Mula sa malaking monitor ay kitang-kita ko Ang pagpasok ng babae sa entrance ng kainan. Sa kabilang camera, makikita Ang paglapit nito sa kahera. Nakikipag-usap siya. Hanggang sa iabot na Ng kahera Ang envelope nito. Malaki Ang ngiting napaskil sa mga labi. Ilang saglit lang Ang itinagal nito dahil bitbit Ang envelope ay agad din itong lumabas Ng establisimiyento. Sinundan ko Siya Ng tanaw ayon sa kuha Ng iba't Ibang camera, hanggang sa di ko na Siya Makita. Inalis ko Ang tingin Mula sa monitor at naupo sa swivel chair.
Ibinilin ko sa kahera kahapon na kung sakaling bumalik Ang may-ari Ng envelope, ay pagsasabihan niyang Dito na magtrabaho. Bilang waitress. Kung tatanggapin nito, ay makakapagsimula agad ito sa trabaho. Nainis man sa babae, pero nangibabaw Ang awa Niya dito. Naghahanap Ng mapagtatrabahuhan pero Hindi nakapagtapos Ng pag-aaral. Sino Ang tatanggap sa kanya..? Paano Siya makakapagtrabaho..?
Kahit sinasabi Ng iba na may pagka arogante ako, may puso din Naman ako. Marunong din Naman ako Maawa. Ganun ako pinalaki Ng mga magulang ko. Madali akong magalit, pero nawawala din.
Isang tunog Mula sa aparato ko Ang aking narinig. Dinampot ko iyon sa mesa at inilapit sa tainga.
"Hello.."
"Anak.."
Agad Kong nakilala Ang boses Ng Ina.
"Ma... Napatawag ka..?"
"Napag-isipan mo na ba Ang sinabi ko sa'yo..?"
Sabi ko na nga ba. Heto na Naman kami. Bawat tawag ni Mama, ito talaga Ang topic namin. Napabuntong-hininga ako Bago sumagot.
"Ma...---"
"Naku, anak.. Wag mo Ng isipin iyon. Kung makakaabala lang iyon sa trabaho mo diyan ay wag na lang..."
Putol nito sa sasabihin ko sana. Pinalungkot pa Ang boses..
"Ma... Okay na Po.. Magbabakasyon ako diyan. Sa katunayan nga Po, eh, nakapag book na ako Ng ticket..."
"Talaga..?"
"Opo.."
"Ay.. salamat Naman.. Kailan ka paparito? Para Naman mapaayos ko na Ang kwarto mo rito.."
Sumigla na Ang boses nito. Napangiti na Lang ako.
"Hay naku.. Ang Mama talaga.."
"Sa makalawa Po.."
"Siyanga..? O sige.. At ipaghahanda kita.. Ipapaluto ko Ang paborito mong kare-kare.."
Lumapad pa Lalo Ang ngiti ko sa labi. Sa klase Ng boses ni mama ngayon, mas ito pa ang excited sa aking pag-uwi.
"Sige Po, Ma..."
"O, Siya, hihintayin ka namin Ng Papa mo dito, Anak.."
"Opo..."
Matapos Ang pag-uusap naming mag-ina, lumabas na ako Ng opisina. Pupunta akong Gateway Mall upang bumili Ng mga pasalubong.
Pagdaan sa counter ay tinawag ako Ng kahera.
"Sir Frank..."
Binalingan ko Siya.
"Oh, Melba, ano Yun..?"
Ang lapad Ng pagkakangiti nito. Nagpapa-cute. Hindi Naman lingid sa aking kaalaman na may gusto ito sa akin. Marami Sila, sa lahat Ng sangay ng Frank's Cuisine, meron talaga nagpapalipad-hangin. Hindi ko lang pinapansin. At lahat sa kanila, Wala ni Isa man Ang nakakuha Ng aking pansin. Pihikan. Siguro, ganun ngang matatawag iyon. Naging sarado na Ang puso ko magmula nung nasaktan ako sa unang pag-ibig ko. Si Ana, na minahal ko Ng sobra, pero niloko lang ako. At pati Ang Pera ko, nilustay pa. Ganoon siguro ako kabait, na kahit Pera ko sa bangko ay ipinagkatiwala ko sa kanya. Lahat Ng luho nito binigay ko, lahat Ng gusto pinagbigyan ko. Ipinaglaban ko pa Siya sa mga magulang ko. Marami na Ang nagsasabi na hiwalayan ko Ang babaeng iyon, pero nagbingi-bingihan lang ako. Naging bulag sa katotohanan dahil sa pag-ibig ko. Siguro nga, para matauhan ako, gumawa Ang Tadhana Ng paraan para magising ako. Nalaman ko Ang lahat Ng panlolokong ginawa Niya sa akin. Sobrang sakit. Ilang linggo akong nagpakalasing. Nilunod sa alak ang katawan. Bumagsak ito hanggang sa magkasakit ako. Mabuti na lang, andiyan Ang mga magulang ko at mga kaibigan ko para umalalay sa akin. Pinapayuhan nila ako sa mga dapat Kong gawin. Hanggang sa napagtanto kong Hindi nga Siya para sa akin.
Isang kalabit sa braso Ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Kumurap ako at napatingin sa kaharap.
"Sir.."
Tumikhim Muna ako.
"Oo nga pala.. May sasabihin ka ba, Melba..?"
"Tungkol Po dun sa babaeng nakaiwan Ng envelope..."
"O, Anong tungkol sa kanya..?"
"Bumalik po siya dito kanina..."
"Nakita ko.."
"Sinabi ko na Rin Po Ang ipinagbilin Niyo. Tuwang-tuwa nga Po Siya. Bukas na po siya magsisimula..."
"Mabuti kung ganun.."
"Opo..."
"Sige.. Alis muna ako..
"Sige Po, Sir..."
Grabe Ang ngiti at nagpa-cute pa. Hindi na ko sumagot. Tinalikuran ko na lang Siya at tinungo Ang kinapaparadahan ng kotse.
Hawak Ang litrato na kasama Ang mga magulang, ay humiga ako sa katre. Di talaga mawala-wala Ang ngiti sa aking mga labi. Sobrang saya ko talaga ngayon. Itinaas ko Ang litrato.
"Ma.. Pa.. Alam niyo Po, sobrang saya ko ngayon. Akalain Niyo, sinuwerte talaga ako ngayong Araw. Kasi Po, di na ako nahirapan pang maghanap Ng mapagtatrabahuhan..!"
Nagigigil sa tuwa na Sabi ko sa mga magulang. Wala Naman akong pwedeng mapagkwentuhan kundi Ang mga magulang ko lang.
"Ang swerte-swerte ko talaga, Ma.. Pa.. Bumalik ako sa kinainan ko kahapon. Doon sa Frank's Cuisine. Naiwan ko iyong envelope ko, Kasi nagmamadali na ako kahapon umalis eh..."
"Kainis Kasi Yung lalaki na iyon.. Bigla bigla na lang nanghalik Ng walang dahilan.. Kaya Ayun tuloy, naiwan ko Ang envelope.."
Umismid ako. Siyempre, Hindi ko iyon sasabihin Kila Mama at Papa..
" Ikukwento ko Po sa Inyo.."
Bigla ako bumangon at umupo, cross leg. Nilagay sa harapan ang larawan.
"Kanina Po, Maaga ako nagising.. Kasi nga, maghahanap ako Ng trabaho. Eh, kailangan ko pa balikan Yung envelope ko na naiwan doon sa kainan. Kinakabahan nga ako.. Ma.. Pa.. Kasi, iniisip ko, baka Hindi ko na mababawi Ang envelope ko. Andoon pa Naman Ang BioData ko. Pag Wala Po Yun, hindi na ako makakapag-apply. Mabuti na lang Po, pagdating ko dun, ibinigay agad nila sa akin nung nagtanong ako. Di ba, Ma.. Pa.. Honest Po Sila.. Haneeeppp..."
Makikita talaga sa mukha ko Ang sobrang kasayahan.
"Abe nakon... Ma.. Pa.. Amo lang to.. Hindi pa galiiii... May good news..!"
Humagikhik ako. Na parang kinikilig. Kapag ganito, di ko maiwasang magsalita gamit Ang sarili naming lenguwahe. Ang Ilonggo o Hiligaynon.
"Sobra gid akon kalipay, Ma... Pa.. Tungod Kay Indi na ko mabudlayan mangita pa sa obrahan ko.. Abe Niyo ba, Ma.. Pa.. pag abot ko didto.. Todo ngirit lang ko gihapon bisan ginakulbaan ko.. Pero sang naghambal Ang kahera didto nga 'naghahanap ka pala Ng mapagtatrabahuhan? Tamang-tama, Kasi naghahanap din kami Ng Isa pang waitress. Sabi ni Sir, Ikaw na lang daw. Kasi nabasa Niya Yung BioData mo'.. Grabe Ang kalipay ko..Ma.. Pa.. Ang kulba ko bala, daw nahanaw lang... Ayyyiieee.."
Kinuha ko Ang unan sa tabi ko at niyakap. Pinanggigilan ko Ang unan.
"Basta, nalipay gid ko ya... Ma..Pa.. May maubrahan na Ang Bata Niyo.. Hindi na ko maboringan... Bisan paano, may makaupod na ko.. may makaistorya.. pero kamo gihapon nga duwa Ang pirmi ko istoryahon.. promise.."
Itinaas pa Ang Isang kamay. Ngunit, unti-unting nawala Ang ngiti sa mga labi, at nalungkot Ang mukha na para bang anumang sandali ay babagsak na Naman Ang mga luha dahil sa pangungulila sa mga magulang.
"Pero, Ma..Pa.. Mas sadya gid tana kung Ara kamo duwa sa tupad ko. Mahakos-hakos ko, Makita ko, mabatian mga tingog Niyo, kag Makita ko pa gid Ang mga ngirit Niyo..."
Malalim na buntong hininga Ang pinakawalan ko. Pinahid Ang luha na noo'y pumatak na sa aking hita. Di ko namalayan na umiyak na pala ako.
" Sobra ko na gid kamo ka miss... San o ko pa ayhan kamo makaupod liwat.. Ma.. Pa... Hidlaw hidlaw na gid ko ya sa Inyo duwa.."
Tuluyang namalisbis Ang mga butil Ng luha sa aking pisngi. Di na nagpapigil sa pag-agos Ang mga ito. Tanging iyon lang Ang magagawa ko simula nung maulila ako. Gusto kong umiyak Ng umiyak pero kaninong balikat? Gusto Kong maglabas Ng saloobin pero sino'ng lalapitan? Tanging litrato lang Ng mga magulang ko Ang kasa-kasama ko. Ito lang Ang palaging kaharap ko kapag gusto ko Ng kausap.
Pinahiran ko muli Ang mga luha. Suminghot-singhot at tumingin sa kisame upang pigilan Ang muling pagluha. Ikinurap-kurap Ang mga mata, Bago ipinikit. Dama Ang paghinga, kinalma Ang sarili. Pagkontrol. Ito lang Ang malimit Kong gawin upang mas mabilis na maikalma Ang sarili. Nang sa palagay ko ay okay na ako, iminulat ko Ang mga mata. Tiningnan Ang litrato at ngumiti. Kinuha ko iyon at idinikit sa dibdib.
"Pirmi Niyo lang gid ko bantayan, Ma.. Pa.. Palangga ko gid kamo.."
Pagkatapos niyon ay dinampian Ng halik Ang litrato Saka tumayo. Matapos maiayos Ang litrato sa aparador, ay tinungo ko Ang bintana. Di pa Naman kalaliman Ng Gabi kaya dumungaw ako dun. Pinagmasdan ko Ang paligid. Napakaingay. Sari-saring sasakyan Ang paroo't parito. Sa ibaba Naman ay kita Ang mga taong nag-uumpukan at nag-iinuman. Simula nung dumating Siya rito ay ganung eksena na Ang nakikita Niya tuwing Gabi. Meron ding nagbi-videoke. May bar Kasi sa di kalayuan. Lalo na sa Gabi, lumalabas Ang mga haliparot na babae. Kay iigsi Ng palda na animo'y kunting galaw lang ay labas na pati kaluluwa nila. Sobrang fit at nipis na pang itaas na kung yumuko ay parang malalaglag na Yung dalawang papaya nila. May mga batang nagtatakbuhan, at Minsan ay nagrarambulan na, pero parang di pinapansin Ng karamihan. Dahil Ang Sabi, hayaan na Lang daw, away-bata.
Nang mapagod sa katatayo at pagmamasid sa paligid ay isinara ko na Ang bintana. Tinungo Ang katre at inayos Ang higaan. Kapagkuwa'y naupo sa gilid niyon. Binalingan Ang litrato sa aparador,.
"Goodnight Po.. Mama...Papa..Palangga ko gid kamo..."
Nahiga na ako. Ilang sandali pang Pinaka tinitigan Ang kisame. Saka ipinikit Ang mga mata.