Napasandal ako sa pader habang tinatanaw si Michelle na tumatakbo palayo sa akin. Napahawak pa ako sa labi. Hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang init Ng labi nito. At Ang lambot na tila ba nag aanyaya na ayaw Kong bitawan. Napabuntong hininga na Lang ako.
"Naku, Frank, ano ba Naman tong ginawa mo.."
Hindi ko alam kung ano Ang magiging reaksiyon ni Michelle sa ginawa ko. Akala ko, kagaya nung nauna, sasampalin Niya ako. Pero di Niya ginawa iyon.
"Pero Teka, alam ba Niya na ako iyon?.. Ang taong sinampal Niya noon?.."
Kita ko Ang pamumula Ng pisngi Niya. Napangiti ako. Hindi Niya ako tinulak kanina kahit may pagkakataon siyang gawin iyon. Hinayaan Niya lang ako. Ibig bang sabihin nun, nagustuhan din Niya? Pero Hindi ibig Sabihin na pumayag eh gusto na agad. Pwedeng nabigla lang? Nahiya tumanggi? Maraming posibleng dahilan. Pero imbes na ngitian ako, tinakbuhan tuloy ako. Ano iyon, Galit? Hay..
"Ewan ko.. Baka nga Galit Siya sa akin.. Frank Naman Kasi, eh, bakit mo ginawa iyon..?"
Wala sa Plano ko Ang halik na iyon. Dahil nandoon kami sa mall upang siyasatin Ang ipinapaayos Kong pwesto para sa kainan na bubuksan na sa katapusan. Kaya lang, pagdating sa hallway papasok sa mall, maraming nag uumpukan na mga tao sa unahan. Nataon ding doon kami dumaan sa bandang likuran. Nung huminto ako, nabunggo pa Siya sa akin. Okay lang iyon. Gusto ko ngang alamin kung nasaktan ba Siya o ano. Pero nagpigil lang ako. Nang Makita Kong nagsitakbuhan na Ang mga tao papunta sa direksiyon namin, awtomatikong kinoberan ko Siya. Isinandal ko Siya sa pader upang Hindi masagi Ng mga taong nagsisitakbuhan at nagkumpulan pa. Itinukod ko Ang dalawang kamay sa pader upang Hindi Siya maipit. Lalo akong napadikit sa kanya nang magsiksikan na Ang mga tao. Sinunod Ng mga ito Ang mga artistang nagsho shooting ata. Ewan lang kung sa pelikula ba o teleserye.
Napalibutan kami Ng mga taong nagsisiksikan kaya mas pinabuti ko pa Ang pag protekta sa kanya para di Siya masaktan. Pero sa katunayan, masakit pala sa likod. Likod ko Ang ginawa Kong panangga sa mga taong nagsisiksikan.
Okay na sana Ang lahat eh. Nung pinagmamasdan ko Siya, pakiramdam ko, kaming dalawa lang tao nung panahong iyon. Nawala sa isip ko Ang ingay sa paligid. Tanging Siya lang Ang sentro Ng paningin ko. Sa una ay pinipigilan ko pang angkinin Ang natural na mamula mulang labi nito dahil nasa public place kami.
Pareho sa akin, siguro, nakikiramdam lang din Siya. Panay Ang silip sa labas. Natabunan Kasi Ang mukha niya Ng tuxedo ko. Pero siguro nga, napapagod na ito sa kakatayo. Nung tumingala ito, Nakita ko sa mukha nito na parang nayayamot na. Naaliw akong tingnan Ang mukha niya, parang Batang Hindi nabigyan Ng chocolate. Pero nung umawang Ang mga labi Niya, doon na ako hindi nakatiis. Sabi ko isip ko, dampi lang. Pero Hindi ko na talaga napigilan Ang sarili ko. Halik na talaga Ang ginawa ko. Nataon ding naggalawan Ang mga taong nagsisiksikan kung kaya Lalo akong napadikit Kay Michelle. Sa palagay ko Naman, Walang nakapansin sa ginawa ko. Dahil Ang lahat, nakatuon doon sa mga artista. Nagsisigawan at naghihiyawan pa Ang ito. Sa Dami nilang nagsisiksikan, di alintana na meron nang naiipit sa ginagawa nila.
Gustuhin ko mang patagalin pa Ang halik na iyon ay Hindi na pwede, dahil maraming tao Ang nakapaligid sa Amin. Binitiwan ko Ang labi Niya, hinintay Ang magiging reaksiyon Niya. Pero di ako makapaniwala, na tatakbuhan Niya lang ako.
Napangiti ako. Kakaiba talaga Siya. Kung sa ibang babae ko iyon ginawa, ewan ko lang kung aalis pa sa tabi ko. Baka nilingkis na Ang mga braso sa katawan ko at niyaya sa kung saan. Hay..
Nagpasya na akong tumungo sa pwesto na pinapaayos ko. Baka doon na dumiretso si Michelle.
Pagdating doon ay inilibot ko Ang tingin sa paligid. Wala kahit ni anino Ng dalaga. Mga trabahante lang Ang nandoon. Nagsimula akong magsiyasat at nagmasid sa paligid. Lahat Ng parte ay tsinek ko. Mula sa flooring Hanggang sa wiring. Kainan iyon kung kaya mas importante Ang kusina. Ang Lugar ay malapit na matapos. Siguro mga 75 percent na Ang nagagawa. May ilang kagamitan na din Ang nakakabit. May nakasabit na din sa kisame. Maayos na Ang lighting. Sa pintura Naman, may mga bahagi pang Hindi napipinturahan.
Nagpa costumize pa talaga ako Ng mga upuan at mga mesa para magmukhang kakaiba at class. Kagagaling lang din namin doon sa pagawaan. Marami Rami na Rin Ang natapos nila. At sinisiguro din Ng may Ari na maide deliver Ang mga iyon sa takdang Araw na aming usapan which is 1 week before the opening.
Natapos na Ang inspeksiyon ko sa loob at labas Ng pwesto pero ni anino ni Michelle ay Hindi ko na Nakita. Naupo ako sa ibinigay na silya sa akin Ng engineer. Kunwari ay nagmamasid masid at nagbabantay sa mga nagtatrabaho pero Ang totoo pala ay lumilipad Ang isip. Hindi man sa nag aalala ako, pero ayoko lang na may masamang mangyari ulit sa kanya. Nagpaalam lang ito na pupunta Ng banyo pero bakit hindi na ako sinipot Dito? Alam niyang nasa trabaho Siya ngayon.
"Naku, Frank.. Dahil sa ginawa mo kanina ay baka Hindi na iyon magpapakita sa iyo..?"
Kinutuban ako dun ah. Ano kaya kung mangyari iyon?
"Hindi ako papayag!.."
Nagpasya na Lang ako na hanapin si Michelle. Baka kung saan lang iyon nagsusuot. Tumayo na ako. Una Kong hinanap Ang engineer na umaasikaso sa pwesto at nagpaalam. Sunod ay tinungo ko Ang banyo. Pagdating doon ay nadatnan ko Ang cleaning lady. Agad ko iyong tinanong kung napansin Niya bang pumasok si Michelle. Inilarawan ko si Michelle. Gaano ito kataas, kung Anong itsura nito, kulay na damit na suot, at kulay Ng handbag na bitbit nito. Tumatango tango lang Ang babae at mukhang nag iisip. Saka umiling iling ito at Hindi Niya talaga matandaan kung may pumasok na babae kanina na may ganung kasuotan. Paalis na sana ako nang pigilan ako Ng kalalabas lang na babae. Ayon sa suot nito, kasamahan ito Ng unang babae na tinanong ko. Narinig nito Ang Tanong ko sa kanyang kasamahan. At sinagot Niya ako. Siya daw Ang nakapansin Kay Michelle na pumasok sa loob Ng banyo pero nakaraan Ang ilang minuto, lumabas din ito.
"Sir, baka Po andiyan lang Siya, nag iikot. Malay mo Po, nagka salisihan lang kayong dalawa.."
Tumango ako.
"Ah ok.. Siguro nga.. Sige, salamat.."
"Walang anuman Po, Sir.."
Panabay na sagot Ng mga ito sabay yukod sa harapan ko. Tanging ngiti lang isinukli ko sa kanila. Tumalikod na ako.
"Eeyyy!! Ang pogi ni Sir nuh?.."
Dinig Kong sabi pa nung isa. Pansin ko Rin Naman na kanina pa iyon nakangiti sa akin. Paparating pa lang ako eh Todo ngiti na Siya sa akin. Nawala lang iyon Ng banggitin ko Ang pangalan ni Michelle.
"Sorry girls, may nakakuha na Ng atensiyon ko eh.."
Patuloy ako sa pag iikot. Palinga linga ako at bawat madaanan ay pinagmamasdan Kong mabuti baka sakaling Makita ko Siya kaagad. Sa first floor lang sana ako, pero nakarating ako Hanggang 5th floor Ng mall na iyon sa kakahanap Kay Michelle. Napagod ako sa kakalakad kaya naisipan Kong umupo muna sa mahabang upuan sa gilid. Pero kahit nakaupo ay palinga linga pa Rin ako baka sakaling Makita ko Siya. Mga sampung minuto mahigit Ang inilagi ko doon Bago ako nagpasyang magsimula ulit sa paghahanap. Sa loob lang Ng sinehan ako hindi nakapunta. Pagtuntong ko sa harap ng entrance ng unang pinto Ng sinehan ay natigilan ako.
"Teka, sinehan na lang Ang Hindi ko napasok. Pero ano Naman Ang gagawin Niya dito..?"
Nakakunot Ang noong marahas akong napabuga Ng hangin. Tumingin ako sa suot na relo. Nanlaki Ang mga mata ko.
"What!!.. Magdadalawang oras ko na Siya pinaghahanap.. Ganun katagal na akong paikot ikot Dito?.."
Nagpasya na Lang akong bumalik sa parking lot kung saan naroon Ang kotse ko. At ewan ko ba, sa kung Anong malas Ang dumapo sa akin ngayon, na pati cellphone ko ay naiwan ko sa kotse. Hindi ko tuloy matawagan si Michelle. Kasi kung kanina ko pa iyon natawagan, Nakita ko sana Siya.
"Hay naku, Michelle..Saan ka ba nagsusuot na babae ka.."
Nainis na tuloy ako. Malalaki Ang mga hakbang na tinungo ko Ang kotse. Mabuti na lang ay hindi ko naiwan Ang car key sa loob Ng kotse. Paano na lang kaya kung pati ito ay naiwan.
Agad kong pinindot Ang susi para bumukas Ang kotse. Diretso ko binuksan Ang pinto sa driver's seat. Akma na akong papasok nang mapansin Kong may nakahiga sa likurang bahagi ng upuan. Napatampal ako sa noo, sinabunutan Ang sarili, at Hindi ko talaga naiwasang magmura.
"Shit.. Walang hiya.. Nakakainis!!"
Di ko alam kung ano Ang mararamdaman ko. It's a mixed emotions. Naiinis na nagagalit na natutuwa na naaawa na ewan.
Naiinis ako dahil bigla na lang ako nilayasan Ng babaeng ito at pinag alala pa ako. Nagagalit ako dahil hindi Niya ako sinipot sa pwesto at pinagod Niya ako sa kakahanap sa kanya. Natutuwa ako dahil luckily, nandito lang pala Siya at walang masamang nangyari sa kanya. At naaawa ako sa posisyon Niya.
Pumasok na ako sa kotse at umupo. Saka nilingon Ang babaeng nakahiga sa upuan.
"Kainis ka talaga, Michelle. Pinagod mo ako sa kakahanap sa iyo, nandito ka lang pala, Ang sarap Ng tulog mo. At naghihilik pa.. Hay naku.."
Sa kabilang banda, nangibabaw pa Rin Ang awa at pag alala ko sa kanya. Iniisip ko Rin na baka, iniwasan Niya lang ako kanina dahil sa ginawa ko. Nahiya siyang humarap sa akin siguro kaya ganun. Kunsabagay, Hindi iyon malayong dahilan. At the same time, naaawa din ako dahil nakayanan niyang matulog sa loob nitong kotse na maliban sa masikip ay mainit pa dahil nakapatay Ang Aircon at sarado lahat Ng mga bintana. Siguro nga, sobrang napagod ito at inantok kaya nakatulog.
Binuhay ko na lang Ang makina at ini on Ang Aircon. Para lumamig naman. Nagpalipas Muna ako Ng ilang sandali para hintaying magising si Michelle. Pero inabot na ako Ng tatlumpong minuto ay Hindi pa ito nagigising. Sarap na sarap ito sa pagtulog. Nagdidilim na din Ang paligid. Kaya pinatakbo ko na lang Ang kotse. Hindi ko alam Ang Bahay Niya kaya sa Cuisine ako didiretso. Doon ay makakapagpahinga pa Rin ako kahit papano habang inaantay na magising Siya. Naitigil ko na Ang kotse sa parking area sa harapan Ng Cuisine pero mahimbing pa Rin Ang tulog ni Michelle. Tiningnan ko Ang paligid. Wala na halos katao tao sa Lugar na iyon. Agad akong bumaba Ng kotse at binuksan Ang likurang pintuan. Sinubukan ko siyang gisingin pero mahimbing talaga. Pinangko ko na lang Siya at umikot sa likurang bahagi ng Cuisine. Doon na Lang ako dadaan papasok dahil tiyak, sarado na Ang entrance. Tanging ako lang Ang may dalang susi sa pinto sa likuran.
Maayos ko siyang inilapag sa maliit na kama sa loob Ng opisina. Sinadya ko talagang magpalagay doon dahil Minsan doon ako nagpapalipas Ng Gabi.
"Ang bigat mo pala.. Saka tulog mantika ka talaga.. Pero Ang cute mo pa Rin kahit tulog.. Kakagigil ka talaga.."
Isang halik sa noo Ang idinampi ko sa kanya Bago inayos Ang kumot nito. Marahang hinaplos Ang pisngi nito at dinaanan Ng daliri Ang mamula mulang labi nito. Tumayo na ako Saka tinungo Ang kusina upang magluto. Hindi pa Naman ako nakakapag hapunan. At ramdam ko na Ang gutom. Dadamihan ko na lang dahil tiyak, Hindi pa din nakakapag hapunan si Michelle.