account ni Mama, mga naipong bigay sa lamay, at Ang iba ay nagmula sa Padala Ng ilang kaibigan at pamilya Ng mga magulang ko. Ang lahat Ng iyon ay inipon ko, at inilagay sa sobre ang sobra matapos Kong mabayaran Ang lahat Ng bayarin at gastusin sa burol at libing Ng mga magulang ko. Nadagdagan pa iyon Sa nakuha Kong bayad Sa pagbenta ko Ng lupa't Bahay namin Sa probinsiya. Sa kabuuan ay malaki-laki din Ang naipon ko. Iyon ang ginamit ko para sa pamasahe, pagkain, Renta, at Ilan pang mga gastusin sa loob ng anim na buwang pagkakakulong ng sarili ko sa kwartong iyon. Ang lupa't bahay na siyang tanging ipinamana Ng mga magulang ko sa akin ay binenta ko. Sapagkat naroon Ang mga alaala namin nung magkasama pa kami. Buo at masaya. Kahit ganun, ipinagbili ko pa Rin dahil gusto ko Ng lumayo sa Lugar na iyon at magkaroon Ng panibagong buhay. Ngayon, kunti na lang Ang laman Ng sobre. Ibig sabihin, kailangan ko na magtrabaho. Hindi porket may natitira pang Pera sa bank account ni Mama ay sasaidin ko na. Hindi pwede iyon. At sanay din Naman ako sa trabaho, sapagkat pinalaki ako Ng mga magulang ko na marunong magtrabaho. Hindi din ako spoiled brat, kahit pa, lumaking mayaman. Tinuruan ako ni Mama Ng mga gawaing bahay, magluto, maglinis. Kaya masasabi Kong kahit Anong trabaho Ang mapapasukan ko, kaya at magagawa ko. Huwag lang illegal at pagbenta Ng katawan. Matapos makapaghapunan ay agad kong inayos Ang mga dadalhin para sa paghahanap ng trabaho. Napagdesisyunan kong bukas na bukas din ay maghahanap na ako. At Ang perang natitira ay titipirin ko at gagamitin lang sa mga importanteng bagay at pagkain kung Hindi pa ako makakahanap Ng mapagtatrabahuhan. Nakuha na Naman Ang pansin ko ng larawan sa aparador. Inabot ko iyon at pinagmasdan. "Ma,.. Pa... Tulungan Niyo Po ako bukas ha.. Maghahanap na ako Ng trabaho.. At saka, para na Rin may mapaglibangan ako. Samahan Niyo lang ako araw-araw ha.. Mahal na mahal ko Po kayo.." Matapos dampian Ng halik Ang larawan ay muli ko iyong ibinalik sa kinalalagyan. Inaayos ko na ang mga dadalhin sa isang bag nang makarinig ako ng isang malakas na sigaw. Agad akong napadungaw sa bintana, at tumingin sa ibaba. Nasa ikalawang palapag Ng bahay-paupahan na iyon Ang kwarto ko kaya tanaw ko Ang lahat na dumaraan at nangyayari sa ibaba. Nakita Kong may nag-uumpukan na mga tao sa kabilang kalsada, kung saan nakaparada Ang Isang mamahalin at bago-bagong sasakyan. Lumabas doon ang isang lalaki. Di ko masyado mamukhaan. Pano ba Naman Kasi, naka hood na, naka jacket, naka salamin pa. "Ano ba Yan... Kita pa ba Niya dinadaanan Niya..? Gabi na, madilim pa, tapos naka salamin. Eh di, wow..! Istitik ang dating.." Di ko masabi kung pogi ba o ano.. Hindi Naman Kasi kita Ang pagmumukha nito. Pero matangkad. Ayon sa pagkakatayo nito sa gilid Ng kotse. Sumandal pa ito doon at namulsa. Parang may hinihintay. Panaka-naka din itong nagsasalita. Kapag kinakausap ng mga tao sa baba. "Hay naku... Mga tao nga naman.. kapag Makakita Ng pogi at mayaman, pagkakaguluhan..." Umalis na ako sa bintana at muling naupo sa gilid Ng katre. "Pero Hindi ko masigurado na pogi ha.. Di ko Naman napagmasdan Ang mukha eh.. Malay natin, may tinatago pala iyon.. Haayyy.." Ipinilig ko na lang Ang ulo sa naisip. Saka inayos ang tutulugan. Matapos makapaghilamos at sepilyo, ay nahiga na ako. "Tomorrow is another day.. Panahon na para makisalamuha ako sa mga tao.. Kunsabagay, Hindi Naman nila ako Kilala. At Hindi nila alam Ang pinanggalingan ko... Kaya maipagpapatuloy ko Ang buhay ko..." Binalingan ko Ang larawan sa aparador. "Goodnight Ma.. Pa.. Matutulog na maganda niyong anak.." Saka mapait na napangiti. "Oh ayan, iiyak ka na Naman ba, Michelle.. Sabi ng tama na eh.. Sige ka, bukas papangit ka.." Napangiti na Lang ako. Ano ba yan, kinakausap ko na sarili ko. "Haaayyy.. makatulog na nga.." Tumagilid ako. Tinakpan Ang tainga Ng unan upang Wala Ng marinig na ingay Mula sa labas. Ipinikit Ang mata at natulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.6K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.6K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.1K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.1K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook