Noong highschool pa ako, first year hanggang pagka-graduate ay center na ako ng mga bully. Bully din naman ako sa mga kapwa ko classmate, sa katunayan nga ako pa ang pasimuno sa mga kagaguhan at katarantaduhan isama na rin natin ang kahayupan. Kaya naman dahil doon ay madalas na mababa ang tingin sakin ng mga tao. Ini-easy easy lang nila ang sangkatauhan ko. Pero hindi naman ako yung klaseng nagtatanim ng galit at magre-revenge para sa maliit na bagay. Never kong sinubukang baguhin ang sarili ko dahil naniniwala ako sa kasabihang "Just be yourself, there is no one better" ni Taylor Swift at oo ang totoo niyan isa ako sa mga swifties. Ang ganda kasi ni Taylor kahit 32B lang ang size nya. Madalas din akong kalimutan maging ng mga kaibigan ko, kahit katropa ko pa yan basta n

